God’s Mercy and Grace: The Character He Wants us to Emulate

Intro

Romans 15:8-9 (ESV) For I tell you that Christ became a servant to the circumcised to show God's truthfulness, in order to confirm the promises given to the patriarchs, 9 and in order that the Gentiles might glorify God for his mercy. As it is written, “Therefore I will praise you among the Gentiles, and sing to your name.”


Underlying truths:

It is God’s desire to save all people.

  • Una, ang mga Hudyo para ipakita ang katapatan Niya sa Kanyang pangako kay Abraham na pagpapalain Niya ang kanyang lahi, 

  • Pangalawa ang mga hindi Hudyo na noon pa man ay plano na ng Dios na makasama ng mga Hudyo sa pagluluwalhati sa Kanya. 

God showed His mercy both to the Jews and the Gentile Christians

  • Ipinaranas ng Dios ang Kanyang mercy and grace sa dalawang grupong ito na hindi nagkakasundo sa ilang bagay.

  • Sumulat si Paul sa kanila para sermonan sila, pareho kayong tumanggap ng habag at biyaya ng Dios. So, ganun din ang ipakita ninyo sa isa’t isa. Magkaron kayo ng habag sa isa’t isa katulad ng puso ng Dios na mahabagin!

God’s message for us: Be merciful to each other!


Word: God’s Mercy and Grace: The Character He Wants us to Emulate

  • Sinama ko yung grace ng Dios dahil ginamit itong(mercy and grace interchangeably sa Bible patungkol sa doktrina ng kaligtasan.

  • Dahil sa grace and mercy ng Dios, ikaw at ako ay nagkaroon ng pagasa ng buhay na walang hanggan mula ng tayo ay nagsisi at nanalig sa Kanyang Anak na si Jesus!!

Pray


Romans 15:8-9 (ESV) For I tell you that Christ became a servant to the circumcised to show God's truthfulness, in order to confirm the promises given to the patriarchs, 9 and in order that the Gentiles might glorify God for his mercy. As it is written, “Therefore I will praise you among the Gentiles, and sing to your name.”


Let’s dig deeper into God’s Word


  • “Gentiles”

  • In the Bible, beginning with Jacob, people are categorized only into 2 groups, Jews (chosen) and unbelieving nations (nations in OT, Gentiles in NT)

    • We are part of the Gentile community

    • Grafted-in (Romans 11): Kasama tayo sa mga Hentil na ikinabit ng Dios (grafted in) sa lahi ni Abraham para makaranas ng parehong habag at biyaya na nararanasan ng mga Hudyo. 

    • Children’s song

    • Father Abraham had many children,

Many children had Father Abraham.

I am one of them, and so are you,

So let's all praise the Lord.

  • This song rightly expresses our text, “That the Gentiles might glorify God for his mercy… together with the Jews!


What is Mercy?

  • Tinuro ni Jesus sa disciples ang tungkol dito 

    • Matthew 18:21-35 TPV  Lumapit noon si Pedro at nagtanong sa kanya, “Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?”  (22)  Sinagot siya ni Jesus, “Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito.  (23)  Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya.  (24)  Unang dinala sa kanya ang isang may utang na 10,000 talents (10M dollars, Williams 1937).  (25)  Dahil sa siya’y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad.  (26)  Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: ‘Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.’  (27)  Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya.  (28)  “Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na nine 100 denarii[20 dollars, Williams]] sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: ‘Magbayad ka ng utang mo!’  (29)  Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: ‘Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.’  (30)  Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito’y makabayad.  (31)  Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila’y labis na nagdamdam; pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari.  (32)  Kaya’t ipinatawag siya ng hari. ‘Ikaw—napakasama mo!’ sabi niya. ‘Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin.  (33)  Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?’  (34)  At sa galit ng hari, siya’y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang.  (35)  Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid.”

  • Here,

  • 1. Ipinakita ni Jesus ang contrast between a merciful king and his unmerciful servant

    • The king is merciful.

    • Karapat-dapat parusahan yung knayang servant, pero pinatawad niya.

    • The king’s servant is unmerciful and forgiving.
      Naranasan niyang kaawaan at mapatawad, pero wala siyang puso. Wala siyan awa sa kanyang kapwa at hindi marunong magpatawad. 

    • This parable was a rebuke to those who are unmerciful! 

