Paano "Mag-away" Bilang Mag-asawa?

by Ptr. Jovy Salamat
"Hatred stirs up strife, but love covers all offenses." 
Proverbs 10:12 ESV  

Hindi sina-suggest ng title na "mag-away" ang mag-asawa, rather, ipinapakita nito ang reality na hindi maiwasan ang argument sa mag-asawa. So, kung dumating ito, narito ang ilang tips:

1. Huwag magsakitan physically. 

Kahit itago namin sa aming mga anak ang "pag-aaway" ay lumalaki sila na nahahalata nila ito. Pero ang alam nilang “away” namin ay mere arguments. Hindi pa nila kami nakikita na nagsakitan physically at, sa biyaya ng Dios, ay hindi namin gagawin na saktan ang bawa’t isa physically.  

2. Don’t use foul words or expressions.

Kung hindi ka nananakit physically, posible na nasasaktan mo ang asawa mo emotionally sa pamamagitan ng foul words o expressions (pag-ignore, ngisi, singhal, etc.). Kung inosente ka sa bagay na ito, dumeretso ka na sa no. 3. Pero kung guilty ka, mag-repent ka. At sa susunod na kayo ay mag-uusap tungkol sa isang problema, mag-pray ka at humingi ng guidance sa Dios sa dapat mong sabihin at way of expressions. Sigurado, hindi ka tuturuan ng Dios ng mali.

3. Huwag i-tsismis ang iyong partner. 

Ang pagsabi sa iba ng mali ng iyong partner ay pareho ng tsismis. Sign ito ng traitorship. Madalas ay lumalala din ang problema kapag sinasabi ito sa iba dahil nadadagdagan ito ng pagkakampi-kampi. Kung idadahilan natin na kailangan natin ng counsel kaya nagsasabi tayo ng ating problema sa asawa, well, bakit hindi kayong dalawa ang magpa-counsel? 

4. Huwag magsigawan unless nasusunog ang bahay.

Natutunan ko ito kay Dr. Fred Saure ng PBTS. Joke ito, pero may sense, right? Hindi din naman tayo magmumukhang tama kahit sumigaw tayo o kahit manahimik tayo. Ang tama ay kusang lilitaw sa healthy argument. Kung di nyo mapigilan ang magsigawan, ang isisigaw nyo sa isa't isa ay, “I LOVE YOU!!!” Kahit ipagsigawan mo pa ito sa buhong mundo! 

5. Makipag-argue na parang isang abugado.

Ang argument ay hindi dapat lagyan ng negative connotation dahil ito ang kailangan sa isang matalino o healthy discussion. Hindi makakabuo ng verdict ang isang judge kung walang strong argument na maipapakita sa kanya ang mga abogado. So, ang goal mo bilang parang abugado ay i-present ang case mo sa iyong partner ng malinaw and “nothing but the truth.”

6. Makipag-argue with two ears and one mouth. 

Dalawa ang tainga natin para doble ang ating pakikinig kaysa pagsasalita. Tandaan, maiintindihan lang natin ang nagsasalita kung pakikinggan nating mabuti sa sinasabi niya. Ang marunong makinig ay madalas magtanong para lalu niyang maintindihan ang gustong sabihin ng nagsasalita. At kapag nasagot ang tanong, saka natin sinasabi, “ahh, yun pala ang ibig mong sabihin.” Kung ganito ang exchange ng conversation, malaki ang chance ng isang magandang conclusion. 

7. Makipag-tango dance. 

Sabi nila, “it takes two to tango.” Meaning, madalas, if not always, ay pareho kayong may mali. Kung ang feeling mo ay siya lang ang mali, i-exhaust ang lahat ng possibilities kung totoong wala kang mali. Malalaman mo ito kung walang masabi sa iyo ang partner mo na participation mo sa inyong pinagtatalunan. At, tuwing kailangan, magpa-counsel kayong dalawa para may isang neutral person na makakakita kung ano ang totoong problema at dapat na solution.

8. Ipagtapat kahit ang nakakatakot sabihin. 

Madalas ay kinikimkim natin ang mga nararamdaman natin dahil sa worry na baka magalit o pagmulan ng away ang sasabihin mo (e.g., selos). At kung di mo naman sasabihin eh ikaw naman ang lalabas na walang peace of mind habang ang sarap-sarap ng tulog ng asawa mo. Paano kung haka-haka lang ang nasa isip mo? Or kung totoo, mas lalung dapat kayong mag-usap at/o magpa-counsel.

9. Humingi ng tawad at magpatawad. 

Ito ay no-brainer para sa nagapapasakop sa Dios! Ito ang magpapatatag ng inyong relationship. At parang hindi matatapos ang pagkakamali at pagpapatawaran habang nasa flesh pa tayo. Kaya dapat ninyong ipag-pray ang bawa’t isa na ma-overcome ang lahat ng tukso at kasalanan para mabawasan, kung hindi mawawala, ang pagkakamali ng bawa’t isa. 

10. Huwag maging historical. 

Minsan napatawad na natin ang kasalanan, pero binabalikan pa natin ang nangyari. Pwera na lang kung hindi pa settled ang issue kaya mo babalikan or may lesson learned na gusto mong ipakita. Pero kung ang purpose lang ay para ipamukha sa kanya ang mali niya, posible na maging historical din ang partner mo sa mga nakaraan mo. 

Mas mabuting balikan ang happy moments at dagdagan ito ng magagandang kwento para balikan ninyo sa inyong pagtanda.  

Praying for the best sa inyong relationship bilang mag-asawa kung paanong kami ni Chi ay nagpe-pray din ng isang stronger relationship with God in our midst!

Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 1: The Good News of Salvation in Christ