Level 1, Lesson 2: Ang Mabuting Balita ng Kaligtasan
Gusto ng Dios na malaman mo ang pinaka- importanteng balita sa lahat–ang mabuting balita ng kaligtasan! At malalaman mo ito sa story line na naisulat sa Bible. Tignan natin ang buod ng istoryang ito.
1. Nilikha ng Dios ang tao sa Kanyang LARAWAN.
Sabi sa Genesis 1:27, “Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan…”
Kaya mas higit ang karunungan natin kaysa hayop dahil sa image ng Dios na nasa atin. Ginawa Niya tayong intelligent being at inaasahang pamahalaanan ang daigdig according to His will.
Part ng katalinuhan na ibinigay sa atin ng Dios ay ang ability na maunawaan natin ang sinasabi Niya at tumugon sa Kanyang Salita–ang magmatigas o magsisi, ang magduda o manalig sa Kanya.
(Next, sa story line ng Bible…)
2. Ang Dios ay gumawa ng BATAS ng kamatayan bilang parusa sa kasalanan.
Unang nagbigay ang Dios ng command kay Adan and Eve. Ipinag-utos ng Dios ay makakain nila ang lahat ng pwedeng kainin sa garden of Eden huwag lang ang fruit of the tree of knowledge of good and evil. Nagbigay ng warning ang Dios na kapag kinain nila iyon ay mamamatay sila (Gen. 2:17). Hindi nagtagal ay sinuway ni Adam and Eve ang utos na ito. And since totoo ang Dios sa Kanyang sinabi, ay kailangan Niyang ipatupad kamatayan bilang consequence ng disobedience. At hindi lang si Adam and Eve ang nag-disobey sa Dios kungdi lahat ng tao, ikaw at ako. Kaya ano ang result ng pagsuway nating lahat?
Sabi sa Romans 5:12, “...lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala.”
Ipinakita sa Revelation 21:8 na ang kamatayang ito ay hindi lang physical kungdi walang-hanngang kamatayan sa impyerno.
Revelation 21:8, “Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
Reflection: Ilang beses ka ng nagsinungaling o gumawa ng iba pang kasalanan sa Dios?
Well, lahat ng sins natin ay kailangang parusahan ng Dios ng kamatayan dahil ‘yun ang Kanyang batas. Tapat Siya sa Kanyang sinabi! Pero, praise God, dahil may awa din ang Dios. Siya ay gracious God! Gumawa Siya ng solution sa problema natin. At ito ang good news na dapat malaman ng sangkatauhan!
3. Ang Dios ay may PLANO ng PAGLILIGTAS.
Yes, may plano ang Dios na iligtas tayo sa kapahamakan sa impyerno. Bakit? Dahil part ng Kanyang nature bilang Dios ay ang pagiging mahabagin (gracious) and loving (see Exod 34:6)!
So, ano ang ginawa ng Dios na paraan?
a. Sinugo ng Dios ang Kanyang Anak at isinakripisyo para sa kapatawaran at kaligtasan ng tao.
Yes, ang Dios ay may kaisa-isang Anak na si Jesus. Ipinadala Niya si Jesus sa lupa para maging Tagapagligtas ng tao (see Matt 1:21).
Now, paano isinagawa ni Jesus ang pagliligtas sa atin? Well, ‘di ba tayo dapat ang parusahan ng Dios ng kamatayan dahil tayo ang nagkasala? Inako ni Jesus ang parusang ito sa krus! Inako ni Jesus ang mga kasalanan natin at ang sumpa ng kamatayan na dapat ay para sa atin (see Gal 3:13)! Siya ang pumalit sa ating lugar! At ang sakripisyong ito ay tanda ng habag at pagibig ng Dios sa atin.
Sabi sa John 3:16, “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
Sabi sa Ephesians 1:7, “Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya.”
Reflection: Naiintindihan mo ba ang pagibig na ipinakita ng Dios sa pamamagitan ni Jesu-Kristo para sa ating kapatawaran at kaligtasan?
(Hindi pa tapos ang story line sa Bible…)
b. Nabuhay na muli si Jesus at bumalik sa Ama.
