Biblical Knowledge
Romans 15:14-15 ESV I myself am satisfied about you, my brothers, that you yourselves are full of goodness, filled with all knowledge and able to instruct one another. (15) But on some points I have written to you very boldly by way of reminder, because of the grace given me by God
Pinuri ni Paul ang believers in Rome sa tatlong bagay:
their goodness,
their knowledge and
their ability to instruct others
Sabi ni Paul sa believers in Rome, kayo ay punong puno ng lahat ng kaalaman.
Word: Biblical Knowledge
May nagsabi na ang pinaka punong-puno ng knowledge sa Bible ay si Abraham. You know why? Dahil sa kanyang cousin na si Lot. He knew "a Lot"!
Do you know a lot? At anong uri ng knowledge ang alam mo?
Ang question na ito ang gusto nating itanong tungkol sa believers in Rome. Anong knowledge ang alam nila na pinupuri ni Paul?
Hindi sila pinupuri ni Paul sa knowledge tungkol sa Greek and Roman architecture. Sa panahon ni Jesus ay narating ng Greek and Roman architecture ang kasikatan. Mayroon silang beautiful temples, monuments, public squares, theaters, stadiums and gymnasiums, etc. at marami sa structures na ito ay dedicated sa kanilang gods and goddesses. Ang temple sa Jerusalem na inayos ni king Herod at pinalaki ay may touch of ng Greek and Roman architecture. Pinaniniwalaang nag-employ si king Herod ng architects and artisans mula sa Greece, Italy, and Egypt para pagsamahin ang traditional Jewish needs at ang international style ng 1st century. Kailangan pa din natin ng knowledge in architecture and engineering, pero hindi ito ang knowledge na sinasabi ni Paul.
Hindi sila pinupuri ni Paul sa knowledge tungkol sa knowledge in medicine. Si Luke ay isang doctor sa kanyang panahon, at ito ang maaaring reason kaya in-advised ni Paul si Timothy na i-treat ang kanyang stomach problem ng natural fermented wine. Kinilala ni Paul ang wisdom ng doctors in his time. At tulad ni Luke, kailangan pa din natin ng doctors ngayon. Kung hindi sa mga doctors, considering yung different fields ng kanilang mastery sa medicine, hindi natin malalaman kung gaano kapanganib ang buhay natin sa kamay ng mga fake healers. At may mga Christian doctors tulad ni Luke na itinuturing ang Dios na mas mataas kaysa medicine at ipinapanalangin nila ang kanilang patients tulad ng naranasan ni Shaine lately. Ang knowledge sa medicine ay important, pero hindi ito ang sinasabi ni Paul sa believers in Rome.
Hindi din sila pinupuri ni Paul sa knowledge in philosophy, in business and economy, in agriculture, in social science, in mathematics, in music, at lalung hindi sa computer literacy. Ang tanging computer na mayroon sila during the 1st-century ay abacus. But don’t get me wrong. Kailangan pa din natin ng lahat ng fields of knowledge para tayo ay makasurvive bilang isang bansa sa isang highly civilized world ng 21st century. At maraming tao ang gustong i-acknowledge sila kung saan sila magaling. May mga tao na flattered kung pupurihin mo sila sa kanilang field of expertise. Pero ang katotohanan ay ito: Hindi pinupuri ni Paul ang believers in Rome sa kanilang knowledge sa secular world. Pinupuri sila ni Paul sa kanilang their knowledge in:
[1] the Scripture and
[2] the gospel of our Lord Jesus Christ.
Saan ka mas proud, sa knowledge mo sa secular world o sa knowledge na nakukuha mo sa Salita ng Dios?
Matthew 16:26 ESV (Jesus said) …ano ang silbi kung makamit ng isang tao ang buong mundo kung ang kaluluwa niya ay mapapahamak?
I believe na ang Word of God ang greatest knowledge na dapat nating hanapin para magkaron tayo ng buhay in its fullness. Amen?
So, pag-usapan natin ang pagkilala ni Paul sa believers in Rome sa kanilang full knowledge in Scripture.
