T.E.A.M. W.O.R.K. in Church Ministries Kasama si Lord
by SuperChurch (Reference: Rick Warren’s 8 Values of TEAMWORK That Keep a Church Healthy ) Si Jesus ay may team–ang 12 disciples. Hindi Niya binalak na gawin ang ministry ng Siya lang. Pero paano ipinakita ni Jesus at ng Kanyang disciples ang TEAM WORK? T - Trust Nagtiwala si Jesus sa mga ordinary men kasama si Matthew na isang tax collector na kinaiinisan ng mga tao sa kanilang time. Paano ma-build ang trust sa team at ano ang magandang result nito? Nagtitiwala ang team members sa leader habang nakapaloob sa will ni Lord ang kanyang pangunguna. Consistent siya dito at nagse-set ng example ng submission sa will ni Lord. Mapapagkatiwalaan ang sinuman sa malaki dahil ginagawa niya ang best niya kahit sa maliit na task (Matt 25:21). Habang nabi-build ang trust ay nade-develop ang interdependence (naaasahan ang bawa’t isa). E - Economy of Energy Nakakapagod ang ministry lalu na kung marami kang tasks. Kaya dapat ay i-combine natin ang ating energy o lakas or i-utiliz...