L1 Lesson 2: Paano Basahin ang Bible?
Follow up sa last lesson: Kumusta ang iyong Bible reading sa book of John? Ano ang itinuro sa iyo ng Dios sa iyong pagbabasa? 📘 Objective sa ating lesson ngayon: Upang ipakita sa bagong disciple kung paano magbasa ng Bible at kung ano ang benefits ng tamang pagbabasa nito. Ang galing ng nakaisip ng acronym na ito, hindi ba? Ito ay may sense dahil ganito din ang sabi sa book of Psalms: (Psalms 119:105 TPV) Salita mo’y isang tanglaw na sa akin ay patnubay , liwanag na tumatanglaw sa landas kong daraanan. Pero may mas maganda pang layunin ang Dios kaya ipinasulat Niya ang ang Bible. Ang purpose ng Bible ay para malaman natin ang plano ng Dios na iligtas tayo (redemption), baguhin tayo (renewal), at ibalik sa dati ang lahat (restoration) upang makasama Niya tayo at makita ang Kanyang GLORY forever! Hindi kasama dito, syempre, si Satanas at ang mga kasama niyang nagrebelde sa Dios. See Rev. 20:10; 21:8! Review muna tayo tungkol sa mabuting plano ng Dios. ‘Diba nagkasal...