L1 Lesson 3b: Ang Kaharian ng Dios

Follow up on last lesson: Kumusta ang taong ipinapanalagin mo para maunawaan niya ang katotohanan tungkol sa pagiging “born-again”? Ano ang conviction sa iyo ng Holy Spirit patungkol sa kanya? 

📘 Objective ng lesson ngayon: Upang maipakita sa bagong disciple ang ilang katotohanan tungkol sa Kaharian ng Dios at kung paano natin ito nararanasan ngayon kahit ito ay hindi pa lubos na nahahayag.

Key Text: John 3:3,5 TPV 

Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. (5)  ...Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.

Si Jesus ay Savior-King at gustong-gusto Niya na makapasok tayo sa Kanyang Kingdom. Pero, again, tulad ng natutunan natin last time, ang sabi ni Jesus ay kailangan munang ma-born-again ang isang tao! 

So, kung ipina-experience sa iyo ng Dios ang bagong kapanganakang ito, or kung ikaw ay totoong na-born-again by God's grace, ang pangako sa John 3:3-5 ay makakapasok ka sa Kanyang kaharian. Praise God! 

Pero, nasaan ang kaharian ng Dios? 

📘 Bible Facts: Dalawang verses lang sa Gospel ni John makikita ang word na “kaharian”o “kingdom.” Ito ay nasa John 3:3-5, at ang isa pa ay nasa John 18:36. 

So, mula dito, ay tignan natin ang sinabi ni Jesus tungkol sa Kanyang Kingdom.

(John 18:36 TAB) Sumagot si Jesus, Ang kaharian ko ay hindi sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako'y huwag maibigay sa mga Judio: nguni't ngayo'y ang aking kaharian ay hindi rito.

Unang katotohanan sa talatang ito:

1. Si Jesus ay may Kingdom, pero hindi dito sa lupa.

(John 18:36 TAB) “...ang aking kaharian ay hindi rito.”

Sinabi ito ni Jesus sa harap ni Pilato. Ito yung time na gusto ng mga Jews na hatulan ni Pilato si Jesus ng kamatayan. Alam mo ba ang dahilan? Ayaw ng mga Jews na tanggapin si Jesus bilang kanilang King (o Messiah) except ng unang mga disciples! 

Now, tinanong ni Pilato si Jesus kung siya ba ang Hari ng mga Hudyo. Inamin ni Jesus na siya ay may kingdom, pero hindi ito sa mundong ito. 

Sa Matthew 26:29 ay binanggit ni Jesus ang Kingdom ng Kanyang Father. So, kung hindi sa lupa ang Kingdom ni Jesus at ng Ama, nasaan ang “Kanilang” Kingdom?

2. Ang Kingdom ng Dios ay spiritual Kingdom.

(John 18:36 TAB) “...kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito: kung ang kaharian ko ay sa sanglibutang ito, ang aking mga alipin nga ay makikipagbaka, upang ako'y huwag maibigay sa mga Judio: nguni't ngayo'y ang aking kaharian ay hindi rito.

Ang tinutukoy ni Jesus na Kanyang Kingdom ay sa Heaven. At sa langit ay may mga angels Siya na pwede Niyang utusan para lusubin ang Kanyang kaaway. Pero hindi Niya ito kailangang gawin dahil malinaw kay Jesus ang purpose ng pagparito Niya. Naparito Siya para iligtas tayo sa second death! Kailangan Niyang akuin ang ating mga kasalanan sa krus maging ang kamatayan na dapat ay para sa atin. Ito ay evidence ng grace ng Dios. At sa pamamagitan ng ating faith kay Jesus ay ipinagkaloob Niya sa atin ang gift of eternal life (John 3:16). At dahil tinanggap natin ang eternal life bilang regalo at pangako ng ating Dios, ay tiyak ang pagpasok natin sa Kanyang kaharian. Praise God!

Ito ang message ng good news ng Kingdom of God na dapat nating ipamalita. Ang tawag dito ay Gospel of the Kingdom or Gospel of Jesus Christ! 

(So, ano ang kaharian ng Dios?)

3. Ang Kingdom of God ay tungkol sa paghahari at pagliligtas ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Anak.

Ganito ang sabi ni Peter at ng mga apostles:

(Acts 5:31 TPV) Iniakyat (si Jesus) ng Diyos sa kanyang kanan bilang Tagapanguna at Tagapagligtas, upang bigyan ng pagkakataon ang mga Israelita na magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan, at sa gayon, sila’y patawarin. 

Ang "kanan ng Dios" ay katumbas ng trono sa kaharian ng Dios (cf. Hebrews 12:2). Meaning, sa Langit ay magkasama ang Dios-Ama at Dios-Anak na naghahari. Bukod pa dito, mapapansin din sa talata na may dala-dalang mabuting balita ang kaharian ng Dios. Ano 'yung good news na 'yun? may chance ang mga Israelita na magsisi at mapatawad. At hindi lang sila, siyempre, kungdi lahat ng handang magsisi at humingi ng tawad sa Dios (1Jn 1:9).  

Let’s review:

  1. Ang Kingdom ni Jesus ay spiritual Kingdom
  2. Hindi sa lupa ang Kingdom ni Jesus, pero bilang believers ay nae-experience natin sa lupa ang Kanyang Paghahari at Pagliligtas.
  3. Ang Kingdom ni Jesus ay pareho ng Kingdom ng Father. Magkasama silang naghahari sa Langit.
  4. Sinumang nagsisi at nananalig sa Anak ng Dios ay may buhay na walang hanggan at makakapasok sa Kanyang eternal Kingdom.

