Dapat bang Mag-Celebrate ng Christmas?
Reference: Michael Houdmann, Got Questions. 1. Nagko-contradict ang mga sources tungkol sa origin ng Christmas kung ito ay may kinalaman sa pagan practice. 2. Kahit anong bagay (bells, candles, etc.) ay neutral. Kung ginagamit ito ng mga pagano sa worship nila, hindi ito dapat isipin na pareho sa lahat. Ginagamit natin bilang Christians ang candle, for example, bilang simbulo ng liwanag (Matt 5:14-16). 3. Hindi "Christmas tree" ang ipinagbabawal sa Jer 10:1-16 kungdi ang pinutol na puno at inukitan para gawing idol at sambahin ito. 4. Walang nakaka-alam kung kailan ipinanganak si Jesus at hindi ipinag-uutos sa Bible na i-celebrate ang Kanyang kapanganakan, pero hindi din ito ipinagbabawal ng Bible. At tiyak na malulugod ang Dios kung ang motive natin sa mga panahong ito ay i-preach ang good news tungkol sa ipinanganak na Hari at Tagapagligtas at itama ang maling pananaw ng mga pagano tungkol kay Jesus. 5. Ang pag-celebrate ng Christmas ay personal decision. Ang pabor o...