L1 Lesson 1 (TAG): Ang Mabuting Blita ng Kaligtasan Mula kay Kristo
INTRODUCTION
May mabuting balita sa Bible na gusto ng Dios na malaman mo. Nagsimula ito sa paglikha ng Dios ng lahat ng bagay lalu na ang tao.
Napaka-hiwaga ng istorya nung simula pa lang. Nilagay ni Lord si Adan at Eba sa Hardin ng Eden at malaya sila na kainin yung napakaraming uri ng prutas. Tahimik ang lahat hanggang sa...
May isa kasing puno sa Hardin na ipinagbawal ng Dios na kainin--ang puno ng kaalaman ng tama at mali. Kapag kinain nila 'yun, binalaan sila ng Dios na mamamatay sila.
Sa paglipas ng panahon ay lumabas sa eksena si devil at nagsinungaling siya kay Eba. Sabi ni devil sa kanya, "hindi ka mamamatay" (Genesis 3:4). Ayun, natukso si Eba, kinain yung pinagbawal na prutas, sinuway niya si Lord, at pagkatapos ay inalok si Adan kaya dalawa na silang sumuway sa Dios!
😒 Reflection: Nakaka-relate ka ba kina Adan at Eba? Alam mo bang sinusuway mo din si Lord?
Ang totoo...
II. LAHAT AY NAGKASALA SA DIOS
Romans 3:23 TPV Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.
Romans 3:10 TPV Ayon sa nasusulat: "Walang matuwid, wala kahit isa."
Nauunawaan mo ba yun? Lahat tayo ay sumuway kay Lord at nagkasala sa Kanya! At naaalala mo ba yung babala ni Lord sa Genesis?
Genesis 2:17 TPV ...mamamatay ka kapag kumain ka niyon.”
Ipinahayag ng Dios kay Pablo ang kahulugan nito sa Roma 6:23,
Romans 6:23a TPV Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan...
Dito mahalaga ang susunod na puntos.
III. KAILANGANG PARUSAHAN NG DIOS ANG LAHAT NG MAKASALANAN
Hindi na pwedeng bawiin ng Dios ang sinabi Niya. At kapag hindi Niya pinarusahan ang makasalanan ay magiging sinungaling Siya. Naiintindihan mo ba ito?
Ang totoo ay hindi tayo katulad ni Lord na pabago-bago ng pagiisip. Siya ay totoo sa Kanyang salita at bahagi ito ng Kanyang katuwiran. Samakatuwid, dahil lahat tayo ay nagkasala, ay kailangang parusahan tayo ng Dios ng kamatayan! At alam mo ba kung anong uri ng kamatayan ito? Ito ay walang-hanggang pagkahiwalay sa Dios--walang hanggang kamatayan sa impyerno! Ipinakita ito ni Lord kay Juan sa Pahayag 21:8,
Revelation 21:8 TPV Subalit malagim ang kasasapitan ng mga duwag, mga taksil, mga nagpasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyusan, at lahat ng sinungaling. Sila’y ibubulid sa lawa ng naglalagablab na asupre, na siyang pangalawang kamatayan.”
😕 Reflection: Natatakot ka bang mapunta sa impyerno?
Huwag mag-alala. May mabuting balita na binabanggit sa Bible noon pa man! Dahil sa habag at biyaya ng Dios ay gumawa Siya ng solusyon para sa ating kapatawaran at kaligtasan. Alam mo kung sino ang solusyon ng Dios? Ang Kanyang kaisa-isang Anak na si Jesu-Kristo!
IV. ISINUGO NG DIOS ANG KANYANG ANAK PARA ILIGTAS TAYO
John 3:16 TPV Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
At alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nung " ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak"? Ang ibig sabihin nun ay namatay si Jesus kapalit natin!
Galatians 3:13a TPV Tinubos tayo ni Cristo sa sumpa ng Kautusan nang siya’y magdusa na parang isang sinumpa.”
Ephesians 1:7 TPV Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang (dugo) at sa gayo’y pinatawad na ang ating mga kasalanan. Gayon kadakila ang pag-ibig.
Naunawaan mo ba yun? Ang sumpa ng kamatayan ay dapat para sa atin, pero kinuha yun ni Jesus! Siya ang namatay kapalit natin! Bakit? Para magkaroon tayo ng pag-asa ng kapaptawaran at buhay na walang hanggan! Nuunawaan mo ba ito?
😞 Reflection: Na-iintindihan mo ba ang sakripisyo ni Jesus para sa iyo at sa akin? Na-uunawaan mo ba yung malasakit at pagibig ng Dios para lang ma-iligtas Niya tayo sa tiyak na kapahamakan?
Pero may pero! May hinahanap ang Dios na tamang tugon natin sa mabuting balitang ito.VII. KAILANGAN NATING MAGSISI AT MANALIG KAY JESU-KRISTO
Mark 1:15 TPV “Dumating na ang takdang panahon, at malapit na ang paghahari ng Diyos! Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito.”