Remember, noong kausap ni Nicodemus si Jesus ay… 

  • Hindi makita ni Nicodemus at ng mga kasama niyang leaders ng Jews ang truth na si Jesus ang Messiah--ang eternal King na may eternal Kingdom. 
  • Hindi nila makita ang truth na ang Paghahari at Pagliligtas ni Jesus bilang Messiah ay spiritual. 
  • Hindi nila makita ang truth na sila ay sinners kaya hindi nila maisip na kailangan nila si Jesus para sa forgiveness ng kanilang sins. 
  • Hindi nila tinatanggap ang testimony ni Jesus, tulad ng wisdom at miracles na ipinakita Niya bilang proof na Siya na nga ang Messiah--Ang eternal Savior-King na matagal na nilang hinihintay.

Kaya ano ang sinabi ni Jesus kay Nicodemus sa kanilang pagbubulag-bulagan?

(John 3:3, 5) Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. (5) ...Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.

Dahil sa kanilang blindedness at rejection kay Jesus bilang Messiah ay hindi sila makakapasok sa Kingdom of God. Kaya ganito ang sabi ni John sa kanyang Gospel: 

(John 1:11-13 TPV) Naparito siya sa kanyang bayan ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan. (12) Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. (13) Sila nga’y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos. 

Tandaan, ituturing na anak ng Dios ang sinumang nananalig kay Jesus bilang Messiah! At alam mo ba kung anong privilege ang ibinibigay ng Dios sa mga itinuring Niyang Kanyang mga anak? 

Sabi sa Romans 8:17 (TPV), 

At yamang mga anak, tayo’y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo. Sapagkat kung tayo’y nakikipagtiis sa kanya, tayo’y dadakilain ding kasama niya. 

Praise God! Ang mana o inheritance na ito ay isang promise na ina-assure ng Dios sa nananalig sa Kanyang Anak na si Jesus. Ang inheritance na ito sa eternal Kingdom ng Dios ay lalu nating mae-enjoy sa Second Coming ng ating Panginoong Jesus. 

Pero, dito sa lupa ay pinapatikim na tayo ng Dios ng Kingdom blessings tulad ng forgiveness, eternal life, at mga answers sa ating prayers. 

Reflection/Confirmation:

  • Nakikita mo ba ang hindi makita ng unbelieving Jews na si Jesus ang Messiah? 
  • Nakikita mo ba sa testimony ni Jesus (sa Kanyang wisdom and miracles) na Siya na nga ang Messiah--ang ating Savior-King?
  • Naniniwala ka ba, by God’s grace, na hinugasan na ng Dios ang iyong mga kasalanan noong ikaw ay kinonvict ng Holy Spirit, nagsisi, at nagbalik-loob sa Dios?
  • Naniniwala ka ba, by God’s grace, na binago ng Spirit ng Dios ang iyong puso at ginagawang masunurin at mapagpasakop sa kalooban ng Dios?

Well, alam ng Dios ang iyong faith at totoo Siya sa Kanyang promise! 

Sabi sa John 10:28 (TPV), 

Binibigyan ko sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma’y di sila mapapahamak; hindi sila maaagaw sa akin ninuman.

Ang promise ni Lord ay hindi tulad ng tao na nagfe-fail. Totoo ang promise ng Dios kaya dapat na ipakita natin ang full trust natin sa Kanya at sa Kanyang promises. 

✅ Check-up: Balikan natin ang Scripture verses sa last lesson. Mag-recite ng isa.

  • Jn 3:3,5 (key words: “hanggat hindi ipinapanganak na muli ang isang tao…”)
  • Eze 36:25-27 (key words: “Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay…”)
  • Jn 1:12 (key words: “...lahat ng tumanggap… lahat ng nanalig… anak ng Dios”)
  • Rom 10:9-10 (key words: “Kung ipapahayag ng iyong mga labi…”)
  • Jn 20:31 (key words: “Ang mga natala rito’y sinulat upang…”)
  • 1Jn 1:9 (key words: “Kung ipapahayag mo ang iyong mga kasalanan…”)
  • 2Cor 5:17 (key words: “bagong nilalang”)


Action point: Gumawa ng iyong testimony of conversion.

Suggested outline:

A. Before conversion: Anong uri ng pamumuhay ang mayroon ka bago mo tanggapin si Jesus Christ bilang Lord and Savior? 

B. During Conversion: Paano mo naunawaan ang gospel at ang assurance ng salvation in Christ? Ano ang events o circumstances na nagdulot sa iyo para ikaw ay magtiwala kay Christ para sa iyong kaligtasan? Ano ang ipinaunawa sa iyo ng Dios at ano ang mga pangako sa Kanyang Salita na iyong pinanghahawakan? 

C. After Conversion: Nung malaman mo na pinatawad ka na ng Dios at pinagkalooban ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya at pananalig sa Kanyang Anak, ano ang naging impact nito sa iyong pag-iisip at pamumuhay? Anong positive changes ang nangyari sa iyo mula nang isinuko mo ang iyong buhay sa Panginoon? 


Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 1: The Good News of Salvation in Christ