    • Matthew 23:23 TPV  “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ibinibigay ninyo ang ikapu ng gulaying walang halaga[o] ngunit kinaliligtaan ninyong isagawa ang lalong mahahalagang aral sa Kautusan: justice, mercy, and faithfulness… 

      • Sabi siguro ng mga Sadducees and Pharisees, puro na lang mali ang nakikita sa atin ni Jesus!

      • Not true! Pinuri sila ni Jesus sa kanilang pagbibigay ng tithes. May nakakalimutan lang silang mahalaga–kulang sila sa habag, plus yung 2 pa (justice and faithfulness).!

  • 2. Ipinakita din ni Jesus na ang unmerciful ay dapat parusahan.

  • Reflection 

  • Marunong ka bang maawa sa iyong kapwa?

  • Ano ang pakiramdam mo sa mga taong walang awa at hindi nagpapatawad? Kung nagdurugo ang puso mo at sumisigaw ng hustisya, ikaw ay nasa katuwiran ng Dios!


  • Minsan ka na bang nirebuke ni Lord, or ng iyong leader/boss/parents/pastor, dahil kulang ka sa habag at awa sa mga dapat kaawaan? 

  • Binabago na ba ng Dios ang iyong puso kung kaya’t napapansin mo na nakakaramdam ka na ng awa sa mga taong dapat kaawaan?


What is mercy and grace?

  • You deserve God’s punishment, yet God forgave you. That’s mercy!

  • You don’t deserve God’s blessings, yet God blessed you… That’s grace!

  • Kaya hindi porket binebless ka ng Dios, nasa tama ka na. May blessing ang Dios na kahit hindi ka karapat-dapat ay ipinagkakaloob pa din Niya sa iyo. That’s grace!

  • Paul’s understanding of mercy and grace…
    1 Timothy 1:12-14 ESV  I thank him who has given me strength, Christ Jesus our Lord, because he judged me faithful, appointing me to his service,  (13)  though formerly I was a blasphemer, persecutor, and insolent opponent. But I received mercy because I had acted ignorantly in unbelief,  (14)  and the grace of our Lord overflowed for me with the faith and love that are in Christ Jesus.

  • In-acknowledge ni Paul na makasalanan siya na karapat-dapat parusahan, pero naranasan niya ang awa ng Dios at siya’y pinatawad at tinawag para maging lingkod. Ganung kahiwaga ang mercy ng Dios!!

  • Alam niyang hindi sya worthy na mahalin ng Dios, pero minahal pa din siya ng Dios at nagtiwala sa kanya sa kabila ng lahat ng pangit niyang nakaraan. Ganung kahiwaga ang grace ng Dios!

  • Reflection

    • May mga tao ba na sa palagay mo ay hindi karapat-dapat ng iyong awa at pagmamahal? 

      • Mga tao na sinaktan ka

      • Mga tao na hinatulan ka

      • Mga tao na iniwanan ka, atbp…

    • (Ang may pandinig ay makinig) KAILANGAN MO NG ISANG PUSONG KATULAD NG SA DIOS–ISANG PUSONG MAAWAIN, MAHABAGIN, AT MAPAGPATAWAD!


To help us understand God’s mercy and grace,

1. We must realize the weight of our sins.

  • a. The sin of turning away  from God and being one with the devil. 

  • Sa Garden of Eden, hindi lang basta pagsuway ang ginawa nila Adan at Eva. Tinalikuran nila ang Dios at mas nagtiwala kay Satanas na isang manlilinlang.  

    • Remember, ang pagsang-ayon natin sa tukso ng kaaway ay pagpapakita sa Dios na mas pinapahalagahan natin si Satanas kaysa sa Kanya! Ganung kabigat ang kasalanan natin sa Dios sa tuwing nagpapatukso tayo sa diablo. 

    • Reflection

    • Kailan yung huling pagkakataon na pinagbigyan mo si Satanas na tuksuhin ka niya na suwayin ang Dios? Alam mo bang pagtalikod ito sa Dios at pakikiiasa sa diablo? Naunawaan mo ba ang bigat ng kasalanang ito? 

  • b. The sin of discontent for being with God and the desire to go back to the former ways with God’s enemy. 

