7 Tips for Understanding Revelation
Taglish article from Zondervan Academic Blog
Ang Book ng Revelation ay mahirap maunawaan. Sa mga nakalipas na centuries, ang church ay nag-present ng hindi mabilang na interpretations at theories tungkol sa meaning at significance ng mahiwagang aklat na ito.
Kahit ang modern scholars ay may iba’t ibang approach sa Revelation.
Makita mo man ito na nakakatakot o nakakaakit, kailangan natin ng ilang gabay para maiwasan natin na maligaw sa prophecies, metaphors, at apocalyptic imagery (pagsasalarawan sa mga huling araw) ng Revelation. Ito ang ilang tips sa pagaaral ng Revelation mula kay Scott Duvall, na, kasama ni J. Daniel Hays, ay nagtuturo ng Biblical Interpretation online course.
5 approaches sa pag-interpret ng Revelation
Tulad ng lahat ng books ng Bible, ang Revelation ay isinulat sa isang particular na panahon at lugar sa isang particular na mga tao. Pero ito ay marami ding symbolism at prophecy, na nagdulot sa isang variety of methods ng interpretation. Traditionally, ang interpreters ay tinalakay ang Revelation sa apat na primary ways. I-explore natin ang lahat ng apat na ito, at saka i-introduce ang ika-lima.
Preterist. Ang preterist approach ay ine-emphasize ang historical context ng Revelation at sinusubukan na unawain ito kung paanong ang audience ni John ay nauunawaan ito.
Historicist. Marami sa events ng Revelation ay parang nangyari na noong first century. Ang historicist approach ay tinatrato ang Revelation bilang isang mapa o outline ng kung ano ang nangyari o mangyayari throughout church history muila noong first century hanggang sa return ni Christ.
Futurist. Ang futurist approach ay kino-consider ang karamihan ng book na related sa future events immediately bago dumating ang end of history.
Idealist. Ang idealist approach ay hindi ini-interpret ang Revelation sa anumang particular reference sa oras, kungdi inuugnay ito sa ongoing struggle sa pagitan ng good and evil.
Eclectic. Ang eclectic approach sa pagbabasa ng Revelation ay sinusubukan na i-combine ang strengths ng ilan sa mga approaches:
- Ang Revelation ay parang ina-address ang first-century Christians directly, so kailangan nating basahin ang Revelation katulad ng pagbabasa natin ng ibang book ng Bible—sa pamamagitan ng pag-take ng historical context nito seriously.
- Ang Revelation ay pine-present din ang timeless truths para maka-survive sa struggle between good and evil. Ang visions ng Revelation ay hinahamon tayo na i-forsake ang ating complacency at manatiling faithful sa panahon ng persecution.
- Ang Revelation ay malinaw na may sinasabi tungkol sa events na mangyayari sa hinaharap. Ang ilan sa mga events na ito ay dine-describe ang hinihintay na future fulfillment (tulad ng return of Christ, ang great white throne judgment, at ang pagdating ng holy city).
Principles sa pagbabasa ng prophetic-apocalyptic letter na ito
Bilang dagdag sa general approaches (sa itaas sa pag-approach sa) Revelation, may specific principles na makakatulong sa atin para faithfully ay mabasa natin ang prophetic-apocalyptic letter (ng Revelation). Ito ang seven suggestions:
1. Bashin ang Revelation with humility.
Dapat nating i-resist ang approach na “Revelation-made-easy” (minadaling Revelation). Hindi madali ang Revelation! Kung ikaw ay hindi handang mabuhay na may anumang hindi alam, baka mabasa mo ang mga bagay sa Revelation na wala naman doon. Mag-ingat sa interpreters na parang may sagot sa lahat sa kahit maliit na tanong. Ang mga “experts” na kine-claim ang absolute knowledge tungkol sa bawat detail ng Revelation ay dapat agad pagdudahan.
Basahin ang Revelation na may bukas na pag-iisip: maging handa na aminin na ang iyong interpretation ay maaaring mali at maging handa na baguhin ang iyong view kung ang biblical evidence ay nakatuon sa ibang direction.
2. Subukang i-discover ang message (ng Revelation) sa original readers.
Ang pag-discover ng message sa original audience ang top priority sa anumang book ng Bible, mas lalu na sa Revelation. Ang first Christians ay blessed sa pagsunod sa (sinasabi sa) Revelation (1:3) at ang book ay dine-describe ag isang unsealed (o bukas) na aklat, kahit sa mga tao na nabubuhay sa panahon ni John (22:10). Pagdating sa pagbabasa ng Revelation, ang tendency ay iwasan ang unang Christians at lumundag directly sa message ng Dios para sa atin.
