Intro: Ang Bible na Inspired ng Dios
(2 Timothy 3:16) Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos…
Ang “kasulatan” na tinutukoy sa 2 Timothy 3:16 ay ang Holy Bible. Ibinigay ng Dios sa atin ang Holy Bible para malaman natin kung sino Siya at kung ano ang PLANO niya para sa atin.
Pero para malaman natin ito ay gumamit Siya ng mga prophets sa Old Testament at mga apostoles sa New Testament. Ang mga isinulat nila ay kinasihan ng Dios!
Ganito ang sinabi ni Apostle Paul sa mga salitang itinuturo nila noon at eventually ay kanilang sinulat:
Sa mga nagtataglay ng Espiritu, ang ipinaliliwanag nami’y mga katotohanang espirituwal; mga pananalitang turo ng Espiritu at hindi ayon sa karunungan ng tao ang ginagamit namin. (1 Corinthians 2:13, TPV)
Do you see? Mula sa Holy Spirit ang itinuro o sinabi ng mga apostles. Kaya naman, dapat paniwalaan ng mga tao ang mga katotohanan sa Bible na mula sa Dios!
Ganito naman ang sabi ni Apostle Peter para i-encourage ang mga persecuted Christians sa panahon nila:
(1 Peter 1:3-4 TPV) Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Dahil sa laki ng habag niya sa atin, tayo’y isinilang sa isang panibagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo. Ang bagong buhay na iyan ang nagbigay sa atin ng malaking pag-asa (4) na kakamtan natin ang isang kayamanang walang kapintasan, di masisira, at di kukupas. Ang kayamanang iya’y nakalaan sa inyo doon sa langit.
Do you see? Ang reason kung bakit nakatiis ang early believers sa matinding pagsubok tulad ng persecution ay dahil sa promise ng Dios na kayamanan sa langit. Ito ay totoo sa mga nananalig kay Jesus bilang Cristo–ang eternal Savior-King na ipinangako sa Old Testament! Tinitiyak sa kanila ni apostol Pedro ang blessed hope na ito para tumatag ang kanilang faith sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman mo kung paano matitiyak ng isang tao ang malaking pag-asang ito ng kayamanan sa langit.
Life’s most important question: Gusto mo bang malaman at makamit ang pag-asang ito ng kayamanan sa langit?
Tignan natin ito sa Lesson 1.
Comments
Post a Comment