Dapat ba tayong maka-feel ng guilt sa hindi natin pagbabasa ng Bible o sa pagdalo sa pagtitipon ng church?

Key verse: 

James 2:10 KJV  For whosoever shall keep the whole law, and yet offend in one point, he is guilty of all.


Ang Greek word na ginamit sa verse na ito sa salitang “guilty” ay ἔνοχος (enochos), na ang ibig sabihin ay in danger of, guilty of, subject to, or liable to.


Kaya sa translation ng KJV at ESV sa Matthew 5:22 na ginamit din ang salitang ἔνοχος (enochos), ay pinili nila ang “in danger of” or “liable”: 


But I say unto you, That whosoever is angry with his brother without a cause shall be in danger of (ἔνοχος, enochos) the judgment: and whosoever shall say to his brother, Raca, shall be in danger of the council: but whosoever shall say, Thou fool, shall be in danger of (ἔνοχος, enochos) hell fire.


Matthew 5:22 ESV  But I say to you that everyone who is angry with his brother will be liable to (ἔνοχος, enochos) judgment; whoever insults his brother will be liable to the council; and whoever says, ‘You fool!’ will be liable to (ἔνοχος, enochos) the hell of fire.


Tagalog translation: 

TPV - mananagot sa (ἔνοχος, enochos)…

TAB - mapapanganib sa (ἔνοχος, enochos)…


So, ang guilt ay isang sitwasyon na ikaw ay mananagot o mapapasa-panganib: 

  • Sa James 2:10 – mananagot ka o mappapasa-panganib ka dahil sa pagsuway ng kahit isa sa Batas ng Dios. 

  • Sa Matthew 5:22 – mananagot ka o mappapasa-panganib ka sa kahatulan o hukuman dahil sa sa galit o poot na mayroon ka sa iyong kapwa at, mananagot ka o mapapasa-panganib ka sa apoy ng impyerno dahil sa pag-insulto mo (halimbawa ay ang pagsasabi ng “ulol ka”) sa iyong kapwa. 


Ganito ibinigay ni Michael Houdmann ng definition ng “guilt”: 


Guilt is the result of having violated a specific rule or law. When we cross a moral, ethical, or legal line, we are guilty. This is true even if we did not know a line was crossed. Guilt is primarily a state or condition, not (just) a feeling. According to the Bible, we are all guilty before God (Romans 3:10, 23).


(Tagalog) Ang guilt (sitwasyon na ikaw may pananagutan o mapapasa-panganib) ay resulta ng pagsuway sa isang patakaran o batas. Kapag lumagpas tayo sa isang moral (tama o maling pamumuhay), tamang asal, o legal na bagay, ay guilty tayo sa bagay na ‘yon. Totoo ito kahit na hindi natin alam na lumagpas na pala tayo. Ang guilt ay isang sitwasyon o kalagayan, hindi (lang) isang pakiramdam. Ayon sa Bible, tayong lahat ay guilty sa harapan ng Dios (Rom. 3:10:23). 


Romans 3:10 ESV  as it is written: “None is righteous, no, not one.


Romans 3:23 ESV  for all have sinned and fall short of the glory of God.


So, tayong lahat ay guilty sa harapan ng Dios dahil hindi lang isa ang nagawa nating paglabag sa Kanya, kungdi napakaraming kasalanan ang ginawa natin sa Dios at sa iba. At dahil guilty tayo ay may pananagutan tayo o nasa panganib ng kaparusahan: 


Romans 6:23a ESV  For the wages of sin is death….


Ang guilt ay hindi masama dahil ito ang ginagamit ng Dios para dalhin ang tao sa repentance. Dahil sa nalaman natin ang katotohanan na ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, tayo ay kino-convict ng Holy Spirt at nababagabag sa pananagutan natin at sa panganib ng kamatayan.


Mula dito ay may ilang katotohanan na dapat nating malaman tungkol sa kalagayan natin bilang guilty sinners sa harapan ng Dios. 


  1. Tinakluban na ng Dios at pinawi ang ating mga kasalanan noong tayo ay iniligtas Niya sa pamamagitan ng Kanyang biyaya (grace) at sa tugon natin ng pagsisisi at pananalig sa Kanyang Anak . Kung gayon ay inalis din Niya ang ating guilt. 