May ilang tao na ginagamit ang newspapers ngayon bilang susi sa pag-interpret ng Revelation. Pero, tulad ng sinabi ni Craig Keener sa kanyang commentary, ang ganitong approach ay hindi tugma sa isang mataas na pananaw sa Scripture. Ang “newspaper” approach ay ina-assume na tayo ay nabubuhay sa last Christian generation. Ibig sabihin din nito na sa Revelation ang Dios ay hindi talaga nagsasalita sa unang Christians. Hindi ba ito parang kayabangan sa ating part bilang contemporary interpreters? Paano kung si Christ ay hindi pa dumating until AD 4000? Ang Revelation ba ay may mensahe para sa atin since hindi tayo ang nasa last generation?
Kung ang ating interpretation ay mawawalan ng sense para sa original readers, malamang ay ma-miss natin ang meaning ng passage. Si Gordon Fee at Douglas Stuart ay pinapaalalahanan tayo kung gaano ka-importante ang ma-discover ang message (ng Revelation) sa original audience: “Tulad ng sa Epistles, ang primary meaning ng Revelation ay kung ano ang intended meaning ni John, at dahil dito ay ito din dapat ang nauunawaan ng (unang tumanggap at nakabasa ng aklat).”
Dapat nating maunawaan kung ano ang kahulugan ng Revelation sa panahon ni John para maunawaan natin ang kahulugan nito (sa atin) ngayon.
3. Huwag subukan na i-discover ang isang strict chronological map ng future events.
Ang Revelation ay hindi dumadaloy (progress) sa isang malinis at deretsong paraan (neat linear fashion). Ang book ay puno ng prophetic, apocalyptic (last days) visions na dinisenyo para magkaroon ng isang dramatic impact sa reader, hindi para i-present ang isang eksakto at magkakasunod na sequence ng future events. For example, makikita na ang ika-anim na seal (6:12–17) ay dinadala tayo sa end of the age.
At sinira ng Kordero ang pang-anim na tatak. Lumindol nang malakas, ang araw ay naging itim tulad ng damit na panluksa, naging kasimpula ng dugo ang buwan. (13) Nalaglag mula sa langit ang mga bituin, parang mga bubot na bunga ng igos kung binabayo ng malakas na hangin. (14) Nawala ang langit na gaya ng kasulatang biglang nalulon, at naalis sa kinalalagyan ang mga bundok at mga pulo. (15) Nagtago sa mga yungib at sa pagitan ng mga bato sa bundok ang mga hari sa lupa, ang mga maharlika, ang mga pinuno ng hukbo, ang mayayaman, ang makapangyarihan, lahat ng tao, malaya man o alipin. (16) At sinabi nila sa mga bundok at mga bato, “Tabunan ninyo kami para hindi namin makita ang mukha ng nakaluklok sa trono, at di madama ang poot ng Kordero! (17) Sapagkat dumating na ang dakilang araw ng pagbubuhos ng kanilang poot, at sino ang makatatagal?” (TPV)
Pero nung ang ika-pitong seal ay binuksan, may isang buong bagong set ng judgments—ang trumpets—at ang ika-pitong trumpet (11:15–19) ay dinadala din tayo sa end of the age:
Nang hipan ng ikapitong anghel ang kanyang trompeta, may malalakas na tinig buhat sa langit na nagwika, “Ang paghahari sa sanlibutan ay inilipat na sa ating Panginoon at sa kanyang Mesias. Maghahari siya magpakailanman!” (16) At ang dalawampu’t apat na matatandang nakaupo sa kani-kanilang luklukan sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa kanya. (17) Ang sabi nila:
Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Diyos sa kasalukuyan, at sa nakaraan, Nagpapasalamat kami na ginamit mo ang iyong walang hanggang kapangyarihan At nagpasimula ka nang maghari! (18) Nagngingitngit ang mga di kumikilala sa Diyos. Ngunit dumating na ang panahon ng iyong poot,
Ang paghatol sa mga patay, At pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo, At sa iyong mga hinirang, Sa lahat ng may takot sa iyo, dakila ma’t hamak. Panahon na upang lipulin mo ang mga nagpahirap sa sanlibutan.” (19) Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan. Pagkatapos ay gumuhit ang kidlat. Dumagundong ang kulog. Narinig ang malalakas na ingay, lumindol, at umulan ng yelo. (TPV)
Ang Revelation 19–22 ay pini-pinta ang pinaka-colorful at detailed picture ng katapusan, pero, as you can see, hindi ito ang first time kung saan ang readers ay dinala sa pinaka katapusan.
