Justin Martyr: Tagapagtanggol ng "Totong Philosophy"

"Na-inlove ako sa mga prophets at sa mga lalaking nagmahal kay Christ; nag-refelct ako sa kanilang mga salita at natagpuan ang tanging philosophy na totoo at kapaki-pakinabang." Justin Martyr
Noong si Justin ay inaresto sa Rome dahil sa kanyang pananampalataya, ang pinuno ay hinimok siya na itakwil ang kanyang faith sa pamamagitan ng pagsa-sacrifice sa mga dios-diosan. Tumugon si Justin, "Walang sinuman ang nasa katinuan na tatalikod sa totoong pananampalataya at pupunta sa mali."

Timeline

30 - Crucifixion of Jesus; Pentecost

65 - Peter and Paul executed

70 - Destruction of Jerusalem by Titus

100 - Justin Martyr born

165 - Justin Martyr dies

180 - Irenaeus writes Against Heresies

Isang madaling sagot ito para kay Justin dahil inilaan niya ang kanyang adult life sa pag-discern ng totoo laban sa mali.

Nag-aapoy na Damdamin

Si Justin ay ipinangak sa Roman city ng Flavia Neapolis (ancient Shechem sa Samaria). Lumaki siya sa isang pagan parents, sinikap niyang hanapin ang meaning ng buhay sa philosophies ng kanyang panahon. Ito ay nagdulot ng isang sunod-sunod na disappointments.

Ang kanyang first teacher ay isang Stoic (member ng school of philosophy) na "walang alam sa Dios at hindi man lang nag-isip ng kaalaman tungkol sa Kanya bilang isang kailangang Nilalang (necessary Being)." Sinundan ito ng isang Peripatetic (itinerant philosopher), na parang interesado lang sa kanyang tuition fee. Sumunod naman ang isang Pythagorean, pero yung kanyang required course ng music, astronomy, at geometry ay parang sobrang bagal. Finally, ay ang Platonism, bagama't intellectually demanding ay napatunayang hindi sapat para sa uhaw na puso ni Justin.

At last, noong A.D. 130, pagkatapos ng isang conversation sa isang matanda, ang kanyang buhay ay na-transform: "Isang apoy ang biglang nagpasiklab ng aking kaluluwa. Na-inlove ako sa mga prophets at sa mga lalaking nagmahal kay Christ; nag-refelct ako sa kanilang mga salita at natagpuan ang tanging philosophy na totoo at kapaki-pakinabang. Ganito ako naging isang philosopher. At wish ko lang na lahat ay maramdaman ng pareho ang naramdaman ko."

Nagpatuloy si Justin sa pagiging philosopher, at sinusubukang i-reconcile ang faith and reason. Dinala siya ng kanyang teaching ministry una sa Ephesus (c. 132), kung saan nagkaroon siya ng pakikipagtalo kay Trypho, isang Jew, tungkol sa totoong interpretation ng Scripture. Ang pakikipag-dialogue kay Trypho ay nagturo sa kanyang tatlong main points: ang Old Covenant ay lumilipas na (passing away) para bigyang lugar ang New; ang Logos ay ang Dios ng Old Testament; at ang Gentiles ang bagong Israel.

Noong malaon si Justin ay lumipat sa Rome, at nagsimula ng isang Christian school, at nagsulat ng dalawang bold apologies (i.e., mga depensa—mula sa Greek apologia). Ang Unang Apology ni Justin, addressed kay Emperor Antoninus Pius, ay na-published noong 155 at sinubukan na i-explain ang faith. Ang Christianity ay hindi threat sa state, giit niya, at dapat i-treat bilang isang legal religion. Sumulat siya "para sa mga lalaki ng bawat bansa na kinamumuhian at naaabuso ng walang hustisya."

Ipinaliwanag ni Justin na ang Christians, in fact, ay "best helpers (ng emperor) at allies sa pag-secure ng good order, at kumbinsido kami na walang masamang tao... ang makakapagtago sa Dios, at ang bawa't isa ay paroroon sa walang hanggang parusa o sa kaligtasan ayon sa pag-uugali na kanyang ginawa." Ipinakita pa niya na ang Christianity ay superior kaysa paganism (relihiyon ng mga pagano), at si Christ ang fulfillment ng prophecy, at ang paganism ay actually isang mababaw na imitasyon ng totoong religion.

Isang larawan ng pagsamba

Ganunpaman, ang apology na itoa ay naka-gain ng most attention para sa modern readers dahil dito ay ni-record ni Justin ang detailed descriptions ng early Christian worship (para ipakita sa unbelievers na ang Christianity ay hindi isang threat). The most famous passage is this:

Sa araw ng Sunday ay may isang gathering sa parehong lugar ng lahat ng nakatira sa isang city o rural district. Ang account ng apostles o writings ng prophets ay binasa, hanggat ito ay pinapahintulutan. At nung matapos ang nagbabasa, ang president sa isang pag-uusap ay hiniling at hinimok ang paggaya ng ganitong mabuting gawain. Pagkatapos ay tatayo ang lahat at magbibigay ng mga panalangin sa itaas.

Pagkatapos ng prayer, ipe-present ang bread and wine at tubig. Ang president sa ganun ding paraan ay magbibigay ng prayers and thanksgivings, ayon sa kanyang abilidad, at ang mga tao ay aawit bilang pagsangayon, na nagsasabi 'Amen.' Isang distribution at participation ng elements para ang mga pasasalamat na ibinigay ay ang gagawin para sa bawa't tao, at sila na hindi present ay padadalhan ng deacons.

Sila na may kaya at willing, bawat isa ayon sa kanilang choice, ay magbibigay ng kusa, at anumang na-collect ay ide-deposited sa president. Siya ay magpo-provide para sa mga orphans and widows, sila na nangangailangan bunga ng karamdaman o anumang dahilan, sila na mga nakagapos, mga strangers na naglalakbay, at sa isang salita siya ay magiging protector ng lahat ng nangangailangan.

Hindi nagtagal ay naisula ang Second Apology ni Justin pagkatapos na si Marcus Aurelius ay maging emperor noong 161. Sa mga writings na ito, sinubukan ni Justin na ipakita na ang Christian faith lang ang totoong rational. Itinuro niya na ang Logos (Word) ay nagkatawang-tao para turuan ang sangkatauhan ng katotohanan at para iligtas ang tao mula sa kapangyarihan ng demons.

Apat na taon ang lumipas, si Justin at ang kanyang mga disciples ay inaresto dahil sa kanilang faith. Noong ang pinuno ay tinakot sila ng kamatayan, sinabi ni Justin, "Kung kami ay parurusahan alang-alang sa aming Panginoong Jesu-Kristo, ang pag-asa namin ay kaligtasan." Sila ay kinuha at pinugutan ng ulo. Yamang ibinigay niya ang buhay niya para sa "totoong philosophy," si Justin ay tinawag sa surname na Martyr.




Reference:

Justin Martyr, Defender of "true philosophy", https://www.christianitytoday.com/history/people/evangelistsandapologists/justin-martyr.html

Picture from Crossroads Initiative




Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 1: The Good News of Salvation in Christ