For sure, ang tinutukoy ni Paul dito ay Jewish Christians. Why? Dahil ang isang typical Jew ay natututunan ang Scripture from childhood. Ang Gentile Christians ay lumaki sa isang pagan family na walang alam sa Scripture dahil hindi sila naglilingkod sa Dios ng Israel and so bale-wala sa kanila ang Scripture. Ang Jewish Christians, sa kabilang banda , ay alam ang Scripture dahil nakatanim na ito sa kanilang culture bilang Jew kung saan ang parents nila ay tinuturuan ang kanilang mga anak ng Word of God sa kanilang tahanan at saan man sila magpunta.
Deuteronomy 6:4-9 TPV “Dinggin ninyo mga Israelita: Si Yahweh lamang ang Diyos. (5) Ibigin ninyo siya nang buong puso, kaluluwa at lakas. (6) Ang mga utos niya’y itanim ninyo sa inyong isip. (7) Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; sa loob at labas ng inyong tahanan, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. (8) Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, (9) isulat sa mga hamba ng inyong pinto at mga tarangkahan.
Ano ang natututunan mo sa inyong tahanan? Parents, anong knowledge ang ibinibigay ninyo sa inyong mga anak? Or kung ikaw lang ang Christian sa bahay nyo, ibinabahagi mo ba ang Word of God sa iyong family?
What is God’s message to us?
I believe na Gusto ng Dios na mapuno tayo ng knowledge sa Kanyang Word–ang Scripture. Amen?
At ang pagtuturo ng Scriptural knowledge ay dapat magsimula sa Christian home.
Pero ano talaga ang natututunan ng mga anak sa loob ng tahanan?
Alam kong maniniwala ka na ang natututunan ng ibang mga bata ay magsalita ng hateful words na may kasamang poot at ang nakakalungkot ay natututunan nila ito sa kanilng parents.
May ibang bata na nagiging disrespectful sa elderly maging sa church pastors dahil sila mismo ay sanay na i-disrespect ang kanilang parents na disrespectful din sa iba.
May ibang bata na natututong mag-lie, magnakaw, manakit ng iba dahil ito ang natututunan nila sa kanilang tahanan.
I believe na nangyayari lang ito sa tahanan ng unbelievers na hindi pinapahalgahan ang Word of God. Or kung nangyayari man ito sa Christian home, ito ay dahil ang Word of God ay nakakalimutan sa kanilang daily lives.
Pinag-uusapan nyo ba sa inyong tahanan ang Word of God? Ginagamit mo ba ang Scripture sa pagtuturo sa iyong family, sa pag-correct sa kanila, sa pag-train sa kanila sa righteousness ng Dios?
2 Timothy 3:16 TPV Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos[d] at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay.
How to teach the Bible at H.O.M.E.?
Sa pamamagitan ng H-ouse displays. Iniutos ng Dios sa Israelites na isulat nila ang Kanyang Salita sa paligid ng kanilang tahanan. Why? Dahil ayaw ng Dios na malimutan nila ang Kanyang Salita dahil kung makalimot sila ay maliligaw sila at mapapahamak kasama ng ibang bansa na binabale-wala Siya. Pero sa kasalukuyan, ano talaga ang nakikita natin sa ating mga bahay? Chimes na sisabit sa pinto para i-welcome ang positive energy, at protection sa negative spirits, at promotion of harmony and good luck. May display din ang iba na money frogs para i-attract ang wealth, at iba pang tulad nito. Alam mo ba na ito ay rooted sa feng shui? Paniniwala ito ng Chinese na ito ay magbibigay sa kanila ng swerta (luck). Church people, hindi tayo nainiwala sa swerte. We believe na ang Dios ay in control of everything at ang blessings ay dumarating dahil sa grace ng Dios. Dahil sa grace ng Dios kaya patuloy tayong tumatanggap kahit hindi tayo deserving! At minsan, ang blessings ay dumarating bilang reward ng Dios sa ating pagsunod sa Kanya. Amen? So, mag-ingat sa dini-display mo sa inyong tahanan. Be selective!
May napasyalan akong bahay ng isang Christian famly at nung naki-CR ako ay bumungad sakin ang mga pictures ng sexy ladies. Ano ang gustong ituro ng parents sa kanilang mga anak? Please, wag mag-display ng anumang worldly and unbiblical. Ilalayo nito ang family mo sa katuwiran at katotohanan! Magdisplay ng anumang paala-ala tungkol sa Salita ng Dios at kung ano ang Kanyang will at anumang tungkol sa love ng Dios sa atin. Amen?