Kahit ang ilan sa mga smaller details ay ipinapakita ang challenges sa pag-create ng isang magkakasunod na hanay (chronological order).
Sa Revelation 6:12–16 ay sinasabihan tayo na “ang mga bituin sa langit ay nalaglag sa lupa. . . . Ang kalangitan ay nawala gaya ng kasulatang biglang nalulon, at naalis sa kinalalagyan ang mga bundok at mga pulo.” Pero sa 7:3 ang apat na angels ay sinabihan na huwag “Huwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punongkahoy. Hintayin ninyong matatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.” Hindi magkakaroon ng sense kung susubukan natin na i-force dito ang isang strict chronological sequence. Sa halip na hanapin ang isang chronological map ng future events sa Revelation, subukang i-discover ang main message sa bawat vision.
4. I-take ang Revelation seriously, pero huwag palaging i-take ito literally.
May ilang tao na nagsasabi na dapat nating i-interpret ang Scripture symbolically dahil itinatanggi nila ang reality ng isang scriptural truth o ang isang historical event. Kapag sinabi nila na ang isang bagay ay figurative o symbolic, sinasabi nila na hindi ito totoo.
Pero ang picture language (pagsasalarawan ng salita), kasama ng symbols nito, images, at figures, ay kayang iparating ang literal truth at i-describe ang literal na pangyayari. Isa lang itong language vehicle (paraan ng pagsasalita), ibang paraan ng pag-communicate ng reality. Sa ating way of thinking, ang Revelation ay gumamit ng picture language para i-emphasize ang historical reality sa halip na itanggi o alisin ito.
Ang ating method ng interpretation ay dapat palaging tugma sa literary genre (uri ng sulat) na ginamit ng author. Para sa Revelation, ang ibig sabihin nito ay iwasan natin ang literal na pag-take ng picture language. Kapag sinubukan natin na pilitin ang literal interpretations sa picture language, nanganganib tayo sa pagbaliktad ng intended meaning ng author.
For example, ano ang mangyayari kapag sinubukan natin i-take literally ang reference sa Revelation 17:9 doon sa babae na nakaupo sa pitong bundok? Kapag ipinilit ang ganitong image sa isang literal mold ang resulta nito ay either isang napakalaking babae o isang pitong napakaliit na mga bundok. Pero kung sasabihin natin na ang babae sa 17:9 ay hindi isang literal na babae, hindi nito itinatanggi ang reality ng Scripture. Ang first-century Christians ay natural na nauunawaan ang babae na nagre-represent sa Rome, isang city na nakatayo sa pitong bundok. Ang text ay maaaring nakatingin hindi lang sa Rome kungdi sa powerful pagan empires na lumalaban sa Dios. tine-take natin ang picture language seriously, pero hindi literally.
Ang Revelation 1:1 ay nagsasabi na God “signified” (KJV) the book to John. Ang salitang na-translate na “signify” (NIV, “made it known”) ay iminumungkahi na ang Dios ay ibinigay ang book kay John sa pamamagitan ng signs or symbols. Ayon kay G.K. Beale, ang background ng ganitong term ay sa Daniel 2, kung saan God “signifies” to the king kung ano ang mangyayari sa mga huling araw sa pagpapakita niya ng isang pictorial revelation (Daniel 2:45). Sa karamihang part ng Bible, ang general rule ay i-interpret ito literally maliban na ang context ay malinaw na nananawagan para sa isang symbolic reading. Ang salitang “signify” sa Revelation 1:1 ay iminumungkahi na ang general rule ay baliktad: i-interpret symbolically maliban na ang context ay nananawagan para sa isang literal reading.
5. Pay attention when John identifies an image.
Si John ay occasionally dine-define ang images para sa kanyang readers o nagbibigay ng clues para ma-identify sila. Ito ang ilang examples:
- Sa Revelation 1:17 ang “tulad ng isang son of man” (1:13) ay si Christ
- Sa 1:20 ang golden lampstands ay ang mga iglesya
- Sa 5:5–6 ang Lion ay ang Lamb
- Sa 12:9 ang dragon ay si Satan
- Sa 21:9–10 ang heavenly Jerusalem ay ang wife ng Lamb o ang church.
