L1 Lesson 2: Paano Basahin ang Bible?

Follow up sa last lesson: Kumusta ang iyong Bible reading sa book of John? Ano ang itinuro sa iyo ng Dios sa iyong pagbabasa?





📘 Objective sa ating lesson ngayon: Upang ipakita sa bagong disciple kung paano magbasa ng Bible at kung ano ang benefits ng tamang pagbabasa nito.

    Ang galing ng nakaisip ng acronym na ito, hindi ba? Ito ay may sense dahil ganito din ang sabi sa book of Psalms:

(Psalms 119:105 TPV) Salita mo’y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, liwanag na tumatanglaw sa landas kong daraanan.

Pero may mas maganda pang layunin ang Dios kaya ipinasulat Niya ang ang Bible. Ang purpose ng Bible ay para malaman natin ang plano ng Dios na iligtas tayo (redemption), baguhin tayo (renewal), at ibalik sa dati ang lahat (restoration) upang makasama Niya tayo at makita ang Kanyang GLORY forever! Hindi kasama dito, syempre, si Satanas at ang mga kasama niyang nagrebelde sa Dios. See Rev. 20:10; 21:8!

Review muna tayo tungkol sa mabuting plano ng Dios. ‘Diba nagkasala si Adan at Eva at ang lahat ng tao–ikaw at ako? Dahil dito, lahat tayo ay may hatol ng kamatayan (Rom. 5:12)! Later on ay naging clear sa Bible na ang kamatayan natin ay hindi lang physical kungdi pati ang second death sa hell (Rev. 21:8; 20:14-15)

Dahil dito ay nahabag sa atin ang Dios. Yes, ang Dios ay merciful and gracious! So, gumawa Siya ng solution sa problema natin. Paano? Si Jesus ang naging “tupa ng Dios” (Jn. 1:29)--ang once for all sacrifice (Heb. 9:26) bilang kapalit natin sa krus (Gal. 3:13). Inako ni Jesus ang ating mga kasalanan upang sa Kanyang kamatayan ay mapatawad ang ating mga kasalanan (2Cor. 5:21) at ng makapiling Niya tayo sa Kanyang eternal kingdom. Thank you, Lord!

    Kaya naman ang Bible ay naka-sentro kay Jesus bilang Anak ng Dios–ang daan, ang katotohanan, at ang buhay (John 14:6). 

💖 Reflection: Paano mo dapat suklian ang kabutihang ipinakita sa iyo ng Dios–ang ginawa Niyang pagliligtas sa iyo sa pamamagitan ng Kanyang kaisa-isang Anak?

Now, paano natin dapat basahin ang Bible? 

1. I-observe ang mga utos ng Dios, ang paulit-ulit na pagsuway ng tao, at ang judgment ng Dios sa mga nagkasala.

Yes, mababasa mo sa Bible ang paulit-ulit a pagsuway ng tao sa mga utos ng Dios. At hindi pinapalagpas ng Dios ang kasalanan ng walang kaparusahan o pagdidisiplina (Exod. 34:7). Isang beses ay ginunaw ng Dios ang mundo sa pamamagitan ng baha dahil sa sukdulang kasamaan ng mga tao (Gen. 6:9-17). At gugunawing muli ng Dios ang daigdig sa huling mga araw (Rev. 21:1). Ipinapakita dito ng Dios na Siya ay seryoso sa paghatol sa mga masuwayin! 

So, habang nagbabasa ay: 

a. Tandaan ang mga utos ng Dios at maingat nating sundin.  Pwede mo itong guhitan sa iyong printed Bible or i-highlight sa e-Bible at magtiwala sa Kanyang utos.  

b. Makinig sa conviction ng Holy Spirit. Sa tuwing mababasa mo ang pagsuway ng mga tao sa Bible ay makaka-relate ka dahil ikaw din ay sumusuway sa Dios. Tandaan na ito ay conviction ng Holy Spirit (Jn. 16:8). At ang tamang tugon dito ay pagsisi at panghingi ng tawad sa Dios. 

Now, everytime na nagagawa mo ang will ng Dios ay nalulugod ang Dios sa iyo. Magpasalamat ka sa Kanya dahil nagagawa mong sumunod dahil sa gabay ng Holy Spirit at pagkilos ng Dios sa iyong buhay (John 16:13; Phil 2:13). 

2. I-observe kung paano natupad kay Jesus (or tinupad ni Jesus) ang sinasabi ng Bible tungkol sa Kanya.

Sa Genesis pa lang ay ipinangako na ng Dios ang seed o binhi ng babae na dudurog sa ulo ni Satanas (Gen 3:15). Nangyari ito noong ipinanganak ni Mary si Jesus upang maging ating Tagapagligtas (Jn 3:16; Matt 1:21; Ac 4:12). 

Sa Hebrews 9:22 ay ipinakita kung paano mapapatawad ang tao sa kasalanan: 

“Ayon sa kautusan, ...lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.”

Tinupad ito ni Jesus noong ibuhos Niya ang Kanyang dugo sa krus ng Kalbaryo para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Praise God! 

Ilan lang ito sa maraming halimbawa ng prophecy and fulfillment sa Bible. Guhitan ang mga katulad nito. 

💖 Reflection: Hanggang ngayon ba ay na-aamaze ka pa rin sa biyaya ng Dios na sinugo Niya si ang Kanyang Anak na umako ng iyong kasalanan at ng sumpa ng kamatayan?

3. Tandaan ang mga promises ng Dios tungkol sa ating kapatawaran, kaligtasan, at tagumpay kay Jesus. 

1 John 1:9 TPV Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siya’y matuwid.

John 1:12 TPV Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.

John 5:24 TPV “Sinasabi ko sa inyo: ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan.

