Pinapawi ng Pagibig ang Anumang Takot

(1 John 4:18 TPV) Walang kalakip na takot ang tunay na pag-ibig sapagkat pinapawi ng pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa.


Nakakatakot ang paghatol ng Dios, ngunit yamang nauunawaan natin at nararanasan ang pagibig ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Anak, pinapawi ng pagibig ang takot na ito. "Ang pag-ibig ay nagiging ganap kung hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom..." (1 John 4:17 TPV).

Nakakatakot din ang mamatay sa krus, ngunit yamang ito ang paraan upang tayo ay maligtas, pinawi ng pagibig ng Panginoong Jesus ang takot na ito. Hindi Siya nagdalawang-isip na suungin ang kamatayan alang-alang sa ating kapatawaran. Pinagtagumpayan ng Panginoong Jesus ang kamatayan dahil sa Kanyang dakilang pagibig.


Application:

Ano pa ang mga ikinatatatakot mo sa buhay?


May kinakatakutan ka bang tao?

Natatakot ka bang ipagtapat ang saloobin mo?
Natatakot ka bang hindi tanggapin ng iba ang sasabihin mo?
Natatakot ka bang makipag-usap sa anumang kadahilanan?

Anuman ang ikinatatakot mo, pinapawi ng pagibig ang takot!

Kung naranasan mo ang pagibig ng Dios at ang Kanyang pagpapatawad, at alam mo ang katotohanan na hindi ka na hahatulan ng Dios ng kamatayan sa Araw ng Paghuhukom, napagtagumpayan mo na ang pinaka-nakakatakot sa lahat!

At dahil nagpapatuloy ka sa pagibig ng Dios--pagibig na umaapaw sa iyo palabas, wala ng (dapat na) dahilan para matakot ka tulad ng halimbawa sa itaas dahil mangingibabaw ang pagibig mo sa iyong kapwa.
  • Kung may tao na inaakala mong nakakatakot lapitan(?), sa pakikitungo mo sa kanya ng may pagibig ay maaaring magbago ang iyong pananaw sa kanya.
  • Kung natatakot ka na ipagtapat sa iba ang iyong saloobin dahil maaaring hindi nila tanggapin ang iyong sasabihin(?), ang malawak mong unawa at pagibig sa kanila ang papawi sa takot na ito.
  • Walang dahilan para matakot sa pakikipagusap kung ikaw ay puno ng pagibig; dahil ang pagibig na ito ang magtuturo sa iyo upang magtiis, umunawa, magpatawad, at iba pang mabubuting hangarin.
Pinapawi ng pagibig ang anumang takot!

Kaya naman, ito ang mga sumunod na ipinahayag ni apostle John:

1 John 4:19-21 TPV Tayo’y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin. (20) Ang nagsasabing “Iniibig ko ang Diyos,” at napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung yaong kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya maibig, paano niya maiibig ang Diyos na hindi nakikita? (21) Ito ang utos na ibinigay sa atin ni Cristo: ang umiibig sa Diyos ay dapat ding umibig sa kanyang kapatid.

Ang material na ito ay buhat sa Pamilyang Kristiano Ministries for Christ para sa kapurihan ng Dios at sa ikatatatag ng pananampalataya. (See us on facebook!)

Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 1: The Good News of Salvation in Christ