Kapag ang images na natukoy na ni John ay naulit sa aklat, maaari nating i-assume na tumutukoy ito sa parehong bagay (same things as they did before).
Still, kailangan nating maging careful na huwag malito sa mga direktang pag-identify ni John sa isang image (those mentioned above) sa daloy ng paggamit niya ng images. Hindi nag-aalangan si John na gamitin ang parehong image para tukuyin ang ibat-ibang mga bagay. For example, ang seven stars ay tumutukoy sa mga angels ng seven churches sa apat na passages (1:16, 20; 2:1; 3:1). Pero si John ay gumamit din ng image ng isang star para tukuyin ang ibang mga bagay:
- God’s agents of judgment (8:10–12)
- Jesus (22:16)
Ganun din, ang image ng isang babae ay pwedeng mag-represent ng ibang mga bagay sa ibat-ibang passages:
- Ang false prophetess (2:20)
- Ang messianic community (ch. 12)
- Ang harlot city o empire (ch. 17)
- Ang bride of Christ (19:7; 21:9)
Kahit na malaya si John na gamitin ang images para tukuyin ang ibang mga bagay, dapat pa rin tayong mag-pay attention kapag tinukoy niya ang isang image.
6. Tignan ang Old Testament at historical context.
Ang Revelation ay gumamit ng language sa ilang magkakaibang levels:
- Text level: mga salitang isinulat sa pahina (page)
- Vision level: ang larawan (picture) na ipinipinta ng mga salita
- Referent level: kung ano ang tinutukoy ng vision sa totoong buhay
Isa sa mga mahirap na parts ng pagbabasa ng Revelation ay ang malaman kung ano ang images at symbols na tinutukoy. Kahit na nauunawaan natin kung ano ang nangyayari sa text at vision levels, maaaring hindi natin malaman kung ano ang nangyayari sa referent level. Madalas ay alam natin kung ano ang sinasabi ng Revelation, pero madalas ay hindi tayo sigurado kung ano ang tinutukoy nito.
Ang dalawang lugar para makakuha tayo ng sagot answers ay ang first-century historical context at ang Old Testament.
Historical context of Revelation
Ayon sa Zondervan Handbook ng Bible, “Ang first Christians ay nabubuhay sa isang eager expectation ng pagbabalik ni Christ. Pero sixty years pagkatapos ng kanyang death ay hindi pa din ito nangyayari, ang persecution ay tumataas, at ang ilan ay nagsisimula ng magduda. So ang letters ng Revelation sa mga churches, at ang book as a whole, ay kailangan para i-encourage sila na mag-stand firm.
- Ang Dios ay in control, anuman ang itsura ng mga pangyayari.
- Si Christ, hindi ang emperor, ang Lord ng history.
- Siya ang may susi ng mismong destiny.
- At siya ay babalik muli para i-execute ang justice.
May isang glorious, wonderful future para sa bawat faithful believer—at lalu na sa mga nagbuwis ng kanilang buhay para kay Christ.”
May evidence sa loob ng text kung saan ang early church ay nakakaranas ng persecution:
- Si John mismo ay kine-claim na nagsa-suffer kasabay ng kanyang audience (1:9)
- Ang church sa Ephesus ay pinagtagumpayan ang hardship (2:3)
- Ina-acknowledge ni Jesus ang suffering ng church sa Smyrna (2:9–10)
Alam din natin mula sa ibang writers ng panahong iyon na ang first-century Roman emperors ay madalas may mga titulo na pareho ng ibinigay ng mga Christians kay Jesus. Gusto ni Emperor Domitian na ang kanyang mga subjects ay tawagin siya bilang dominus et deus noster (“our lord and god”) at ang earliest, most basic Christian confession ay “si Jesus ang Lord.” kapag ang Christians ay itinanggi na i-confess na si “Caesar ang Lord” sa worship ng emperor, sila ay considered disloyal sa bansa ay subject sa persecution. Sa panahong ito ng history ang pressure na yumukod sa emperor ay nagiging mas pangmalawakan at systematic, at hindi lahat ng Christians ay tumutugon ng may pagsuway (defiance).