Colossians 2:11-14 TPV  Dahil sa pakikipag-isa kay Cristo, kayo’y na-circumcise hindi sa laman kundi sa pagwawaksi ng masamang hilig ng laman. Ito ang circumcision na mula kay Cristo.  (12)  Nang kayo’y bautismuhan, nalibing kayong kasama ni Cristo at muling nabuhay na kasama niya dahil sa inyong pananalig sa kapangyarihan ng Diyos na muling bumuhay sa kanya.  (13)  Kayong mga Hentil na dating patay dahil sa kasalanan ay muling binuhay ng Diyos na kasama ni Cristo. Pinatawad niya tayo sa ating mga kasalanan at  (14)  pinawalang-bisa ang lahat ng kasulatan laban sa atin, pati mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang lahat ng ito nang ipako siya sa krus.


Isaiah 43:25 ESV  “I, I am he who blots out your transgressions for my own sake, and I will not remember your sins.


Romans 4:7 KJV  Saying, Blessed are they whose iniquities are forgiven, and whose sins are covered.


Isaiah 6:7 ESV  (Isaiah’s vision, one of the seraphims flew to him and) he touched my mouth and said: “Behold, this has touched your lips; your guilt is taken away, and your sin atoned for.”


Sa Isaiah 6:7, ang salitang guilt ay katumbas ng fault, iniquity, mischief, sin, or punishment. 


  1. Kahit tayo ay pinatawad na ng Dios ay may nagagawa pa din tayong kasalanan at dapat natin itong ikumpisal sa Dios para tayo ay patuloy na patawarin Niya at linisin sa ating karumihan. 


1 John 1:8 ESV  If we say we have no sin, we deceive ourselves, and the truth is not in us.


1 John 1:9 ESV  If we confess our sins, he is faithful and just to forgive us our sins and to cleanse us from all unrighteousness.


1 John 1:10 ESV  If we say we have not sinned, we make him a liar, and his word is not in us.


(Note: Tungkol sa context ng 1 John 1 lalu na sa verses 8-10, read here)


Ang layunin ni John sa confession ng sins ay ang kapatawaran at kalinisan na kailangan natin, hindi para maligtas ulit, kungdi para mapuno tayo ng kagalakan (joy) sa fellowship natin sa Dios at sa isa’t isa na-apektuhan ng kasalanan. Pareho ito ng restoration ng joy of salvation na binanggit ni David sa Psalm 51:2. Sa 1 Jn 1:9 ay nire-restore ng Dios ang joy natin sa ating fellowship sa Kanya at sa isa’t isa tuwing tayo ay nagko-confess ng nagagawa nating sins. 


So, may nalalabag pa din tayong utos ng Dios, for example:

  • Maaaring nagkukulang tayo sa Love natin sa Dios with all our heart, soul, mind, and might (Mk 12:30)

  • Maaaring nagkukulang tayo sas love natin sa isa't isa as Jesus loved us (Jn 15:12)

  • Maaaring nagkukulang tayo sa pag-forgive ng seventy times seven (Matt 18:21-22)

  • Etc. 


At tuwing may nilalabag tayong utos ng Dios, ay dapat nating tanggapin na guilty tayo sa mga kasalanang kino-confess natin upang patawarin tayo ng Dios at linisin sa ating karumihan, at i-restore ang joy natin sa ating fellowship sa Kanya at sa isa’t isa. 


Inalis na ng Dios ang guilt natin sa mga “kasalanang nakamamatay” ngunit may mga kasalanang “hindi nakamamatay” na dapat nating ipag-pray at i-confess sa Dios (cf., 1Jn 5:15) dahil guilty tayo sa mga ito. 


(Note: Para sa explanation ng “kasalanang nakamamatay” at sa “hindi nakamamatay”, read here)


In conclusion, bilang sagot sa tanong kung dapat ba nating ma-feel na guilty tayo sa tuwing hindi tayo nagbabasa ng Bible at hindi nakakadalo sa pagtitipon ng church, 


  1. Ang pagbabasa ng Bible ay isang instruction or admonition (pakiusap) mula kay apostle Peter na gawin ng believers ng may pagkauhaw sa katotohanan. 