Ang mga pangakong tulad nito ay magpapatatag ng iyong pananampalataya. Guhitan o markahan ang mga katulad nito at, ang mas maganda, ay imemorize

💖 Reflection: Ano ang dating sa iyo ng mga pangako ng Dios? Lubos mo ba itong pinaniniwalaan?

4. Obserbahan ang mga words or phrases na mahirap unawain.

Siyempre, since thousands of years na ang Bible, ay may mga language, culture, tradition, at iba pang situations dito na magka-iba sa ating time. Mag-ingat na huwag itong ma-misinterpret!

Bible Trivia:

Alam mo ba na sa Revelation 13 ay may halimaw (or beast) na pipilitin ang mga tao na sumamba sa isa pang halimaw? May meaning ang symbol na ito na hindi natin dapat ma-misinterpret. Ito ay tungkol sa kaaway ng Dios (Satan/antichrist at false prophet) na dadayain ang mga tao except ang mga totoong sa Dios. Remember, sa Dios lang tayo dapat mag-worship. At dahil ang Dios ay Spirit, ay sinasamba natin Siya in spirit and in truth (Jn 4:23). At may hint para malaman natin kung sino ang false prophets. Paano? Sa pamamagitan ng bunga ng kanilang mga gawa (Matt. 7:15-16). 

So, kapag may nabasa kang mahirap i-interpret, itanong mo ito sa pastors at iba gifted Bible teachers ng church para ma-confirm mo ang tamang meaning nito. Ang gabay ng Holy Spirit sa atin ay individual and collective. Hindi pwede na magkakaiba tayo ng interpretation dahil isa lang ang Holy Spirit na nagtuturo sa atin. Kaya sinusuri natin bilang isang church ang totoong meaning ng bawat talata (cf. Act 15; 1Cor 14:32).

💖 Reflection: Nauunawan mo ba na ang ang pag-interpret ng Bible ay hindi lang pang-individual kungdi ito ay dapat pinag-aagree’han ng buong iglesya?

5. I-obserbe ang truth or principles na pwede nating i-apply sa ating time. 

May mababasa din tayo sa Bible na madaling unawain or napaka-plain and simple. 

Example: (1 John 4:11 TPV) Mga minamahal, yamang gayon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong mag-ibigan.

Simple lang ang truth na ito, hindi ba? Tandaan mo ang mga katulad nito at isabuhay. At tutulungan tayo ng Dios na magawa ito (Phil 2:13). 


💖 Reflection: Mula sa naranasan mong pagibig ng Dios (ayon sa 1Jn 4:11), nararamdaman mo ba ang pagibig na ito na umaapaw palabas sa iyong kapwa (parents, siblings, church mate, at sa iba pa)? 

Now, ito ang example ng principle na pwede nating makuha sa Bible.

Read Joshua 1:8-9. 

Tandaan na ito ay sinabi ng Dios kay Joshua, hindi sa atin! At para makuha natin ang principle na itinuturo dito, or para magkaroon ng sense sa atin ang sinabi ng Dios kay Joshua, ay dapat nating basahin ang buong story sa buong chapter (o buong book). Ito ang buod ng Joshua chapter 1:

  • unchecked

    Wala na si Moses kaya ipinalit ng Dios si Joshua bilang leader ng Israel.

  • unchecked

    Inuutusan siya ng Dios na i-conquer ang Canaan--ang Promised Land ng Dios sa kanila. Dahil dito ay may mga giyera silang kakaharapin. 

  • unchecked

    Magtatagumpay si Joshua dahil [1] sasamahan siya ng Dios at [2] ang Salita ng Dios na kanyang binabasa at mine-meditate ang magiging gabay Niya. 

So, ano ang principle na makukuha natin dito?

Hindi tayo si Joshua pero pwede din tayong magtagumpay sa anumang challenges sa buhay dahil kasama natin ang Dios (through the Holy Spirit) at kung lumalakad tayo sa Kanyang kalooban ayon sa katotohanan ng Kanyang Salita sa Bible. 

💖 Reflection: Anong pagsubok ang kinakaharap mo ngayon? Nananalig ka ba na kasama mo ang Dios through the Holy Spirit at dahil dito ay alam mong hindi ka Niya pababayaan?

Lastly, hanapin at guhitan sa pagbabasa ang mga sumusunod (SPACEPETS by Rick Warren):

  • unchecked

    S-in to confess (kasalanang dapat ikumpisal sa Dios)

  • unchecked

    P-romise to claim (pangakong dapat angkinin)

  • unchecked

    A-ttitude to change (ugaling dapat baguhin)

  • unchecked

    C-ommand to obey (utos na dapat sundin)

  • unchecked

    E-xample to follow (halimbawang dapat tularan)

  • unchecked

    P-rayer to pray (panalanging dapat sambitin)

  • unchecked

    E-rror to avoid (pagkakamali na dapat iwasan)

  • unchecked

    T-ruth to believe (katotohanang dapat paniwalaan)

  • unchecked

    S-omething to praise God for (anumang dapat sambitin bilang papuri sa Dios)


Action Point: 

  • unchecked

    Sa patuloy na pagbabasa mo ng Bible ay subukan mong mag-reflect. Ito ay mas malalim na pag-iisip o pagbubulay ng binasang chapter o talata na iyong ginuhitan o na-highlight. Idagdag din sa discipline na ito, kung kaya, ang pagsusulat ng personal notes o journal. Isulat ang iyong observations mula sa SPACEPETS.  

  • unchecked

    Isulat ang anumang mahirap unawain or hindi madaling maintindihan na talata para itanong sa Bible study leader or pastor/elder ng church. 

Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 1: The Good News of Salvation in Christ