Ang Revelation ay ipinapakita sa atin na ang Christians ay kinakaharap ang persecution sa ibat-ibang paraan noong ang letter ay isinulat:
- Ang Ephesus ay iniwan ang kanyang first love (2:4).
- Ilan sa Pergamum at Thyatira ang sumunod sa false teachers (2:14–15, 20).
- Ang Sardis ay may reputation ng pagiging buhay, pero ito ay patay (3:1).
- Ang Panginoon ay isusuka na ang Lukewarm Laodicea mula sa kanyang bibig (3:16).
Lahat ng ito ay nagbibigay sa atin ng kaisipan kung paano basahin ang Revelation.
Old Testament references
Although walang explicit na Old Testament quotation sa Revelation, ang book (of Revelation) ay puno ng echoes (balik-salita) at allusions (hugot) sa Old Testament. Ang Revelation ay naglalaman ng mas maraming Old Testament references kaysa ibang New Testament book—halos 70 percent s mga verses nito ang nagallaman ng Old Testament references. Ang aklat ng Psalms, Isaiah, Daniel, and Ezekiel ay nagbibigay ng pinaka importanteng contributions sa Revelation.
Sa Revelation 1, si John ay kumuha ng mga sumusunod na symbols mula sa book of Daniel para i-describe ang kanyang vision tungkol kay Jesus:
- White like wool (Daniel 7:9)
- One like a son of man, coming with the clouds (Daniel 7:13)
- Belt of the fine gold (Daniel 10:5)
- Eyes like flaming torches (Daniel 10:6)
- Arms and legs like the gleam of burnished bronze (Daniel 10:6)
- Like the sound of a multitude (Daniel 10:6)
Here’s John’s vision of Jesus (at i-compare sa description ng book of Daniel 7-10):
Revelation 1:7; 12-15 TAB Narito, siya'y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa't mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa… At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: (13) At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao (son of man), na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto (belt of fine gold). (14) At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa (white like wool), gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy (eyes like flaming torches); (15) At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal (arms and legs like the gleam of burnished bronze); at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig (like the sound of a multitude).
Sa passage na ito, makakatulong ang pag-unawa ng Daniel sa pag-unawa ng Revelation. Si John ay madalas gumamit ng Old Testament language para i-describe ang kanyang nakita at narinig. Habang nahihirapan tayo na tukuyin kung ano ang tungkol sa vision, dapat tayong pumunta sa historical context at sa Old Testament.
7. Mag-focus sa main idea at huwag maligaw sa mga details.
Karamihan sa literary genres ng Bible, nagsisimula tayo sa details at pumupunta sa pag-unawa ng text. Sa Revelation, however, dapat tayong magsimula sa big picture at saka pumunta sa pag-unawa ng details. Habang sinusubukan nating tukuyin ang theological principles sa Revelation, dapat tayong mag-focus sa main ideas.
Basahin ng section ng Revelation at subukang i-capture ang main idea sa isang maiksing statement. For example, ang main idea ng Revelation 4–5 ay may relasyon sa umakyat (ascended) at niluwalhating (exalted) Lord, na tanging karapat-dapat na mag-execute ng divine judgments. Ang details ng anumang particular section ay itinataas ang impact sa reader pero hindi binabago ang main idea na iyon. Tanggihan ang temptation na mag-focus ng sobra sa details na nalagpasan mo ang main idea. Huwag hayaan na ang main point ng bawat section o vision ay maglaho. Tulad ng nasabi na, sa pagbabasa ng Revelation, ang main thing ay dapat gawing main thing ang main thing!
Kung ang central interpretive rule ay kunin ang main idea ng bawat vision, magiging importante na magkaroon tayo ng isang general understanding kung paano ang aklat ay book ipinakita (unfolds). Nakikita natin ang book na ipinapakita ang pitong malawak na pagdaloy (broad movements), siningitan (bracketed) ng isang introduction at isang conclusion.
Basahin ang Revelation sa mga ganitong pag-iisip.
Ang pitong principles na ito ay magbibigay sa iyo ng isang lifeline habang pinag-aaralan mo ang ganitong tanyag at challenging na text (ang Revelation). Hindi ang pitong principles na ito ang magbibigay sa iyo ng hard work sa interpretation, pero tutulungan ka nito na mag-focus habang mapagpakumbaba mong ine-explore ang revelatino kay John.
Comments
Post a Comment