L1 Lesson 5: Assurance of Salvation

Follow up on last lesson: Kumusta ang iyong pagpapakita ng loyalty at pagpapasakop sa Dios? Naranasan mo bang mag-struggle? Paano ka tinulungan ng Dios para ma-overcome ito?

📘 Objective sa ating lesson ngayon: Upang ipakita sa bagong disciples ang truth sa Scripture kung paano ina-assure ng Dios ang salvation sa mga nananalig sa Kanyang Anak.

Key Text: (1 John 5:13 TPV) Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.

Mapapansin sa sinabi ni apostol Juan na mayroon siyang confidence o kumpiyansa sa kaligtasan at tinitiyak niya ito sa lahat ng believers. Ang kasiguruhang ito ng eternal life ay “already and not yet.” Ibig sabihin ay may katiyakan na ng eternal life ngayon at sa future ay darating din si Jesus para lubusin Niya ang kaligtasang ito. Sa araw na iyon ay dadalhin tayo ng Panginoon sa Kanyang kaharian forever! 

Ganito din ang sinabi ni apostol Pedro sa 1 Peter,

(1 Peter 1:3-5 TPV) Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo’y isinilang sa isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ang bagong buhay na iyan ang nagbigay sa atin ng malaking pag-asa (4) na kakamtan natin ang isang kayamanang walang kapintasan, di masisira, at di kukupas. Ang kayamanang iya’y nakalaan sa inyo doon sa langit. (5) Sapagkat kayo’y sumampalataya, iingatan kayo ng kapangyarihan ng Diyos samantalang hinihintay ninyo ang kaligtasang nakalaang ihayag sa katapusan ng mga panahon.

Do you see? Pinapatunayan ng mga apostol ang katotohanan tungkol sa assurance ng salvation at ito ay naisulat sa Bible para paniwalaan din natin! 

Nakakalungkot dahil ang kasiguruhang ito ay nakalimutan ng iba sa paglipas ng panahon to the point na minsan, ito ay ipinagbabawal at sinasabing, “walang tao ang makakatiyak na siya ay ligtas!”

Well, may tatlong basehan (o grounds) ang assurance of salvation para sa mga naka’y Kristo. Ito ay kasiguruhan na nagmumula sa… 

1. Pananalig sa mga pangako ng Dios.

2. Testimony (patotoo) ng Holy Spirit na pinapatunayan sa ating espiritu na tayo ay anak ng Dios. 

3. Pagbabago na ginagawa ng Dios sa ating buhay sa katuwiran.

Isa-isahin natin ito mula sa Biblia.

1. Kasiguruhan na nagmumula sa pananalig sa mga pangako ng Dios.

Ang kasiguruhan ng kaligtasan ay hindi nanggagaling sa positive thinking kundi sa kapangyarihan ng Salita ng Dios (o ng gospel). Gagawin ng Dios ang Kanyang sinabi o ipinangako dahil hindi Siya maaaring magsinungaling (Num 23:19; Titus 1:2) at hindi Siya nagbabago (Mal 3:6). Tulad ni Abraham at ng mga apostol ay maaari tayong manalig ng lubos na tutuparin ng Dios ang Kanyang pangako (Romans 4:21; 1Jn 5:13; 1Pe 1:3-5)! 

Ito ang ilan sa mga pangako ng Dios na dapat nating paniwalaan:

a. Ang kapangyarihan ng grace ng Dios at ng pananampalataya para sa ating kaligtasan.

Ephesians 2:8-9 TPV Dahil sa kagandahang-loob (grace) ng Diyos ay naligtas kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang ito’y kaloob ng Diyos, hindi mula sa inyo. (9) Hindi ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman.

b. Ang kapangyarihan ng dugo ni Jesus para sa ating kapatawaran.

(Eph 1:7 TAB)  Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya.

(1 John 1:9 TAB) Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

c. Ang kapangyarihan ng Dios na ibilang tayo na mga anak Niya sa Kanyang pamilya.

