Guide in Sharing a Testimony and Exhortation for Giving During Sunday Worship
Ito ay guide para sa:
- Pag-share ng personal testimony
- Exhortation during giving (tithes and offering)
A. SHARING YOUR PERSONAL TESTIMONY
- Para ma-emphasize ang work ng Dios sa ating buhay. Philippians 1:6 ESV And I am sure of this, that he who began a good work in you will bring it to completion at the day of Jesus Christ.
- Para maluwalhati ang Dios in our midst.
- Para ma-encourage ang believers na present.
- Testimony of conversion o kung paano ka na-born-again
- Testimony ng answered prayer
- Testimony kung paano ka tinuruan ng Dios na sumunod sa Kanyang will or kung paano mo na-overcome ang isang temptation sa tulong Niya
1. Testimony of conversion o pagiging born-again (Minimum time: 3 minutes).
Suggested outline sa iyong pagsulat ng testimony:
a. Introductory statement:
- Example: "Nais kong i-share kung paano ko naranasan ang saving grace ng Dios."
b. Sino ka noon o ano buhay mo noon bago mo lubos na nakilala at naranasan ang grace ng Dios.
- Example: "Noong wala pa po ako sa Panginoon, ako po ay..."
c. Sino o anong pagkakataon ang nag-udyok sa iyo para makilala si Jesu-Kristo at tanggapin Siya bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas?
- Example: "Naunawaan ko po ang mabuting balita (o good news) tungkol sa pagliligtas ng ating Panginoong Jesus noong (or sa pamamagitan ng)..."
d. Kamusta ka pagkatapos na tanggapin mo si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas? Anong mga pagbabago ang ginagawa ng Dios sa iyong buhay?
- Example: "Mula ng tinanggap ko si Jesus sa aking buhay bilang Panginoon at Tagapagligtas, binago Niya ako sa aking..."
e. Magtapos sa pagpupuri at pagbibigay ng glory sa Dios.
2. Testimony ng answered prayer (Minimum time: 3 minutes).
Suggested outline sa iyong pagsulat ng testimony:a. Introductory statement:
- Example: "Nais kong i-share sa inyo ang pag-tugon ng Dios sa aking prayers."
b. I-share ang iyong hiniling sa Dios na prayer (e.g., healing, work related, family related, material needs, etc.) at kung gaano katagal o kabilis bago ito sinagot ng Dios.
c. Kailan at paano ito tinugon ng Dios?
- I-describe kung ano ang pakiramdam mo sa mga panahong ito.
- Mga dapat iwasan:
- Iwasan na ma-focus ang story sa iyong galing o husay.
- Iwasang mag-mention ang pagkakamali ng iba at ang kanilang name, directly or indirectly (walang name, pero alam ng nakikinig kung sino).
- Mga dapat tandaan:
- Panatilihin ang focus ng kwento sa pagkilos ng Dios.
- Bigyan ang Dios ng papuri sa lahat ng pagkakataon.
d. Ano ang word of encouragement mo sa mga tagapakinig?
- Example: "Hinihimok ko kayo na patuloy tayong magtiwala sa Dios. Siya ay handang tumugon sa ating prayers according to His will."
- Maaaring magtapos sa isang verse sa Bible bilang encouragement.
e. Tapusin ang testimony by giving the praises and glory to God.
3. Testimony kung paano ka tinuruan ng Dios na sumunod sa Kanyang will or kung paano mo na-overcome ang isang temptation sa tulong Niya (Minimum time: 3 minutes).
Suggested outline sa iyong pagsulat ng testimony:a. Introduction:
- Example: "Nais kong i-share sa inyo kung paano ako tinuruan ng Dios na sumunod sa Kanyang will."
b. Ikwento ang sitwasyon kung saan ikaw ay nasa isang tukso ng kasalanan o pagkakamali.
- Mga dapat iwasan:
- Iwasan na ma-focus ang story sa iyong galing o husay.
- Iwasang mag-mention ang pagkakamali ng iba at ang kanilang name, directly or indirectly (walang name, pero alam ng nakikinig kung sino).
- Mga dapat tandaan:
- Panatilihin ang focus ng kwento sa pagkilos ng Dios.