  • Sa wilderness, hindi lang basta reklamo ang ginawa ng mga Hudyo sa Dios at kay Moses. Sinisisi nila si Moses hindi lang dahil sa wala silang makain at mainom sa ilang kung saan sila inilikas ng Dios. Ikinukumpara nila ang buhay nila noon nung alipin pa sila sa Egypt. Ipinamumukha nila kay Moses na mas mabuti pa ang kalagayan nila noong wala pa sila sa piling ng Dios. Sabi nila, “sa Egypt, oo alipin kami, pero masarap ang kinakain namin at hindi sila nagugutom. Samantalang sa piling ng Dios, kami at ang aming mga anak ay walang makain. Gutom! Ganung kasama ang mga pananalita nila sa harapan ni Moses at sa harapan ng Dios. 

  • Reflection 

    • May pagkakataon ba na inisip mong mas mabuti pa noong wala ka pa sa Panginoon? 

      • Hindi kami nagugutom sa pamilya dahil walang kailangang ibigay na tithes and offering. 

    • May pagkakataon ba na inisip mong mas mabuti pa noong wala ka pa sa Panginoon?. 

      • Dahil walang pumipigil sa akin sa bisyo, sa sugal, sa pambababae, sa panlalalake, etc.. Masaya kami ng tropa ko sa gusto naming gawain. Walang umaawat, walang sumasaway, walang pumipigil! Hindi katulad sa simbahan na maraming bawal!

      • Alam mo ba na ito ay pagpapakita na mas gusto mo pang kasama ang kadiliman kaysa sa Dios na tumawag sa iyo sa kaliwanagan? 

      • Naunawaan mo ba ang bigat ng mga reklamo natin sa Dios, ang kabaluktutan ng ating pagiisip, at ang kagustuhan nating balikan ang maling gawain–patunay na mas gusto natin sa kaaway na pwede ang lahat kaysa sa Dios na limitado lang sa katuwiran? 

  • c. The pre-meditated sin-an intentional sinning without feeling of remorse and unwilling to repent. 

  • Proverbs 4:16-17 TPV  (dinescribe ng mangangaral ang mga taong masasama) …hindi sila makatulog pag di nakagawa ng masama, At hindi matahimik kapag ang ang gusto ay di nagawa.  (17)  Ang kanilang kinakain ay buhat sa kasamaan, Ang kanilang iniinom ay bunga ng karahasan.

    • Kumakain tayo na parang wala na tayong nararamdamang kalungkutan habang alam nila na galing sa masama ang ating kinakain. Naghahanap tayo ng maloloko para buhayin ang ating pamilya. Pinagpaplanuhan natin ito araw-araw at hindi iniisip ang buhay ng iba. Ganung kasama ang laman ng ating isipan!

    • Reflection

    • May pakakataon ba na nandaya ka sa iba o ninakawan mo sila mapakain mo lang ang sarili mo at ang pamilya mo? Nasanay ka na bang magsinungaling at mandaya sa iyong kapwa hanggang paulit-ulit mo na itong ginagwa? Nauunawaan mo ba na habang kumakain kayo ng iyong pamilya, at ang pinanggalingan nun ay pandaraya, kurakot, sugal, pagnanakaw, iyon ay mabigat na kasalanan sa Dios? 

  • Marami pang mabibigat na kasalanan na madi-discover natin sa Bible!

  • Why am I saying this? 

  • Mahalagang marealize mo ang bigat ng iyong mga kasalanan dahil gaanu mang kadami at kabigat ang mga ito, GOOD NEWS: GOD IS MERCIFUL, HE IS WILLING TO FORGIVE YOU FROM ALL YOUR SINS.

    • (PROMISE) 1 John 1:9 TPV  Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maaasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siya’y matuwid.

    • AMEN? Let’s give a clap offering to God!

  • Reflection

  • Gaano kabigat ang kasalanang nagawa sa iyo ng iyong kapatid?

  • Iniisip mo bang hindi siya karapat-dapat patawarin? 

    • Umabot na ba sa 77x7 ang pagpapatawad mo sa kanya?

  • Naawa ang Dios sa iyo kaya pinatawad ka Niya. May awa din ba sa puso mo? Yun bang awa mo sa kapatid mo ay katulad ng sa puso ng Dios na handang magpatawad gaanu mang kalaki at kabigat ang kasalanang nagawa sa iyo? 

    • Nagtatanim ka pa din ba ng sama ng loob? O, since binago ka na ng Dios, ang itinatanim mo na ba ngayon ay malawak na unawa at pagmamahal para sa iyong kapwa?

