Is pleading the blood of Jesus biblical?
Taglish article of Michael Houdmann
Ang “paghiling (ng pagtaklob) ng dugo ni Jesus” sa prayer ay isang teaching na common sa Pentecostal and Charismatic circles. Sa "paghiling ng dugo ni Jesus in prayer," tinutukoy nila ang practice ng pag-claim ng power ni Christ sa anumang problem (e.g., family, job, thoughts, illness).
Ang “paghiling ng pagtaklob ng dugo ni Jesus” ay walang clear basis sa Scripture. Walang makikita sa Bible na may “humiling ng dugo” ni Christ. Sila na “humihiling ng dugo” ay madalas ginagawa ito na parang may something magical sa mga salitang ito as if ang kanilang prayer ay somehow more powerful. Itong teaching na ito ay nagsimula sa isang misguided view ng prayer na in a way ay parang minamanipule ang Dios para makuha ang gusto nila rather than praying for His will to be done. Ang whole Word of Faith movement, na nagtuturo ng paghiling ng dugo, ay nagsimula sa false teaching na ang faith ay isang force...Yung mga nagtuturo ng value ng paghiling ng dugo ni Jesus ay usually pino-point yung Passover bilang support sa kanilang practice. (It is quite common para sa Pentecostalism na ibase ang kanyang doctrines sa Old Testament examples.) Kung paanong ang dugo ng Paschal lamb ay iningatan ang Israelites mula sa angel of death at nagdulot ito ng kanilang deliverance mula sa slavery, ganun din ang blood ni Jesus na kayang ingatan at iligtas ang Christians ngayon, if they apply, or “hilingin" ito.
Yung mga humiling ng dugo ni Jesus ay madalas ginagawa ito sa context ng pag-seek ng victory laban sa demons. Ang paghiling ng blood ni Jesus ay isang way ng pag-take ng authority of Christ laban sa spirit world at ina-announce ang forces of darkness na sila ay powerless. Ang ilan ay bina-base ang aspect na ito ng paghiling ng blood sa Revelation 12:11, “Sila ay nagtagumpay laban kay [Satan] sa pamamagitan ng dugo ng Lamb at sa mga salita ng kanilang testimony.”
Again, walang example sa Bible ng sinuman na “humiling ng blood,” so in that sense hindi ito isang biblical na expression. Ang phrase na dugo ni Christ sa New Testament ay madalas gamitin bilang isang metonymy na ang meaning ay “ang kamatayan ni Christ.” Ang blood/death of Christ ay nagpapatawad ng kasalanan, at nagre-reconcile sa atin at sa Dios, ginagarantiya ang ating inheritance sa langit, etc. Dapat bang maging aware ang Christian sa lahat ng na-accomplish sa atin ng blood/death of Christ? Absolutely. Dapat ba na ang isang believer ay maging thankful sa blood/death of Christ? Of course, at sa pag-express ng pasasalamat ay mabuti... Yun bang words na “hinihiling ko ang dugo ni Jesus” ay nagbibigay sa ating prayers ng isang extra kick? No, yun ay may pagka-superstitious than biblical prayer. Ang paghiling ng dugo Christ ay hindi kailangan para talunin si Satan. Siya ay defeated na, and, kung tayo ay born again, si Satan ay wala ng power sa atin maliban na ia-allow ng Dios (ang trials) para sa Kanyang purpose and glory. Tayo ay “delivered” na (past tense) mula sa power of darkness at “nailipat na” (past tense) sa kingdom of God’s Son (Colossians 1:13).
Sa halip na “humiling ng dugo” ni Christ para sa protection or power, ang Christians ay dapat sumunod sa command doon sa James 4:7, “Magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayuan niya kayo.” Ang Bible ay nagbibigay sa atin ng numerous instructions sa isang victorious na pamumuhay kay Christ, at ang paghiling ng dugo ni Jesus ay hindi kasama doon. Tayo ay cleansed na ng dugo ni Christ, at ngayon Siya ang ating High Priest and mediator na “buhay para mag-intercede” para sa atin (Hebrews 7:25). At bilang Kanyang sheep tayo ay already under His protection; ang kailangan lang natin ay mamuhay day by day sa pagtitiwala sa Kanya sa kung ano ang ipinangako Niya at nai-provide na.
Note: Ang dugo ni Jesus ay nabuhos na ng minsan para sa lahat (once for all, Heb. 9:12, 26) para sa ikapapatawad ng ating mga kasalanan. Yung sin na nagagawa natin ngayon, kung hihingi ng tawad sa Kanya, ay huhugasan (1Jn. 1:9) ng Kanyang dugo na ibinuhos ng minsanan sa krus. Ito ang truth na dapat maalala natin tuwing naiisip ang tungkol sa blood of Jesus!
Comments
Post a Comment