Ang namatay kay Jesus ay pisikal na katawan bilang banal na handog para sa ating kapatawaran at kaligtasan. Pero si Jesus ay walang hanggan na bago Siya maging tao (Jn 1:1-4). Siya ay Dios na nagkatawang-tao (Jn 1:14; Matt 1:23). At pinatunayan niya ito noong Siya ay nabuhay sa mga patay! Nagpakita siya sa kanyang mga disipulo at pagkatapos ay bumalik sa Langit (see 1Cor 15:3-9; Heb 10:12), nakaupo sa Kanyang trono sa kanan ng Ama, at naghihintay ng muling pagparito (Col. 3:1; Heb. 8:1; 12:2; 1Cor. 11:26).
Ano ang ibig sabihin nito? Since naipakita ni Jesus ang truth tungkol sa muling pagkabuhay, totoo at maaasahan ang promise Niya na tirahan sa langit sa bahay ng kanyang Ama (John 14:1-6). Totoo ang promise na ito sa mga mananalig sa Kanya. Kaya ito ang pamanhik ni Pablo,
Sabi sa Romans 10:9, “Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka."
So, maniwala ka kay Jesus na Siya ang Panginoon (Lord)–ang Dios na nagkatawang-tao upang ganapin ang minsanang pagbubuhos ng dugo alang-alang sa ikapapatawad ng kasalanan ng lahat ng nananalig sa Kanya. Siya’y nabuhay na mag-uli at ngayo’y naluluklok sa Kanyang trono sa kanan ng Ama!
(Hindi pa natapos doon ang kwento sa Bible…)
c. Ipinadala ng Dios ang Holy Spirit para baguhin ang puso ng makasalanan.
Pag-upo ni Jesus sa Kanyang throne ay dumating ang Banal na Espiritu para sa isa pang magandang layunin. Siya ang kumikilos sa atin sa pamamagitan ng conviction (Jn 16:8) upang makita natin ang ating mga kasalanan at magdulot ito ng pagsisisi (repentance) at pananalig (full trust) kay Jesus para sa kapatawaran at, mula dito, ay babaguhin Niya ang ating pagkatao. Paano ito nangyayari?
- Ipaparinig ng Dios sa iyo ang Mabuting Balita.
- Kikilos ang Holy Spirit para i-convict ka upang ikaw ay mag-repent, humingi ng tawad sa Dios, at manalig kay Jesus bilang Hari at Tagapagligtas.
- Huhugasan ng Salita ng Dios ang pagiisip mo at ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Jesus (Eph 5:26; 1Jn 1:7).
- Mananahan ang Banal na Espiritu sa buhay mo kung totoong ikaw ay nagsisi at nanalig kay Jesus (Act 10:44). Dito ipaparanas sa iyo ng Dios ang pagbabago ng iyong puso–isang puso na marunong sumunod sa kalooban ng Dios.
Ito, actually, ay matagal ng plano ng Dios sa Old Testament (see Ezekiel 36:25-26). Ito din ang ibig sabihin ni Jesus tungkol sa born-again experience na kailangang mangyari sa sinuman para makapasok sa Kanyang kaharian.
Sabi ni Jesus kay Nicodemus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios… Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.” (John 3:3,5)
Ang kapanganakan sa “tubig at ng Espiritu” na tinutukoy dito, ayon kay Paul, ay ang paghuhugas sa bagong kapanganakan (washing of regeneration) at ang pagbabago na gagawin ng Holy Spirit (renewal of the Spirit). See Titus 3:5.
Pero, paano ito gagawing totoo sa iyo ng Dios? Ano ang dapat na tugon natin sa mabuting balitang ito ng kaligtasan?
1. Repent. Magsisi ka at talikuran ang iyong mga kasalanan. Ihingi mo ng tawad sa Dios ang lahat iyong mga kasalanan.
Reflection question: Handa ka bang magsisi, magpakumbaba sa harapan ng Dios, at humingi ng tawad sa lahat ng iyong mga kasalanan?
2. Believe. Maniwala ka na si Jesus ang Anak ng Dios na isinugo ng Ama para sa ating kapatawaran at kaligtasan. Sabi sa John 20:31,
Sabi sa John 20:31, “Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.”
Maniwala ka din na handa kang patawarin ng Dios sa iyong mga kasalanan.
Sabi sa 1John 1:9, “Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siya’y matuwid.”
3. Receive Jesus Christ.
Sabi sa John 1:12, “Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.”
