Pinapawi ng Pagibig ang Anumang Takot
(1 John 4:18 TPV) Walang kalakip na takot ang tunay na pag-ibig sapagkat pinapawi ng pag-ibig ang anumang pagkatakot. Hindi pa ganap ang pag-ibig ng sinumang natatakot, sapagkat ang takot ay kaugnay ng parusa. Nakakatakot ang paghatol ng Dios , ngunit yamang nauunawaan natin at nararanasan ang pagibig ng Dios sa pamamagitan ng Kanyang Anak, pinapawi ng pagibig ang takot na ito . " Ang pag-ibig ay nagiging ganap kung hindi natin kinatatakutan ang Araw ng Paghuhukom ..." ( 1 John 4:17 TPV). Nakakatakot din ang mamatay sa krus , ngunit yamang ito ang paraan upang tayo ay maligtas, pinawi ng pagibig ng Panginoong Jesus ang takot na ito. Hindi Siya nagdalawang-isip na suungin ang kamatayan alang-alang sa ating kapatawaran. Pinagtagumpayan ng Panginoong Jesus ang kamatayan dahil sa Kanyang dakilang pagibig . Application: Ano pa ang mga ikinatatatakot mo sa buhay? May kinakatakutan ka bang tao? Natatakot ka bang ipagtapat ang saloobin mo? Natatakot ka bang hindi tanggapin ng iba ang...