Posts

Showing posts with the label gospel

L1 Lesson 1 (TAG): Ang Mabuting Blita ng Kaligtasan Mula kay Kristo

Image
  INTRODUCTION      May mabuting balita sa Bible na gusto ng Dios na malaman mo. Nagsimula ito sa paglikha ng Dios ng lahat ng bagay lalu na ang tao.       Napaka-hiwaga ng istorya nung simula pa lang. Nilagay ni Lord si Adan at Eba sa Hardin ng Eden at malaya sila na kainin yung napakaraming uri ng prutas. Tahimik ang lahat hanggang sa... I. ANG UNANG TAO AY NAGKASALA           May isa kasing puno sa Hardin na ipinagbawal ng Dios na kainin--ang  puno ng kaalaman ng tama at mali . Kapag kinain nila 'yun,  binalaan sila ng Dios na mamamatay sila .     Sa paglipas ng panahon ay lumabas sa eksena si devil at nagsinungaling siya kay Eba. Sabi ni devil sa kanya,  "hindi ka mamamatay"  (Genesis 3:4). Ayun, natukso si Eba, kinain yung pinagbawal na prutas, sinuway niya si Lord, at pagkatapos ay inalok si Adan kaya dalawa na silang sumuway sa Dios!  😒 Reflection:  Nakaka-relate ka...

Level 1, Lesson 2: Ang Mabuting Balita ng Kaligtasan

Gusto ng Dios na malaman mo ang pinaka- importanteng balita sa lahat–ang mabuting balita ng kaligtasan! At malalaman mo ito sa story line na naisulat sa Bible. Tignan natin ang buod ng istoryang ito. 1. Nilikha ng Dios ang tao sa Kanyang LARAWAN.  Sabi sa Genesis 1:27, “Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan…” Kaya mas higit ang karunungan natin kaysa hayop dahil sa image ng Dios na nasa atin. Ginawa Niya tayong intelligent being at inaasahang pamahalaanan ang daigdig according to His will.  Part ng katalinuhan na ibinigay sa atin ng Dios ay ang ability na maunawaan natin ang sinasabi Niya at tumugon sa Kanyang Salita –ang magmatigas o magsisi, ang magduda o manalig sa Kanya. (Next, sa story line ng Bible…) 2. Ang Dios ay gumawa ng BATAS ng kamatayan bilang parusa sa kasalanan.  Unang nagbigay ang Dios ng command kay Adan and Eve. Ipinag-utos ng Dios ay makakain nila ang lahat ng pwedeng kainin sa garden of Eden huwag lang ang fruit of the tree of knowled...