We can teach the Bible at H.O.M.E.
O-n leisure and meal time. Inutusan ng Dios ang Israelites na pag-usapan ang Kanyang Word tuwing sila ay uupo, at ito ay pwedeng mangyari sa kanilang living area para sa rest and leisure at sa hapag kainan. How about you? Ano ang pinag-uusapan ninyo sa inyong bahay kapag kayo ay nasa living area or nasa dining table? Pinag-uusapan ba ninyo ang Word of God o buhay ng ibang tao? Church people, gusto ng Dios na pagusapan natin ang Word of God sa ating tahanan, hindi ang buhay ng ibang tao! At kung may member ng family na na-open ng concern tungkol sa iba, ang head ng family or sinuman na nakakaalala ng Word of God tungkol sa kapatid na nagkamali ay alam kung ano ang dapat gawin, that is, ituro ang Word of God at sabihin sa family member na kausapin directly ang tao para sa sin confrontation at restoration ng relationships. Amen? That leads us to the next point.
We can teach the Bible at H.O.M.E.
Tuwing may M-eaningful conversations. May mga pag-uusap sa family na ginagawa natin for fun and healthy laughter. Nagku-kwento ba kayo ng jokes sa inyong tahanan? But please, wag hamakin ang sinuman sa inyong jokes. At wag makitawa sa sinumang pinagtatawanan ang iba. Ayaw mong gawin yun ng iba sayo, right? So, be selective sa mga pag-uusapan ninyo as a family. At may mga meaningful conversations na dapat mong bantayan.
May isang bata na nakaupo sa kanilang porch kasamang kanyang tatay at nung nagtanong siya, "Dad, paanong alam ng Dios ang lahat ng ginwa natin?" Sumgot ang tatay, "Well, son, ang mata ng Dios ay nakatingin kahit saan. Nakikita niya palagi ang iyong puso at kung ano ang nasa isip mo." Nag-alala ang anak ng saglit, then bumulong, "Oh no, I hope hindi sasabihin ng Dios sa nanay ko yung tungkol sa goldfish na aksidenteng na-flush ko sa toilet kanina."
It was a joke, pero at the same time, kung totoo ito, nagkaron ng meaningful meaningful conversation ang tatay at ang anak dahil na-realize ng bata na wala tayong maitatago sa Dios. ang meaningful conversations sa tahanan ay great opportunities para maituro ang Word of God.
Just recently, yung daughter ko na si Jc ay sinabi sakin yung tungkol sa kaibigan nyang Calvinist at tinanong ako ng ilang questions na ako naman ay natutuwang sagutin. I also heard Jb na nakikinig sa video ng adviser tungkol sa pagpapalago ng business. I heard something na sa palagay ko ay hindi nya dapat kunin, like yung pag-boost ng confidence mo na kumikita ka na ng ganito and so therefore you buy ibili mo ang sarili mo ng luxury car. I reminded Him na palagi niyang i-prioritize niya ang kingdom of God. Tuwing bine-blesse ka ng Dios with much, think less about yourself, bagkus, ang isipin mo ay kung paano ka magiging blessing sa church ni Lord. And then tumango sya.
Don’t get me wrong. Ang pagbili ng anumang kailangan natin ay palaging tama. Yung pride natin na makuha ang gusto natin kahit ito ay lagpas sa atng kakayanan ang hind tama at nakakapag-pahirap pa nga sa atin, especially kung ang reason kay aka nahihirapang magbigay ay dahil sa material things na palagi mong ginugusto until wala ng natitira para makapagbigay ka sa Dios dahil sa monthly payments na dapat mong unahin. Do you understand what I mean? Gusto ng Dios na ibless ka, pero ang blessings ay dumarating as we keep on giving.
Luke 6:38 TPV Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo.”
Did you notice kung ano ang nagyayari ngayon sa house of God? Nagkakaroon tayo ng meaningful conversation at kino-convince ko kayo na maniwala sa Salita ng Dios. Well, gawin mo din ito sa iyong pamilya. Kumbinsihin mo ang pamilya mo na maniwala sa Salita ng Dios at i-practice ito sa inyong pamumuhay. Kaya samantalahin mo ang bawat meaningful conversation na mapupuna mo sa inyong tahanan at ituring ito bilang isang great opportunity para mapag-usapan ang Word ni Lord at ang Kanyang will. Amen?
