What is foreknowledge in the Bible?

Taglish article of Michael Houdmann 

Ang foreknowledge ay ang pagka-alam ng mga bagay or events bago sila mag-exist o mangyari. In Greek, ang term para sa “foreknowledge” ay prognosis, na ine-express ang idea ng pag-alam ng reality bago ito maging totoo at yung events bago sila mangyari. In Christian theology, ang foreknowledge ay tumutukoy sa all-knowing, omniscient nature ng Dios kung saan alam Niya ang reality bago ito maging totoo, lahat ng mga bagay at events bago sila mangyari, at lahat ng mga tao bago sila mag-exist.

Ang both Old and New Testaments ay binabanggit ang foreknowledge ng Dios. Walang anuman sa future ang nakatago sa mga mata ng Dios (Isaiah 41:23; 42:9; 44:6–8; 46:10). God sees our lives, our bodies, and our days kahit bago pa ito mangyari: “Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y gawin sa lihim, at yariing mainam sa mga pinakamababang bahagi sa lupa.  (16)  Nakita ng iyong mga mata ang aking mga sangkap na di sakdal, at sa iyong aklat ay pawang nangasulat, kahit na ang mga araw na itinakda sa akin, nang wala pang anoman sa kanila.” (Psalm 139:15–16).

Nag-promise ang Dios na i-bless ang mga tao sa future through Abraham (Genesis 12:3). Sinabi ng Dios kay Moses kung ano ang mangyayari kay Pharaoh (Exodus 3:19). Through God’s foreknowledge, ang prophets ay nagsalita ng pagdating ng isang Messiah (Isaiah 9:1–7; Jeremiah 23:5–6). Through Daniel, ay ipinahayag ng Dios ang future rise at ang pagbagsak ng kingdoms (Daniel 2:31–45; 7). At sa maraming New Testament passages, ang Old Testament prophecies ay na-fulfill sa ministry ni Jesus Christ at sa formation ng church (Matthew 1:22; 4:14; 8:17; John 12:38–41; Acts 2:17–21; 3:22–25; Galatians 3:8; Hebrews 5:6; 1 Peter 1:10–12).

Si apostle Peter ay itinuro na ang Dios ay may foreknowledge ng sacrificial death ng Kanyang Son bago pa mamatay si Jesus (1 Peter 1:20; see also Revelation 13:8). Ang death ni Jesus sa cross ay part ng eternal plan of salvation ng Dios before the creation of the world. Sa day of Pentecost, kinondemn ni Peter ang mga nagpapatay kay Christ habang at the same time ay ipinakita ang sovereignty ng Dios: binigyan sila ng freedom kung ano ang gusto nilang gawin kay Christ dahil sa “deliberate plan and foreknowledge ng Dios” (Acts 2:23). Although yung evil rulers ay nag-conspire na patayin ang Panginoong Jesus, ang Kanyang death ay decision na ng Dios noon pa man (Acts 4:28).

Ang Bible ay nagtuturo na ang children of God ay pinili na beforehand, at ang foreknowledge ng Dios ay involved. Ang elect ay “sila na pinili ayon sa foreknowledge ng Dios-Ama” (1 Peter 1:2). “Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.” (Romans 8:29).

Pero ang choice ng Dios sa elect ay hindi lang simpleng naka-base sa Kanyang foreknowledge ng events; ito ay naka-base sa Kanyang good pleasure: “Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig:  (5)  Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban (according to the purpose of his will),” (Ephesians 1:4–5). Sa Romans 11:2, ang divine foreknowledge ay sina-suggest ang isang eternal connection sa pagitan ng Dios at ng Kanyang chosen or “foreknown” people dahil sa Kanyang loving faithfulness: “Hindi ni-reject ng Dios ang Kanyang people whom he foreknew” (ESV).

Ang foreknowledge ng Dios ay higit pa sa Kanyang ability na “makita ang future”; ang Kanyang foreknowledge ay isang true “knowing” (totoong pagka-alam) ng anumang darating, base sa Kanyang free choice. Isinabatas Niya (decree) kung ano ang magaganap. In other words, ang foreknowledge ay hindi lang intellectual; ito ay personal and relational.


Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 1: The Good News of Salvation in Christ