L1 Lesson 5: Assurance of Salvation

Follow up on last lesson: Kumusta ang iyong pagpapakita ng loyalty at pagpapasakop sa Dios? Naranasan mo bang mag-struggle? Paano ka tinulungan ng Dios para ma-overcome ito? 📘 Objective sa ating lesson ngayon: Upang ipakita sa bagong disciples ang truth sa Scripture kung paano ina-assure ng Dios ang salvation sa mga nananalig sa Kanyang Anak. Key Text: (1 John 5:13 TPV) Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan. Mapapansin sa sinabi ni apostol Juan na mayroon siyang confidence o kumpiyansa sa kaligtasan at tinitiyak niya ito sa lahat ng believers. Ang kasiguruhang ito ng eternal life ay “already and not yet.” Ibig sabihin ay may katiyakan na ng eternal life ngayon at sa future ay darating din si Jesus para lubusin Niya ang kaligtasang ito. Sa araw na iyon ay dadalhin tayo ng Panginoon sa Kanyang kaharian forever! Ganito din ang sinabi ni apostol Pedro sa 1 Peter, (1 Peter 1:3-5 TPV) Purihin natin ang...