Lastly, we can teach the Bible at H.O.M.E.
by E-xample. Nalala ko si pastor Gammy Alba sa kanyang testimony sa isa sa mga preachings na narinig ko sa kanya. Tinuturuan niya ang mga anak niya na wag uminom ng deretso sa pitsel. Kumuha kayo ng baso at lagyan ito mula sa pitsel at saka uminom. And then all of a sudden, nakita niya ang sarili nya na umiinom ng deretso sa pitsel at na-realize na hindi siya magiging mabuting patotoo kung ganito. Simple illustration lang ito. Marami tayong pwedeng banggitin na bad examples na nagagawa natin sa loob ng tahanan –napakaraming unrighteous deeds na ginagaya ng ating pamilya. Nagpapakita ka ba ng good example ng katuwiran sa iyong mga anak? Or, children, nagpapakita ka ba ng good example of righteousness sa iyong parents and siblings? Remember, pwede tayong makapagturo ng Salita ng Dios sa ating tahanan sa pamamagitan ng ating good example. Kapag parang walang gustong mag-care sa inyong pamilya, then ipakita mo na ikaw ay marunong mag-care. Kapag tila walang nakakaunawa, then ipakita mo na marunong kang umunawa. Kapag may gumagawa ng mali, at matapos ang ilang pagtutuwid ay ayaw pa ding makinig, then wag mong sundan ang kanyang bad example. Piliing mamuhay sa ilalim ng kalooban ng Dios. Ang good example na ito ay nagtuturo sa iyong family na, hey, may ginagawa ang Dios na maganda sa buhay ko na gusto din Niyang maranasan mo. Though I am not yet perfect, hinuhubog ako ng Dios para ako ay maging katanggap-tanggap sa Kanya. Gusto mo bang baguhin ka ng Dios at maging mabuting halimbawa sa inyong tahanan at saan ka man naroon? Then magsisi ka, at talikuran mo ang kasalanan, at magbalik-loob kasa Dios. Gawin mong Master ng buhay mo si Jesus. Magtiwala ka sa Kanyang Salita at sumunod sa Kanyang kalooban. Babaguhin ka Niya at magiging mabuting halimbawa ka sa mga taong minamahal mo.
So, God gusto ng Dios na mapuno ka ng kaalaman sa Kanyang Salita–ang Scripture.
[1] At ang pagtuturo nito ng Scriptural knowledge ay dapat magsimula sa Christian home.
[2] Ang pagtuturo Scriptural knowledge ay dapat bigyang diin sa church.
Nagtitipon tayo bilang church para sambahin ang Dios at ikaw ay pumarito dahil yun ang gusto mong gawin. Amen? But let me remind you na kung hindi ka nakikinig sa pangangaral ng Kanyang Salita, it means na hindi ka talaga sumasamba sa Dios. Wag nating kalimutan, brothers and sisters, na ang pakikinig sa Salita ng Dios ay part ng worship at ang Word of God ay siyang buhay ng church. Ito ang ating buhay. Sa pamamagitan ng Word of God kaya nakikilala natin ang Dios–ang Kanyang power, ang Kanyang holiness, ang Kanyang love, ang Kanyang grace, at ang Kanyang offer ng eternal life sa atin na makasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Ang Scripture ang source ng nourishment para sa ating kaluluwa. It encourages us, it grows our faith, at sa pamamagitan ng Salita ng Dios kaya nalalagpasan natin ang mabibigat na pagsubok sa buhay dahil ang Scripture ay punong-puno ng wonderful promises na mismong ang Dios ang nagsalita at alam natin na tapat Siya sa Kanyang mga pangako. Amen? So, magpunta ka sa church para sumamba sa Dios at mapuno ng kaalaman sa Kanyang Salita.
Sa ating church, ang Scripture ang tangi nating authority in faith and practice. Ito ang ginagamit natin sa counseling, sa discipleship, sa teaching and preaching, sa pagtutuwid ng mali, sa pag-restore ng nagkamali, etc. Wala tayong gagawin sa church na hindi naka-align sa Word of God.