- Bigyan ang Dios ng papuri sa lahat ng pagkakataon.
b. Ikwento kung paano mo nararamdaman ang saway at gabay ng Holy Spirit. Nahirapan ka bang sumunod sa Diyos? Paano mo napagtagumpayan ang tuksong magkasala?
c. Ikwento ang natutunan mo noong, finally, ay tinulungan ka ng Dios na sumunod sa Kanya pagkakataong iyon na ikaw ay nasa isang tukso.
d. Ikwento kung paano naluwalhati ang Diyos sa pagkakataong iyon na ikaw ay nagtagumpay.
e. Closing: Magbigay ng word of encouragement sa mga nakikinig at parangalan ang Dios sa lahat-lahat.
B. EXHORTATION ON GIVING
Pupose ng pagbibigay ng exhortation during giving of tithes and offering:
a. Para i-emphasize na ang giving of tithes and offering ay part ng worship natin kay Lord. So, marapat na ang lahat ay mag-participate sa act of worship na ito.
b. Para i-emphasize ang faithfulness ng Dios ayon sa conditional and unconditional promise Niya ng material blessings.
- Matthew 5:45b ESV For (God) makes his sun rise on the evil and on the good, and sends rain on the just and on the unjust. (What is the condition? Nothing!)
- Matthew 6:33 ESV But seek first the kingdom of God and his righteousness, and all these (material) things will be added to you. (What is the condition? Seek first...)
- Malachi 3:10 ESV Bring the full tithe into the storehouse, that there may be food in my house. And thereby put me to the test, says the LORD of hosts, if I will not open the windows of heaven for you and pour down for you a blessing until there is no more need. (What is the condition? Bring the full tithe...)* See explanation sa end notes.
Note: Hindi ito kailangang gamitin na paliwanag sa pag-exhort, though pwedeng kumuha dito ng idea. Nasa ibaba ang suggestions sa pag-exhort.
Paano mag-exhort during giving of tithes and offering? (Minimum of 4 mins kung may testimony)
Three options:
a. Share your testimony, Read a text, and exhort.
b. Intro, read a text, explain, and exhort (without sharing a testimony).
c. Intro, read a text, don't explain or or don't share a testimony, then pray for the giving.
Option 1: Share your testimony, Read a text, and exhort.
1. Share your testimony.
- Note A: Kung may ibang naka-assign na mag-share ng kanyang personal testimony at ikaw ay naka-assign lang sa exortation on giving, sundan ang Note C.
- Note B: kung ikaw lang ang naka-assign sa testimony and exhortation ay maaaring pumili ng gusto mong i-share (1-conversion, 2-answered prayer, 3-temptation and sin na na-overcome, or 4-tungkol sa giving sa Note C). See above notes para sa suggestions sa pag-share ng first 3 types.
- Note C (additional type of testimony): I-share ang testimony ng iyong experience kung paano ka tinuruan ng Dios sa pagbibigay or ang faithfulness ng Dios kung paano ka Niya pinagpala mula sa iyong trust and obedience sa pagbibigay ng nararapat sa Kanya. Ilang suggestions patungkol dito:
- a. Isulat ang iyong testimony. (Minimum 5 minutes)
- b. Introduction
- Example: "Nais kong i-share sa inyo kung paano ako tinuruan ng Dios na magbigay..."
- c. Ikwento ang iyong struggle sa pagbibigay, kung nag-struggle ka. Or ikwento kung paano ka tinuruan ng Dios na magbigay.
- Iwasan ang kwento na nae-emphasize ang iyong yaman, husay o galing.
- d. Ikwento kung paano ka pinagpala ng Dios mula sa iyong pagtitiwala at pagsunod sa Knaya sa pagbibigay.
- Iwasan ang kwento na nae-emphasize ang iyong yaman, husay o galing.
- Mag-focus sa faithfulness ng Dios sa Kanyang promise at kung paano Niya ito ginawang totoo sa buhay mo.
- e. Papurihan ang Dios sa lahat-lahat.
2. Read a text. Ilan sa mga Scripture text na pwedeng gamitin: (no need to explain)
- Malachi 3:10
- Luke 6:38
- 2 Cor 9:7-7
- Etc.