Sabi din sa Romans 8:17, “At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo…”
Reflection: Nais mo bang tanggapin si Jesus bilang Lord–ang Dios na nagkatawang-tao, ang Christ o Messiah–ang walang-hanggang Panginoon, Hari at Tagapagligtas? At nakahanda ka bang magpasakop sa Kanyang paghahari?
Kung hinihipo ka ng Dios para ipahayag mo ang pagsisisi at pananalig kay Jesus, maari mong ipahayag ito sa Dios sa isang simple prayer. Ang Dios ay tumutugon sa pananangin lalu na’t ito ay panalangin ng pagsisisi at pagbabalik-loob sa Kanya.
Gawin personal prayer na ito, taimtim at totoo sa iyong puso’t isip. Lumapit sa Dios ng may kapakumbabaan at pagsamo!
**Amang nasa Langit, nagpapakumbaba po ako sa inyong harapan at inaamin ang aking mga kasalanan. Humihingi po ako ng tawad sa lahat ng aking pagkakasala. Salamat po sa iyong habag at pagibig at sa pagsugo mo ng iyong Anak upang maging sakripisyo at kapalit namin sa krus. Panginoong Jesus, ipinapahayag ko po ang aking pananalig sa Iyo. Salamat po dahil ikaw ay namatay para sa aming kapatawaran. Naniniwala po ako na Ikaw ay nabuhay na mag-uli at babalik sa huling mga araw. Tinaganggap kita, Panginoong Jesus, at pinagtitiwalaan bilang Hari at Tagapagligtas. Nakahanda po akong talikuran ang kasalanan at magpasakop sa iyong kalooban. Salamat po sa pangako mong kapatawaran at buhay na walang hanggan. Hinihiling ko po, Banal na Espiritu, na baguhin ninyo ang aking puso at buhay. Amen!
Now, alam ng Dios kung sino ang totoong nagsisisi at nananalig sa Kanyang Anak at tutuparin ng Dios sa kanila ang Kanyang pangako.
At kung sa pagpapahayag mo sa Kanya ng pagsisisi at pananalig ay ipinaranas sa iyo ng Dios ang bagong-kapanganakan, praise God, ikaw ay:
- hinugasan Niya sa iyong mga kasalanan (1 Jn 1:9),
- pinalambot ang iyong puso (Ezek. 36:26),
- ginawang bagong nilalang (2 Cor. 5:17),
- binigyan karapatang maging anak ng Dios (Jn. 1:12),
- may pangako ng buhay na walang hanggan (Jn. 5:24; 20:31),
- tinatahanan ng Banal na Espiritu (Rom 8:9; 1Cor. 3:16), at
- mararanasan mo ang Kanyang pagtutuwid at pagpapabanal.
At, yamang tinanggap mo si Jesus bilang Hari, ay paghariin mo Siya sa iyong buhay—mag-submit ka sa Kanyang will!
Action points:
- Sambahin palagi ang Dios kasama ng isang local church.
- Magpatuloy sa pagdalo ng Bible Study.
- Maglaan ng oras sa personal prayer at Bible reading and meditation. Magsimula sa book of John. Magbasa ng kahit isang chapter sa isang araw at humingi ng guidance ng Holy Spirit.
- Ibahagi sa iba ang mabuting balitang ito.
**Note: Ang gabay sa panalangin ay isa sa mga paraan ng pagpapahayag ng pananalig sa Dios at naniniwala tayo na tumutugon ang Dios sa panalangin lalu na kung ito ay mula sa puso (Lk 18:13-14). Pero, simula pa lang ito ng spiritual journey bilang true believer. Sa biyaya ng Dios ay makikita sa buhay ng isang mananampalataya ang katuwiran ng Dios bilang patotoo ng pagkilos ng Banal na Espiritu sa kanya bilang isang bagong nilalang (2Cor 5:17; Jn 1:12; Eph 2:8-10; 1Cor 6:11). Alam ng believer na patuloy siyang ginagabayan at itinutuwid ng Banal na Espiritu sa kabanalan (Rom 6:22; 1Thes 4:3; 1Peter 1:2) at tatapusin ng Dios ang sinimulan niya hanggang sa pagdating ng Kanyang Anak (Phil 1:6).
Ang Bible Study material na ito ay buhat sa Pamilyang Kristiano Ministries for Christ para sa glory ng Dios at sa salvation ng marami. (See us on facebook!)
Comments
Post a Comment