At sa tuwing ng Christian parents ay somehow nag-fail sa pagtuturo ng Word of God sa kanilang tahanan, ang church ay responsible na tumulong sa Christian family na ibalik ito sa original plan ng Dios para sa isang Chrisitan home, that is, ang ipaala-ala ang pagpapahalaga sa Word of God sa buhay ng bawat member ng family. Let us be reminded na lahat ng Christian parents ay partners ng church sa pagtuturo ng Word of God sa kanilang tahanan. So, tuwing nagtitipon tayo as a church, hindi natin pinaguusapan ang buhay ng ibang tao. Ang pinaguusapan natin ay ang Salita ng Dios! Pinag-aaralan natin ang Scripture at ini-interpret ito as a church, at palagi nating tinatanong: Paano natin ia-apply ang Salita ng Dios sa church, sa ating tahanan, at sa mga lugar na dinadala tayo ng Dios (?).
How to grow in the knowledge of God’s Word as a church?
Listen to the preaching with a receptive heart. Pumunta ka ba sa church para marinig ang Salita ng Dios? Tinatanggap mo ba ang Salita ng Dios kung maganda lang ito sa pandinig mo? O tinatanggap mo din ang Salita ng Dios kahit ito ay word of rebuke or correction?
May isang member sa na nakatulog during a long sermon. Napansin ito ng preacher at sinabihan ang katabing member, "Paki-gising mo nga!" Then sabi ng member, "Preacher, ikaw ang nagpatulog, ikaw ang gumising!"
Praise God dahil walang natutulog sa atin during Word time. May mga nag snore lang. Joke!
What do you get from the preaching of God’s Word? Well, kung makikinig ka sa preaching ng may bukas na puso,
Lalalim ka sa knowledge mo in God's Word. Sunday after Sunday, tuwing nakikinig ka sa preaching, ay lumalago ka sa Scriptural knowledge. Lumalago ka sa kaalaman mo sa Dios at sa ating Paginoong Jesu-Kristo at sa ginagawa sa iyo ng Holy Spirit.
And then tuwing nakikinig ka sa preaching ng may bukas na puso, ay lumalago ka sa iyong discernment sa truth (talas ng isip sa katotohanan). At kung sakaling may narinig kang false teachings, hindi ka agad matatangay dahil alam mo ang katotohanan dahil palagi mo itong naririnig sa pulpit especially kung ang preacher ay ginagabayan ng Holy Spirit sa tamang pag-interpretat ng Scripture.
And then tuwing nakikinig ka sa preaching ng may bukas na puso, ay may binabago sa iyo ang Dios dahil ang Word of God ay nire-renew ang ating mind. Ang Word of God ay may power na baguhin ang ating pag-iisip at way of life. Binabago ka ba ng Dios ng Kanyang Saliat? Nakikita ba ng iba ang changes na ginagawa sa iyo ng Dios through His Word? Nakikita ba ng mga tao sa iyo ang unti-unting transformation sa pamamagitan ng power ng Word of God?
And then, to para mag-grow sa iyong knowledge in God's Word, hindi lang tayo nakikinig sa preaching na may bukas na puso,
Nag-aaral din tayo kasama ang believers ng may humble spirit. Si Paul ay isang learned man kapag Scripture ang pinag-uusapan. Nangaral siya sa maraming tao sa kanyang missionary journeys. At ginamit din siya ng Dios para isulat ang Kanyang Salita sa ilang churches and Christians. And yet, ito ang sinabi niya: ang nalalman ko ay kaunti pa lang , at darating ang oras na malalaman ko ang lahat (1 Cor 13:12). Iyon ay isang humble spirit na nanggaling sa isang learned man! Mayroon ka bang humble spirit? Ikaw ba ay humble enough para aminin na kailangan mo ang church to help para mag-grow sa iyong knowledge tungkol sa Dios? Willing ka ba na maturuan ng iba mula sa church? Payag ka ba na ituwid ng iyong pastor sa iyong pagiisip na na-ambunan ng maling impormasyon?
And then, para mag-grow sa iyong knowledge in God's Word,
Ipamuhay ang Christian life ng may buong pagpapasakop sa kalooban ng Dios. Hindi tama na ikaw ay puno ng biblical knowledge pero kulang ka sa application ng Salita ng Dios.