(John 1:12 TPV) Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.

(1 John 3:2 TPV) Mga minamahal, sa ngayon, tayo’y mga anak ng Diyos, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Gayunman, alam nating sa pagparitong muli ni Cristo, tayo’y matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang likas na kalagayan.

d. Ang kapangyarihan ng Dios na baguhin ang ating pagkatao.

(Phil 2:12-13 TPV) Kaya nga, mga minamahal, higit na kailangang maging masunurin kayo ngayon kaysa noong kasama ninyo ako. May takot at panginginig na magpatuloy kayo sa paggawa hanggang sa malubos ang inyong kaligtasan, (13) sapagkat ang Diyos ang nagbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang kanyang kalooban.

e. Ang kapangyarihan ng Anak na ingatan ang lahat ng ibinigay sa Kanya ng Ama. 

(John 6:37,39) TPV Lalapit sa akin ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama. At hindi ko itataboy ang sinumang lumalapit sa akin. …(39) At ito ang kanyang kalooban: huwag kong pabayaang mawala kahit isa sa mga ibinigay niya sa akin, kundi muling buhayin sila sa huling araw.

(Rom 5:9 TAB) Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap (justified) sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.

💖 REFLECTION: Gaano ka-totoo at ka-powerful ang Salita ng Dios para sa iyo? Maaasahan ba ang Kanyang mga pangako? Gaano mo ito pinaniniwalaan?

(Pangalawang basehan ng assurance ng salvation…)

2. Kasiguruhan na nagmumula sa testimony (patotoo) ng Holy Spirit na pinapatunayan sa ating espiritu na tayo ay anak ng Dios. 

(Rom 8:16 TPV) Ang Espiritu nga ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Diyos.

Ang Espiritu ang direct witness (saksi) na ang believer ay itinuring na anak ng Dios. Dito tayo binibigyan ng Dios ng karapatan at pribilehiyo na tumawag sa Kanya ng “Abba, Father” (Rom 8:15). Hindi ibang tao ang nagpapatotoo nito kungdi ang Holy Spirit sa ating spirit. 

Bagama’t ito ay subjective (base sa personal na feelings o opinion), ang patotoo ng Holy Spirit ay sigurado! Tinitiyak ng Holy Spirit na ang totoong believer ay naging anak ng Dios! 

💖 REFLECTION: Nararamdaman mo ba ang presensya ng Holy Spirit sa iyong buhay? Naririnig mo ba ang Kanyang mga saway at gabay? Nakikinig ka ba sa Kanyang leading ayon sa katotohanan ng Scripture? Kung gayon, maniwalang ikaw ay totoong itinuring ng Dios bilang anak Niya!

Now, may mga observer o skeptic ang nagdududa dahil may nakikita pa din silang maling pamumuhay ng mga Kristiano. Kaya dito kailangan ang pangatlong basehan ng assurance ng salvation.

(Pangatlong basehan ng assurance ng salvation…)

3. Kasiguruhan na nagmumula sa pagbabago na ginagawa ng Dios sa ating buhay sa katuwiran.

Kasama sa patotoo ng Holy Spirit na ang believer ay naging anak ng Dios ay ang ebidensya ng pagbabago ng buhay (conversion and transformed life).

(1 John 2:3 TPV) Nakatitiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos.

(1 John 3:14 TPV) Nalalaman nating lumipat na tayo sa buhay mula sa kamatayan, sapagkat iniibig natin ang mga kapatid. Ang hindi umiibig ay nananatili sa kamatayan.

Do you see? May pagbabagong nangyayari sa atin na sumasampalataya sa Dios. Natututo tayong magpasakop sa kalooban ng Dios. Natututo tayong mag-ibigan! 

