T.E.A.M. W.O.R.K. in Church Ministries Kasama si Lord

by SuperChurch

(Reference: Rick Warren’s 8 Values of TEAMWORK That Keep a Church Healthy)

Si Jesus ay may team–ang 12 disciples. Hindi Niya binalak na gawin ang ministry ng Siya lang. Pero paano ipinakita ni Jesus at ng Kanyang disciples ang TEAM WORK?

T - Trust

Nagtiwala si Jesus sa mga ordinary men kasama si Matthew na isang tax collector na kinaiinisan ng mga tao sa kanilang time. 

Paano ma-build ang trust sa team at ano ang magandang result nito? 

  1. Nagtitiwala ang team members sa leader habang nakapaloob sa will ni Lord ang kanyang pangunguna. Consistent siya dito at nagse-set ng example ng submission sa will ni Lord. 
  2. Mapapagkatiwalaan ang sinuman sa malaki dahil ginagawa niya ang best niya kahit sa maliit na task (Matt 25:21).
  3. Habang nabi-build ang trust ay nade-develop ang interdependence (naaasahan ang bawa’t isa). 

E - Economy of Energy

Nakakapagod ang ministry lalu na kung marami kang tasks. Kaya dapat ay i-combine natin ang ating energy o lakas or i-utilize ito evenly. Sina Peter ay dinelegate sa iba ang daily work load ng pagpapakain sa mahirap (Acts 6) para makapag-focus sa main task of preaching the Word. 

Paano i-promote ang "econcomy of energy" sa team?

  1. Hayaan ang team members na i-prioritize ang ministry sa family lalu na in cases of emergency (e.g., illness, new baby). I-compensate ang kanilang absence.
  2. I-consider ang mga days ng work na mabilis at energetic,  yung days na dahan-dahan ng kaunti, at ang panahon na dapat ibigay sa team members na sapat na pahinga. 
  3. Gawing fun and enjoyable ang ministry!

A - Affirmation

In-affirm ni Jesus si Peter ng masagot niya ng tama ang tanong sa kanya ni Jesus (Matt 16:15-17). In-affirm ni Paul si John Mark na “very useful sa ministry” kahit minsan silang nagkaroon ng hindi pagkakasundo (2Tim 4:11). 

Ilang practical ways sa pag-affirm ng team:

  1. Pahalagahan ang kanilang ideas
  2. I-appreciate ang kanilang kaibahan (uniqueness)
  3. Pasalamatan ang kanilang efforts
  4. Purihin ang Dios dahil sa kanilang faithfulness and loyalty

M - Management of Mistakes

Proverbs 24:16 ESV  for the righteous falls seven times and rises again…

Bigyan natin ng room for mistake ang bawa’t isa, lalu na ang leader. At hindi kailangan dito ang attack sa pagkakamali kungdi ang mai-point out lang ito na ang goal ay “makabangon” at patuloy na ma-please si Lord in everything we do for Him. 

Paano i-manage ang mistake ng team?

  1. Gawin privately ang pag-point out ng mistake
  2. Maging humble kapag pinupuna sa mali
  3. Humanap muna ng magadang bagay bago punahin ang mali
  4. Mag-focus sa goal na “makabangon” ang nagkamali at magpatuloy kay Lord

W - Weekly Meetings

Part ng “success” sa ministry ay ang prayer and planning ng team. Hindi dapat ito i-compromise. During meal or sa paglalakbay ay kasama sa agenda ni Jesus ang pagtuturo sa Kanyang disciples (cf. Jn 4:31ff). Maaaring ang sa kanila ay mas madals sa weekly meetings ang kanilang ginagawa. 

Apat na pwedeng sagutin ng team members sa meeting: 

  1. “Nagkakaroon ako ng progress sa…” 
  2. “Nagkakaroon ako ng difficulty sa…” 
  3. “Kailangan ko ng help sa decision sa…”
  4. “Thankful ako sa Dios dahil sa…”

O - Open Communication

Madalas magtanong kay Jesus ang mga disciples at sinasagot ni Jesus ang kanilang mga tanong. Napaka-open ng kanilang communication. 

Mga hadlang sa communication na dapat iwasan:

  1. Presumption. Gaanong karami ang problems na dulot ng  phrase na “Akala ko kasi…”? Marami na! So, huwag mag-assume. Klaruhin sa isa’t isa ang mga hindi malinaw. Tandaan: [1] huwag akalain na iisa lang ang way sa pag-solve ng problem; [2] hindi lahat ay pareho ng nararamdaman tulad ng feelings mo; [3] huwag akalaing hindi na magbabago ang iba (tuloy-tuloy ang pagbabago ng Dios sa atin); [4] at hindi natin dapat hulaan ang motibo ng iba. Dios lang ang nakakaalam nun!
  2. Impatience. Nirebuke din ni Jesus ang Kanyang disciples, pero bakit loyal pa din sila sa Kanya at hindi sila takot na makipag-usap sa Kanya? Dahil hindi naubos ang patience Niya sa kanila. Hindi ipinaramdam ni Jesus na hindi na sila mahalaga or hindi na Niya sila kailangan kahit nagkakamali sila. 
  3. Pride. Huwag maging resistant sa feedback at defensive. That’s pride. Instead ay makinig at mag-expect na may matututunan ka din sa iba.

R – Recognition and Reward

Dito ay iniingatan natin ang recognition and reward na hindi maging katulad ng warning ni Lord sa Matt 6:1ff–ang principle ng secret deeds. Pero kailangan natin ng team members at ng leader ng kaunting tap sa balikat at appreciation sa ginagawa ng bawa’t isa for the Lord. Pero para palaging si Lord ang naluluwalhati, ginagamit natin ang mga salitang, “Praise God sa buhay mo na ginagamit ni Lord sa…”

K – Keep on Learning

Tama ang kasabihan, “If you stop learning, you stop leading.” Kung papansinin ang mga growing churches, yun ay dahil pinapahalagahan nila ang tuloy-tuloy na learning. 

Proverbs 18:15 ESV  An intelligent heart acquires knowledge, and the ear of the wise seeks knowledge.

Ine-encourage natin ang team members na patuloy na mag-grow, i-improve ang sarili, at laging maging willing to learn (e.g., reading books, watching videos on “how to’s,” attend Bible classes, para ma-sharpen ang kanilang skills at ma-develop ang kanilang character).

Sa lahat-lahat ng ito, hindi natin kinakalimutan na si Lord ang Head ng ating team. Tayong lahat ay: 

  1. umaasa at nagtitiwala sa Kanyang guidance through the Holy Spirit, 
  2. longing sa Kanyang teachings, 
  3. tinatanggap ang Kanyang rebuke, at 
  4. nagpapagamit sa Kanya ng sama-sama at nagkakaisa as His servant-leaders. 

Glory to God!

Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 1: The Good News of Salvation in Christ