But always remember, hindi mo kayang ipamuhay ng mag-isa ang buhay Kristiano. Kailangan mo ang Salita ng Dios. Kailangan mo ang directions ng Dios sa bawat hakbang mo. Kailangn mo ang Kanyang instructions. Kailangan mo ang counsel ng Dios sa laht ng problema mo. Kailangan mo ang need karunungang mula sa Dios at kailangan mo ang Kanyang tulong. Amen?
So, ilublob (immerse) mo ang sarili mo sa Salita ng Dios. Basahin mo ang Bible at pag aralan ito kasama ang church. Sikapin mong i-apply ang Kanyang Salita sa iyong buhay, araw-araw. Wag kang makinig sa suggestions and counsel ng iba na hindi ayon sa kalooban ng Dios. Makinig ka lang sa sa guidance and leading ng Holy Spirit. At alam mong galing sa Holy Spirit ang naririnig mo dahil hindi Siya magsasalita ng anumang hindi nakasulat sa holy Scripture. So, isuko mo ang iyong will sa Dios at sa gabay ng Holy Spirit. That is how you live the Christian life!
But let me remind you, kapag ipinamuhay mo ang buhay Kristiano sa tulong ng Dios, ang buhay mo ay magiging pleasing sa Dios, pero hindi ito maa-appreciate ng mga hindi nagmamahal sa Dios. Yung mga taong binabalewala ang Dios ay hind ka magugustuhan at hindi ka gustong mag-stay sa kanila kapag namumuhay ka sa kalooban ng Dios. kung gusto mong maging friends ka nila, uutusan ka nila na itikom mo ang iyong bibig at tumigil sa pagsasalita ng tungkol sa Dios at sa Bible. At maraming Christians lalu na ang ating young people na nahihirapan dito. They feel na masarap kasama ang kanilang unbelieving friends. They enjoy their company. At nahihirapan ang mga kabataan natin na i-share si Jesus sa kanilang friends dahil ayaw nilang marinig ang anumang tungkol sa Kanyang Salita. Why? Dahil binulag ni Satan ang kanilang isipan at ginawa silang prisoners sa kasalanan. Nahihirapan ang ating young people dahil sa “friendship” na na-develop during school years. Ayaw nilang mawala ang kanilang friends, but at the same time, ang friends nila ay ayaw makinig sa Salita ng Dios ay ayaw magpasakop dito. But let me tell you this, young people, or sinuman sa atin na nahihirpan sa pakikitungo sa kanilang unbelieving friends or co-worker or neighbor):
Tratuhin natin ang mga taong binabalewala ang Dios at ang Kanyang Word bilng prospect sa evangelism. Pwede mo silang tanggapin bilang friends dahil ang friendship ay isang magandang tool sa pag-reach out sa kanila for Jesus Christ. Make friends with them, pero wag kang magpatangay sa kanilang sinful ways. At wag kang matakot kung malaman nilang ikaw ay isang follower of Jesus. Wag kang matakot kung ma-realize nila na kinukumbinsi mo silang maniwala sa Dios at sa Kanyang Salita. Wag mong hayaan na isara nila ang bibig mo. Wag kang matakot na ibahagi sa kanila si Jesus dahil si Jesus ang tanging paraan para maagaw sila sa kamay ni Satan at sa pagka-alipin sa kasalanan. If you really love them as friends, tutulungan mo silng maunawaan ang pagibig ng Dios sa kanila at ang kagustuhan ng Dios na sila ay mapatawad at maligtas.
This leads us to our last point.
So,
[1] Gusto ng Dios na mapuno ka ng kaalaman sa Kanyang Salita–ang Scripture.
[2] Gusto ng Dios na mapuno ka ng kaalaman sa Kanyang gospel.
Pinuri ni Paul ang believers in Rome sa kanilang knowledge of the gospel. This time, parehong Jewish Christians and Gentile Christians ang pinuri ni Paul sa kaalman nila tungkol sa gospel. Alam nilang pareho ang gospel dahil ipinangaral ito sa kanila at tinanggap nila ang gospel at tumugon ng may pagsisisi at pananalig kay Jesus bilang Lord and Savior.