Kaya sa 2 Peter 1:5-11 ay hinihimok ni Pedro ang believers na siguraduhin nila ang pagkatawag at pagkapili sa kanila ng Dios sa pamamagitan ng isang seryosong layunin na lumago at magbunga ng mabubuting bagay na pawang kalooban ng Dios. 

💖 REFLECTION: Ano na ang ilang mga pagbabagong ginagawa sa iyo ng Dios (Phil 2:13)? Napapansin mo ba ito at ng mga nasa paligid mo (Matt 5:16)? 

Now, may mga babala (warnings) na dapat nating tandaan. Ilan sa warnings na ito ay tungkol sa:

  • ilang tumalikod sa pananampalataya (Heb 6:4-6; Matt 24:3-14),
  • nag-aakala na sila ay nasa tamang kinalalagyan (1Cor 10:12),
  • kumikilala kay Kristo pero hindi ginagawa ang kalooban ng Ama (Matt 7:21-23),
  • pananampalatayang walang kalakip na gawa (James 2:26),
  • bumabalik sa batas ni Moses para sa kaligtasan (Gal 5:3-4),
  • at gawang makalaman (1Cor 6:9-10; 13-15), 
Mali ang mga ito! Huwag tularan ang mga ito!

Now, mahalaga din ang tanong na ito: pwede ba na ang isang pinili ng Dios at itinuring na anak ay bumagsak at tuluyang lumayo sa Kanya?

Well, hindi dapat ito mangyari sa totoong mananampalataya dahil ang totoong believer ay nagpapatuloy sa katapatan sa Dios (e.g., Matt 24:13). Pero para lalu natin itong maunawaan, ay dapat pag-usapan dito ang tungkol sa divine and human aspects ng salvation:

A. Divine aspect of salvation: Ang Dios ang Hari at Tagapagligtas! At walang kakayanan ang tao na iligtas ang kanyang sarili! 

Ang Dios ang nagliligtas sa pamamagitan ng Kanyang Anak at ng Espiritu. Siya ang tumatawag (calling), nagpapawalang-sala (justification), nagpapaging-banal (sanctification), at magbibigay ng maluwalhating katawan sa pagdating ni Kristo (glorification; see Rom 8:30; 6:22; review topic on, “Kailan tayo iniligtas ng Dios?”). 

Tatapusin ng Dios ang sinimulan Niyang mabuti sa believers hanggang sa Araw ng pagbabalik ni Kristo (Phil 1:6). Siya ang kumikilos sa buhay ng believer para magawa ang kalooban niya (Phil 2:13). At ang kapangyarihan ng Dios ang nagiingat ng pamana sa langit sa lahat ng nananalig sa Kanya (1Peter 1:4-5).

B. Human aspect of salvation: Ang assurance ng salvation ay totoo sa totoong nagsisisi at totoong nananalig (Ac 2:38; 1Cor 6:9-11). 

Alam ng totoong believer kung ano ang kanyang pinaniniwalaan at nararanasan buhat sa Dios. 
  • Sigurado ang believer na siya ay nagsisi na dahil tinatalikuran na niya ang kasalanan (Ac 26:20; Rev 9:20-21). 
  • Sigurado ang believer na siya ay nananalig kay Jesus dahil nagpapasakop siya sa Kanyang mga utos (Matt 7:21-23).
  • Alam ng believer na pinalambot o binago ng Dios ang kanyang puso dahil natututo na siyang sumunod sa Kanyang kalooban (Ezek 36:25-27; Jn 3:3-5).
  • Alam ng believer ang Tipan o Pangako ng Dios at tumutugon ang believer sa pangakuang ito ng may katapatan (1Cor 11:25-29). 
  • Ramdam ng believer ang presence ng Holy Spirit sa kanyang buhay at nakikinig sa Kanyang saway at gabay (Rom 8:9; 1Cor 6:19; Jn 16:13). 