Next, to help us understand God’s mercy and grace,

2. We must realize the severity of our punishment as sinners. 

  • a. God is love, but He is also just–He never leaves the guilty unpunished ( Exodus 20:5, 34:7, Numbers 14:18, and Nahum 1:3)!

  • Pinarusahan ng Dios si Adam and Eve at pinaalis, again, hindi lang dahil sa pagsuway nila kungdi dahil sa pakikipag-isa nila kay Satanas. Mula sa kanila ay lumaganap sa sangkatauhan ang kasalanan at ang parusa ng kamatayan. 

  • Sa Genesis 6:5-6, (Pinarusahan ng Dios ang mga tao sa panahon ni Noah dahil..) Nakita ni Yahweh na labis na ang kasamaan ng tao (their wickedness is so great)--wala na silang iniisip sa kanilang puso kungdi ang patuloy na paggawa ng masama.  (6)  Kaya’t ikinalungkot ng Dios ang pagkalalang sa tao.

  • Sa Sodom and Gomorrah ay nagpaulan ang Dios ng umaapoy na asupre dahil sa karumaldumal na kasalanan na kanilang kanilang extreme wickedness: pride, gluttony, katamaran, kawalan ng malasakit sa mahihirap, sexual violence (yung mga homosexuals ay gustong sipingan ang dalawang anghel na bisita ni Lot), while other verses link them to adultery, lies, and shameless sinning.

  • Sa Revelation 21:8, ipinakita ng Dios ang naglalagablab na apoy at asupre sa impyerno na ikalawang kamatayan bilang walang hanggang kaparusahan sa mga duwag, mga taksil, mga nagpasasa sa kasuklam-suklam na kahalayan, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyusan, at lahat ng sinungaling. Sila’y ibubulid sa lawa ng naglalagablab na asupre, na siyang pangalawang kamatayan.


  • Bakit parang matindi ang parusa ng Dios? Walang hanggang apoy at asupre–second death!


  • b. The severity of God’s punishment is done in equity and justice–the very expression of His righteousness. 

    • What you sow is what you reap! (Galatians 6:7-8)

    • Galatians 6:7-8 TPV  Huwag ninyong linlangin ang inyong sarili; ang Diyos ay di madadaya ninuman. Kung ano ang inihasik ng tao, iyon din ang kanyang aanihin.  (8)  Ang nagsisikap sa mga bagay ukol sa laman ay aani ng kamatayan. Ang nagsisikap sa mga bagay ukol sa Espiritu ay aani ng buhay na walang hanggan.

    • God’s severe punishment is due to man’s wilful act of rejecting Jesus Christ as LORD and SAVIOR–He rejected the means by which he could be saved! There is nothing more severe than rejecting the cure for the disease!

      • Ang itinanim niya ay rejection of God, ang aanihin niya ay rejection from God.

    • By rejecting Jesus Christ, man is putting upon himself the curse he never wanted in the first place!

      • Kaya hindi pwedeng sisihin ng tao ang Dios kung siya ay hatulan ng ikalawang kamatayan. Siya ang nagtutulak sa kanyang sarili para mamatay ng ikalawang kamatayan!

  • Sa Revelation 9:20-21, Habang ibinubuhos ng Dios ang Kanyang poot sa mga masasama—yaong hindi namatay sa mga salot na ito—ay hindi nagsisi. Hindi sila tumalikod at di tumigil ng pagsamba sa mga demonyo at sa mga diyus-diyusang likha ng kanilang kamay—mga larawang ginto, pilak, tanso, bato, at kahoy, na di nakakakita, nakaririnig, o nakalalakad.  (21)  Ni hindi nila pinagsisihan ang kanilang mga pagpatay, pandaraya, pakikiapid o pagnanakaw.

    • Dahil sinamba ng tao ang demonyo, aani sya ng kaparusahan katulad ng parusa Niya kay Satanas. 

    • Dahil sinamba ng tao ang diyus-diyusang likha ng kanilang kamay, aani sila ng parusa katulad ng kanilang sinasamba na gawa sa kahoy na angkop para sunugin. 

    • Dahil hindi sila marunong magsisi at tahasang tinatanggihan ang alok ng Dios na kaligtasan, sila mismo ang nagdadala sa kanilang sarili sa sumpa ng kamatayan. 