Kailan yung first time na narinig mo ang gospel? Paano ka tumugon sa gospel when you first heard it? Nagsisi ka ba sa iyong mga kasalanan? Tinalikuran mo ba ang kasalanan? Totoo bang tinanggap mo si Jesus bilang Lord and Savior? Nagpapasakop ka na ba sa Kanyang kalooban?
Listen, brothers and sisters, gusto ng Dioa na mapuno ka ng kaalaman tungkol sa gospel.
But what is the gospel? Well, kung narinig mo na ang gospel at tumugon ka na ng may pagsisisi at pananalig, then it mahirap sabihin na hindi mo alam ang gospel. So kung may magtatanong sa iyo, what is the gospel? Kung ikaw ay Christian, then kaya mong i-explain ito na malinaw. Pero, alang-alang sa mga confused pa o para sa kapakanan ng ating guests na maaaring hindi pa familiar sa gospel, let me share it with you–just enough para maunawaan natin kung ano ang gospel.
Ang gospel au good news tungkol sa kingdom of God. Ito ay good news dahil ito ay tungkol sa paghahari ng Dios in heaven and on earth. At ang reason kung bakit tinawag itong good news ay dahil may isang fake na kingdom sa lupa–ang kingdom of darkness na pinag-haharian ni Satan at ng kanyang demons–sila ay kaaway ng Dios na ang layunin ay dayain ang mga tao at mamatay ng walang hanggan. The Bible says na si Satan ay prince of this world at si Satan ay maraming followers, hindi sa facebook or kahit saang social media platforms, pero marami siyang human followers dahil ang batas niya ay napaka-simple, kalimutan mo ang Dios at patuloy ka lang na mamuhay sa kasalanan habang buhay. Nakakalungkot dahil maraming tao ang gusto ito. Pero may itinatago si Satan sa kanyang followers–na siya ay may plano na patayin sila at dalhin sila sa impyerno magpakailanman. Ang ilan sa followers ni Satan ay alam ito actually, pero sinusunod pa din nila si Satan. I'm sure may mararamdaman kang sense of compassion para sa mga taong ito.
Well, ang good news ay gusto ng Dios na maligtas ang sinners, pero sabi ng Bible na si Satan ay tuso at puno ng pandaraya. Ang iniisip lang ni Satan ay dayain ang mga tao at paniwalain sila na okay lang ang magkasala sa Dios. Gusto ni Satan na ang mga tao ay magkasala at tinutukso silang magkasala para ilayo nila ang sarili nila sa Dios dahil kung magpapatuloy sila sa pagkakasala at kawalan ng panampalataya ay walang magagawa ang Dios kungdi sila ay parusahan ng spiritual death in hell. Si Satan ay isang wise serpent, pero mas wiser ang Dios. Hindi alam ni Satan kung paano magmahal, pero ang Dios ay hindi lang alam ang meaning ng love, ang Dios ay pagibig. So, kahit totoo na kailangang parusahan ng Dios ang sinners ng spiritual death in hell, ang love ng Dios ang nagtutulak sa Kanya para patawarin ang sinners at pagkalooban sila ng buhay na walang hanggan. Sabi ni apostle John sain John 3:16, “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” That’s the gospel, Amen?
Pero marami pang dapat malaman tungkol sa gospel.
The Bible says na tayo ay parang mga tupa na nawawala (Isa 53:6). Matigas ang ulo natin tulad ng mga tupa at nagkakanya-kanya tayo ng direksyon palayo sa kalooban ng Dios. Sabi ni James sa kanyang letter (1:14), totoo, tayo ay tinutukso, pero in reality ay tinatangay tayo ng sarili nating evil desires. Sabi ni Paul sa Romans 7:15, Hindi ko maunawaan ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang ibig ko, bagkus ang bagay na kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa. Ito ang ating sinful human nature na naghahari sa ating buhay! Tayo ay tinutulak sa kasalanan. Ang laman natin ay napakalakas at dinadala tayo sa pagkakasala. At dahil alam ni Satan ang ating weakness, patuloy niya tayong dinadaya at sinasabing there is no harm in sinning. At pumapayag tayong magkasala dahil sa temporary pleasures na nakapaloob sa kasalanan kahit alam natin ang dulot nitong kapahamakan sa impyerno.
