Paano "Mag-away" Bilang Mag-asawa?

by Ptr. Jovy Salamat "Hatred stirs up strife, but love covers all offenses." Proverbs 10:12 ESV Hindi sina-suggest ng title na "mag-away" ang mag-asawa, rather, ipinapakita nito ang reality na hindi maiwasan ang argument sa mag-asawa. So, kung dumating ito, narito ang ilang tips: 1. Huwag magsakitan physically. Kahit itago namin sa aming mga anak ang "pag-aaway" ay lumalaki sila na nahahalata nila ito. Pero ang alam nilang “away” namin ay mere arguments. Hindi pa nila kami nakikita na nagsakitan physically at, sa biyaya ng Dios, ay hindi namin gagawin na saktan ang bawa’t isa physically. 2. Don’t use foul words or expressions. Kung hindi ka nananakit physically, posible na nasasaktan mo ang asawa mo emotionally sa pamamagitan ng foul words o expressions (pag-ignore, ngisi, singhal, etc.). Kung inosente ka sa bagay na ito, dumeretso ka na sa no. 3. Pero kung guilty ka, mag-repent ka. At sa susunod na kayo ay mag-uusap tungkol sa isang problema, mag-pr...