3. Exhort.
- Example: "Magbigay po tayo sa Dios bilang expression natin sa Kanya ng worship, obedience and trust, and love for His work and His workers, sa ikalalaganap ng mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus."
4. Ipa-alala na ito ay hindi sapilitan lalu na sa mga bago.
- Example: "Sa mga hindi pa po nauunawaan ang pagbibigay, lalu na sa mga bago, ay hindi po kayo kailangang magbigay."
5. Pray for the giving.
Option 2: Intro, read a text, explain, and exhort (without sharing a testimony).
Suggested outline sa iyong pagsulat ng exhortation sa giving:a. Introduction.
- Example: "Part po ng ating worship ay ang pagbibigay ng ating tithes and offering."
b. Read a text. Ilan sa mga Scripture text na pwedeng gamitin:
- Malachi 3:10 (see explanation below)
- Luke 6:38
- 2 Cor 9:7-7
- Para sa iba pang nais gamitin na text, make sure na nauwaan ang meaning nito according to its context. Maaaring magpatulong sa pastor tungkol dito.
c. Explain the text. Mga dapat iwasan o tandaan sa pag-explain ng Scripture text:
- Iwasang magbigay ng paliwanag na hindi ka tiyak kung tama ang iyong interpretation.
- Paikliin ang iyong paliwanag in a way na madaling maintindihan ng elementary student.
d. Exhort.
- Example: "Magbigay po tayo sa Dios bilang expression natin sa Kanya ng worship, obedience and trust, and love for His work and His workers, sa ikalalaganap ng mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus."
e. Ipa-alala na ito ay hindi sapilitan lalu na sa mga bago.
- Example: "Sa mga hindi pa po nauunawaan ang pagbibigay, lalu na sa mga bago, ay hindi po kayo kailangang magbigay."
f. Pray for the giving.
Option 3: Read a text, don't explain or don't share a testimony, exhort, then pray for the giving.
1. Read a text. No need to explain.
- Malachi 3:10
- Luke 6:38
- 2 Cor 9:7-7
- Etc.
2. Exhort.
- Example: "Magbigay po tayo sa Dios bilang expression natin sa Kanya ng worship, obedience and trust, and love for His work and His workers, sa ikalalaganap ng mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus."
4. Ipa-alala na ito ay hindi sapilitan lalu na sa mga bago.
- Example: "Sa mga hindi pa po nauunawaan ang pagbibigay, lalu na sa mga bago, ay hindi po kayo kailangang magbigay."
2. Pray for the giving.
End notes:
Explanation on Malachi 3:10:
- Ito ay command ng Dios sa Israel para matugunan ang material needs ng Kanyang mga lingkod na nangangasiwa sa Temple ng Dios.
- Ang principle na ito ng pagbibigay para sa work and workers ng Temple ng Dios ay binanggit ito ni Paul sa New Testament believers sa Corinth:
- 1 Corinthians 9:13-14 ESV Do you not know that those who are employed in the temple service get their food from the temple, and those who serve at the altar share in the sacrificial offerings? (14) In the same way, the Lord commanded that those who proclaim the gospel should get their living by the gospel.
- Sinabi ito ni Paul para i-emphasize na siya din ay lingkod ng Dios katulad ng mga pari sa Old Testament na karapat-dapat tumanggap mula sa ibinibigay ng believers para sa Dios (e.g, tithes).
- Sa biblical principle na ito ng pagbibigay ay nais nating ipakita sa Dios ang parehong malasakit natin para sa matustusan ang needs para sa Kanyang mga gawain (work) at mga manggagawa (workers). Bukod pa dito ay nais nating ipakita ang pagtitiwala natin sa Dios na pagpapalain din Niya tayo katulad ng promise Niya sa noon sa Malachi 3:10.
- Para sa iba pang dagdag na explanation, see our discipleship lesson on "Giving: Spiritual Habits for Spiritual Growth."
- Para sa mas malalim na pag-unawa ng Scripture text, mag-enroll sa subject na Heremeneutics or Bible Interpretation.
.jpg)
.jpg)
Comments
Post a Comment