Pinapanood ko ang reels ng isang vlogger and I think he is a good evangelist. Nagpupunta siya kung saan nandun ang LGBTQ-plus community at nagsasalita siya with microphone. May mga tao dun na ang suot ay tulad ni Satan at ng kanyang demons. Ang ilan ay nagpapanggap na parang si Jesus pero may kasamang panlalait. Ang ilan ay pinagtatawanan siya at ang iba ay kinamumuhian siya. And here is what bothers me, mayroon doon na hindi takot na magsalita ng blasphemous words sa Dios. In one of his interviews, nagtanong siya sa kanila individually: saan sa palagay mo paroroon ang kaluluwa mo sa iyong pagpanaw? And many of them say, sa impyerno. Sinusubukan ng vlogger na ito na i-convince sila na maniwala sa gospel, pero marami sa kanila ang nagbabalewala at hind naniniwala. I tell you, ang mga taong ito ay victims ni Satan sa pambubulag sa kanilang isipan para hindi nila makita ang liwanag ng gospel (2Cor 4:4). At kung hindi sa love ng Dios, kung hindi sa Kanyang mercy and grace, wala pag-asa para sa kanila at walang pag-asa para sa ating lahat.
The Bible says we are all sinners (Rom 3:23). Hindi lang LGBTQplus community, kungdi tayong lahat ay sinners. And the Bible says, ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, pero ang kaloob ng Dios ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Kristo-Jesus(Rom 6:23). In Romans 5:8 it says, ‘ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa..” This is the gospel my friends. Ito ang good news ng kaharian ng Dios. Mahal ng Dios ang sinners at gusto Niya na sila ay tumanggap ng libreng kaloob na buhay na walang hanggan. Ibinibigay ito ng Dios ng libre, pero hindi ito cheap. Ito ay napakamahal dahil binayaran ito ni Jesus ng Kanyang dugo. Ang gift of eternal life ay napaka precious na kailangang pang mamatay ni Jesus para sa ating kapatawaran at mabuhay tayong kasama Niya sa kanyang kaharian magpakailanman. Ayaw ng Dios na mapahamak ang tao perish kasama ni Satan at ng kanyang mga kampon. Gusto ng Dios na tayo ay mapatawad at maligtas. Gusto ng Dios na mapasakanya tayo magpakailanman dahil Siya ay isang loving God–isang merciful and gracious God. Amen?
Ipinagkakaloob ng Dios ng libre ang buhay na walang hanggan sa lahat ng sinners. Pero para mapasaatin ang free gift na ito, sinabi ni Jesus ma kailangan nating mag repent at manalig sa gospel. Si Peter ay nag-preach ng gospel sa mga tao at sinabi (Acts 3:19), “magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang pawiin niya ang inyong mga kasalanan.” Sabi ni John sa kanyang letter, “Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siya’y matuwid.” Again, sabi ni Jesus sa John 5:24, “Sinasabi ko sa inyo: ang nakikinig sa aking salita at nananalig sa nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan. Hindi na siya hahatulan kundi inilipat na sa buhay mula sa kamatayan.” This is the good news of the kingdom of God. Amen?
Closing
[1] Gusto ng Dios na mapuno tayo ng kaalaman sa Kanyang Salita–ang Scripture.
Ipag-pray na ang Salita ng Dios ay maituro sa bawat tahanan especially ng Christian parents.
Ipag-pray na ang church ay manatiling faithful sa Kanyang Salita sa preaching and practice.
[2] Gusto ng Dios na mapuno tayo ng kaalaman sa gospel.
Make sure na iniluhod mo na sa Dios at ipinakiusap ang Kanyang mercy and grace para sa iyong kaligtasan.
Maging handa na i-share the good news sa ibang kailangang maligtas.
Note:
Ang pinakamadaling paraan sa pag-evangelize ng mga tao ay ang pag-invite sa kanila na dumalo sa ating worship dahil tuwing Sunday, ang gospel ay pini-preach sa pulpit.
Ang pinakamatapang na paraan sa pag-evangelize ng mga tao ay ang pagsasabi sa kanila ng tungkol kay Jesus na Siya ang Daan, ang Buhay, at ang Katotohanan.
EXPLORE BIBLE TOPICS AND SERMONS
Comments
Post a Comment