Acts 3:19 TPV Kaya’t magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang pawiin niya ang inyong mga kasalanan
Ang pagsisisi ay nagsisimula sa pagbabago ng isipan. Kailangan nating tanggapin sa ating isipan na nagkasala tayo sa Dios at ikumpisal sa Kanya ang ang mga ito at humingi ng kapatawaran.
1 John 1:9 TPV Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siya’y matuwid.
Hindi lang pagkumpisal ng mga kasalanan ang dapat nating gawin kungdi ang pagpapahayag ng ating pananalig at pagtitiwala kay Jesu-Kristo.
Romans 10:10 TPV Sapagkat nananalig ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayo’y napawawalang-sala; at nagpapahayag sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayo’y naliligtas.
John 1:12 TPV Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya (sa pangalan ni Jesus) ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.
🔐 Reflection:
- Gusto mo bang iligtas ka ng Dios mula sa impyerno?
- Handa mo bang pagsisihan ang iyong mga kasalanan?
- Handa ka bang magtiwala kay Jesus para sa iyong kapatawaran at kaligtasan?
- Handa mo bang tanggapin si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas?
Ito ang ilang benepisyo kung magisisisi ka at magtitiwala kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas:
- Papatawarin ka ng Dios sa lahat ng iyong mga kasalanan (Ac 3:19;1Jn 1:9).
- Titiyakin sa iyo ng Dios ang buhay na walang hanggan (Jn 3:16; Rom 19:9).
- Ituturing ka ng Dios na maging anak niya (Jn 1:12).
Kung nakahanda ka na ipahayag sa Dios ang iyong pagsisisi at pananalig kay Jesus, pwede mo itong gawin sa pamamagitan ng panalangin. Gawing gabay ang panalangin sa ibaba, pero gawin mo ito totoo sa iyong puso ng may kapakumbabaan:
🙏 Amang nasa Langitt, nagpapakumbaba po ako sa inyong harapan at inaamin ang aking mga kasalanan. Nagsisisi po ako at humihingi sa Inyo ng tawad sa lahat ng aking mga kasalanan. Salamat po sa iyong habag at biyaya. Salamat po sa pagpapadala Mo ng iyong Anak bilang kapalit ko sa krus. Panginoong Jesus, ipinapahayag ko po ang aking pananalig sa Iyo. Naniniwala po ako na Ikaw namatay para sa aming kapatawaran. Naniniwala po ako na Ikaw ay nabuhay na mag-uli. Panginoong Jesus, tinatanggap kita at pinagtitiwalaan bilang Hari at Tagapagligtas ng aking buhay. Nakahanda po akong talikuran ang kasalanan at magpasakop sa iyong kalooban. Salamat po sa pangako mong kapatawaran at buhay na walang hanggan. Hinihiling ko po na baguhin ninyo ang aking puso at buhay. Sa pangalan ni Jesus, Amen!
Kung totoo sa puso mo ang panalanging ito ay totoo din si Lord sa pangako Niya. Yung tatlong benepisyo sa itaas ay gagawin Niyang totoo para sa iyo. Basahin ulit!
Bukod sa mga benepisyo ng kapatawaran, kaloob na buhay na walang hanggan, at pribilehiyo na maging anak ng Dios, ito pa ang katotohanan na sinasabi ng Bible:
2 Corinthians 5:17 TPV Kaya’t ang sinumang nakipag-isa kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dating pagkatao; siya’y bago na.
May pagbabagong ginagawa ang Dios sa mga totoong nagsisi at nanalig sa Kanyang Anak--pinapalambot Niya ang dating matigas na puso upang maging masunurin sa Kanyang kalooban (Ezekiel 36:25-27). Kung totoong tinanggap mo si Jesus sa iyong buhay bilang Panginoon at Tagapagligtas, obserbahan ang pagbabagong ito na gagawin Niya sa iyong buhay!
✅ Ano ang kasunod?
- Bible. Ituring ang Bible na espiritwal na gatas para sa iyong paglagong espiritwal. Magsimulang magbasa sa aklat ng Juan ng isang chapter kada awaw.
- Prayer. Magkasama palagi ang pagbubulay-bulay ng Bible at panalangin. Dito ka lalalim at magiging matatag sa relasyon mo kay Lord.
- Worship. Hindi lang ito tuwing Linggo kungdi ito ay ang iyong buhay na ipinagkakaloob mo sa Dios araw-araw bilang buhay na handog kasama ang pagtatalaga sa kabanalan--isang buhay na katanggap-tanggap sa Kanyang harapan (Rom 12:1).
- Fellowship. Mahalaga ang impluwensya sa iyo ng mga lumalagong mananampalataya para tumatag ka sa iyong pananalig kay Kristo. Maki-fellowship sa isang maliit na group ng mga magkakapatid kay Kristo.
- Ibahagi ang pagibig ng Dios sa iba. Kailangan ng iba si Jesus para sa kapatawaran at kaligtasan. Ibahagi sa iba ang mabuting balita na narinig mo at ang pagibig ni Lord na naranasan mo at mararanasan pa. Maaaring magpatulong sa nag-bahagi sa iyo ng mabuting balita.
Comments
Post a Comment