1 Peter 2:2 ESV  Like newborn infants, long for the pure spiritual milk, that by it you may grow up into salvation. 


Ang metaphor na ginamit ni Paul dito na “longing for pure spiritual milk” ay yung spiritual nourishment na kailangan ng believers para lumago sa Salita ng Dios (through Bible reading and meditation, Bible study, listening to preaching). At dahil ito ay instruction mula sa apostol ni Jesus, at ang instruction ni Peter ay kinasihan ng Dios, at ito ay applicable din sa atin bilang believers in Christ, tayo ay kailangang magkaroon ng pagka-uhaw sa Salita ng Dios kung kaya’t kinasasabikan natin ang pagbabasa ng Bible (pati ang pag-aaral at pakikinig). At kung hindi tayo nakakapagbasa ng Bible, somehow, ay dapat nating ma-realize na may pagkukulang tayo sa biblical instruction na asamin ng may pagka-uhaw ang Salita ng Dios at, kung gayon, ay aminin natin na guilty tayo sa pagkukulang na ito. Guilty tayo, hindi sa “kasalanang nakamamatay” kaya hindi lubos ang ating pangamba, ngunit dapat ay hindi tayo lubos na masaya dahil nagkukulang tayo sa pagka-uhaw o desire na lumago sa Salita ng Dios. May Kristiano bang matutuwa na kulang siya sa pagka-uhaw sa Salita ng Dios at sa desire na lumalim sa Kanyang Salita?


Malulubos ang ating kagalakan sa pakikipag-fellowship natin sa Dios kung magre-repent tayo sa maling kaisipan na “okay lang ang hindi magbasa ng Bible” gayong alam natin na kailangan nating mauhaw at magpalalim sa Salita ng Dios. Ang good news ay pwede nating i-confess ang pagkukulang natin sa bagay na ito at ang Dios ay handa tayong patawarin at i-restore ang joy natin sa pakikpag-ugnay natin sa Kanya. 


Walang instruction sa Bible kung tuwing kailan tayo dapat magbasa ng Bible, pero dahil sa admonition na magkaroon ng “pagkauhaw” o “pananabik” sa Salita ng Dios bilang spiritual nourishment ng ating soul, ito ang magiging motivating factor sa pagbabasa natin ng Bible. 


Sabi ng isang psalmist, Psalms 42:1 ESV  As a deer pants for flowing streams, so pants my soul for you, O God.


Kung ang pagka-uhaw sa tubig ay araw-araw, ganun din siguro ang dapat na pagkauhaw sa presence ng Dios at sa Kanyang Salita. 


  1. Ang pagdalo sa pagtitipon ng church ay isa ding instruction or admonition mula sa Bible para sa atin na mga believers. 


Hebrews 10:25 GNB  Let us not give up the habit of meeting together, as some are doing. Instead, let us encourage one another all the more, since you see that the Day of the Lord is coming nearer.


Hebrews 10:25 Tagalog AB  Na huwag nating pabayaan ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.


So, dahil ito ay instruction din mula sa Bible ay may responsibility tayo bilang believers na isapamuhay ito. Although hindi ito pabigat sa atin dahil ikinalulugod nating makiisa sa mga pagtitipon ng Iglesya tulad ng Sunday Worship, ay dapat nating aminin na guilty tayo sa tuwing pinaplano nating lumiban or ipagpalit ito sa ibang bagay (pwera na lang sa emergency cases). Again, dahil hindi ito “kasalanang nakamamatay” kung kaya’t hindi lubos ang ating pangamba, ay hindi tayo lubos na masaya dahil nagkukulang tayo sa biblical instruction ng pakikipag-isa sa mga pagtitipon ng Iglesya. Sa ganito ding pagkukulang ay handa ang Dios na tayo ay patawarin upang malubos ang ating joy sa ating pakikipag-fellowship sa Kanya. 


God bless us all!



Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 1 (TAG): Ang Mabuting Blita ng Kaligtasan Mula kay Kristo