Now, kung may Kristiano na bumagsak at tuluyang lumayo sa Dios, ito ang sabi ng Bible tungkol dito:

1 John 2:19 TPV Bagamat sila’y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon. Sapagkat kung sila’y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin. Ngunit umalis sila, kaya’t maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.

So, pwedeng tignan ang salvation sa ganitong formula:

Salvation = God’s grace by faith resulting to good works 

Nilinaw ito ni James at kinumpara ang patay na pananampalataya na walang ebidensya ng good works (James 2:26). Inaakala ng iba na sila ay believers pero wa talagang nangyayaring pagbabago sa kanilang buhay. At hindi din nila alam kung paano ipaliwanag sa iba ang mabuting balita ng kaligtasan. Ito ang ilan sa mga signs na hindi talaga sila totoong believer, in the first place. Kailangan nilang makipag-usap sa Dios ng seryoso sa bagay na ito, magsisi, at manumbalik sa Kanya ng totoo!

So, hindi tayo dapat magsalita ng tungkol sa assurance ng salvation na parang ini-isang-tabi ang mga sumusunod: 

  1. good works bilang ebidensya ng pananampalataya,
  2. bigat ng mga babala (warnings) sa mga tumalikod,
  3. at ang pagpapatuloy sa katapatan sa Dios at katapatan ng Dios (Matt 24:13)! 
Ang totoo ay hindi natin kayang magpatuloy sa ating sariling lakas! Kaya naman, noong una tayong nagsisi at nanalig kay Kristo ay tinahanan tayo ng Holy Spirit. Kasama natin ang Dios at tatapusin Niya ang sinimulan Niyang mabuti sa atin hanggang sa Araw ng pagbabalik ni Kristo (Matt 24:13; Phil 1:6; 2:13). Magtatagumpay tayo dahil sa biyaya ng Dios, hindi sa ating lakas at galing!

In closing, ang assurance sa salvation ay mahalaga dahil ito ang nagdulot sa early believers ng comfort and joy sa kabila ng sila ay inuusig dahil sa kanilang pananalig kay Jesus. 

(1 Peter 1:4-6 TAB)  Sa isang manang di nasisira, at walang dungis, at hindi kumukupas, na inilaan sa langit para sa inyo,  (5)  Na sa kapangyarihan ng Dios ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya sa ikaliligtas na nahanda upang ihayag sa huling panahon.  (6)  Na ito ang inyong totoong ikinagagalak, bagama't ngayo'y sa sangdaling panahon, kung kailangan, ay pinalumbay kayo sa muli't muling pagsubok…

Ang assurance na ito ay para sa atin din na totoong nananalig kay Kristo. Ang manang ito sa langit ang nagdudulot sa atin ng sigla, kagalakan, at pagpapatuloy sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap natin at kakaharapin pa na kasama ang Dios. Praise God!

Congratulations! Natapos mo ang Level 1 ng ating Church Discipleship Lessons. Get ready sa Next Level ng Discipleship.

✅ Action point: Gumawa ng testimony tungkol sa pagpapasakop mo sa will ng Dios or sa isang tukso na napagtagumpayan mo sa tulong ng Dios:

Suggested outline: 

A. Situation: Ibahagi ang isang situation kung saan ang Holy Holy Spirit ay kino-convict ka or sinasaway  ka para maiwasan mo ang mali at/or gawin ang tama sa Kanyang paningin. 

B. God’s Impression: I-share kung paano nangusap sa iyo ang Dios noong ikaw ay nasa temptation or trials or persecution. Anong specific verses sa Bible ang ipinaalala sa iyo ng Holy Spirit? Nag-struggle ka bang sumunod? I-share ang mga ito. 

C. Victory: kung ikaw ay nag-struggle na sumunod, i-share kung paano mo ito na-overcome by God’s grace. Ano ang pumasok sa isipan mo? Nung sumunod ka, ano ang naging impact nito sa iyo at sa ibang nasa paligid mo? I-share ang mga ito. 


Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 1: The Good News of Salvation in Christ