  • GOOD NEWS…

  • (Read in reverse order) John 3:18 TPV  “Hinatulan nang parusahan ang hindi nananampalataya sa kanya. Ngunit hindi hinahatulang maparusahan ang nananampalataya sa bugtong na Anak ng Diyos! 

    • AMEN? Let’s give a clap offering to God!


Closing:

Naisip mo ba na kung maaari sana ay wag na lang parusahan ng Dios ang mga nagkasala? 

  • Hindi ito maaari, dahil kung alam ng tao na walang makapangyarihan na magpaparusa sa kanyang kasamaan, o walang batas ang Dios na sisingil sa kanyang ginawang kasalanan, mas lalung magpapakasama ang tao dahil hindi siya responsable kanino man at hindi niya kailangang managot kaninuman sa kanyang ginagawang kasamaan. That’s foolishness!


What is punishment for?

1. God’s punishment is only for those who do not fear Him. 

Ang kaparusahan ng Dios sa impyerno ay para lang sa mga walang takot sa Dios. 

  • Reflection: May takot ka ba sa Dios?

2. Hell is only for those who turn away from God and make themselves one with the devil in evil practices. 

 Ang impyerno ay para lang kay Satanas at sa lahat ng nakikipag-isa sa kanya sa pagtalikod sa Dios.  

  • Reflection: Minsan mo bang tinalikuran ang Dios at ginawa ang mga masasamang ipinapagawa sa iyo ng kaaway?

3. Good news: God is merciful and gracious. 

  • He is willing to forgive sinners who deserve punishment! (Mercy)

  • He is willing to save sinners who do not deserve his love! (Grace)

  • Our response: 

  • Repent and turn away from sin. Resist Satan and his evil ways. 

  • Accept Jesus Christ as the King of kings and Lord of lords and submit to him!

  • Put your trust in Jesus Christ as Savior–he saves all repentant sinners from the second death!

    • Dahil sa mercy and grace ng Dios, sinugo ng Ama ang Anak para tayo ay iligtas…

    • Sinakripisyo ng Ama ang ang Anak kapalit natin sa krus upang kay Jesus ipataw ang parusa ng kamatayan na dapat ay para sa atin…

    • Tinatahanan ng Banal na Espiritu ang lahat ng nasisisi at nananalig kay Jesus bilang Hari, Panginoon, at Tagapagligtas. Binabago Niya ang puso nating kasing tigas ng bato at pinapalitan ng pusong laman upang matutong sumunod sa kalooban ng Ama, ginagabayan Nya tayo sa lahat ng katotohanan, at pinapanatili Niyang matuwid hanggang huling mga araw!

    • Karapat-dapat kang parusahan dahil ikaw ay makasalanan, pero pinatawad ka Nya buhat ng ikaw ay magsisi at manalig kay Jesus. 

    • Hindi ka karapat-dapat mahalin, pero minahal ka Niya at iniligtas sa tiyak na kapahamakan!

    • AMEN? Let’s give a clap offering to God!

    • So,

  • Be forever grateful to God for His mercy and grace! 

  • Be merciful and gracious to others!

    • Karapat-dapat parusahan ang lahat ng nakagawa sa iyo ng mali, tama? Ganun ka din sa harapan ng Dios. Karapat-dapat kang parusahan, pero pinatawad ka ng Dios. Ganito din ang ipakita mo asa iyong kapwa. 

    • Hindi karapat-dapat mahalin ang gumagawa sa iyo ng mali, diba? Ganun ka din sa harapan ng Dios. Hindi ka karapat-dapat mahalin pero minahal ka ng Dios. Ganito din ang ipakita mo asa iyong kapwa. 

    • Ngayong naka’y Kristo ka na. Binago na ng Dios ang puso mo. Tinuturuan ka ng Dios na maging merciful and gracious sa sinumang nakakagawa sa iyo ng mali. Love your enemies and do good to those who do you wrong. Yun ang utos ng ating Panginoon at Hari. 

  • LET’S UNITE OURSELVES AND GLORIFY GOD FOR HIS MERCY AND GRACE. 

  • LET’S MAKE THIS WORLD BEAUTIFUL BY SHOWING MERCY AND GRACE TO ONE ANOTHER.



Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 5: Assurance of Salvation