L1 Lesson 4c: Kailan Tayo Iniligtas ng Dios?

Follow up on last lesson: I-share ang iyong testimony of conversion (maaaring gawin by partners) at i-submit sa Bible Study leader.  

๐Ÿ“˜ Objective: Upang ipakita sa new disciple ang truh kung paano tayo inligtas ng Dios sa Kanyang Trinity at kung kailan nagkaroon ng bisa ang kaligtasang ito na ipinagkaloob Niya sa atin.

Key Text: Romans 8:29-30 TPV 

Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; ang mga ito’y itinalaga niyang maging tulad ng kanyang Anak, at sa gayon, naging panganay natin siya. (30) At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan. 

Kung io-observe ng mabuti ang ipinakita ng Holy Spirit na katotohanan kay apostle Paul, ay may mapapansin tayong pagkakasunod-sunod sa way ng Dios para iligtas tayo. 

Romans 8:29-30:

  • Pagpili sa simula pa (Predestination)
  • Pagtawag (Calling)
  • Pagpapawalang-sala (Justification)
  • Pagbibigay karangalan (Glorification)
Isa-isahin natin ito.

1. CHOOSING: ANG PAGPILI NG DIOS SA ATIN.

Alam mo ba kung kailan pinili ng Dios ang lahat ng Kanya? 

Ephesians 1:4 TAB  Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig:

Ang pagpili ng Dios sa atin ay collective–tayo na mga iniligas ng Dios at tinawag sa kabanalan. Ang nakakalungkot ay may mga tao na mas pinipili ang kadiliman. Ganito ang sabi ni apostle John,

(John 3:19 TPV) Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa.

Do you see? Si Jesus ang True Light (Jn 1:9), pero mas pinipili ng iba ang darkness na puno ng evil kaysa Light na puno ng righteousness. 

๐Ÿ”ŽReflection: Noong malayo ka pa sa Panginoon, aware ka ba na mali ang ginagawa mo? Paano ka natauhan? 

So, kung “pinili tayo” ng Dios–by grace through faith in Christ, ay pinipili din natin, bilang mga nasa kaliwanagan, ang lumakad tayo ayon sa way ng Dios in righteousness.

Next sa predestination ay...

2. CALLING: ANG PAGTAWAG NG DIOS SA ATIN.

(Eph 1:13 TPV) Kayo ma’y naging bayan ng Diyos nang kayo’y manalig sa kanya matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan—ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan…

Kaya tayo nagkaroon ng opportunity na maniwala kay Jesus bilang Savior and King ay dahil sa gospel or good news ng salvation na narinig natin sa mga preachers. Pero, si Lord ang nag-aarrange ng lahat ng ito para tawagin Niya tayo at maging para sa Kanya. Paano?

  1. Nagsugo Siya ng believer para ituro sa iyo ang gospel (i.e., Isaiah 6:8). 
  2. Inilapit ka ng Dios sa preacher at maaaring binuksan ng Dios ang heart mo (Acts 16:14) para maliwanagan ka at maniwala ka kay Jesus bilang Messiah--the Savior-King. 

Praise God! 

๐Ÿ”ŽReflection: Sino ang ginamit ng Dios para maibahagi sa iyo ang mabuting balita tungkol sa ating Panginoong Jesus. Paano mo ito ipinagpapasalamat sa Dios? 

Next sa calling ay...

3. JUSTIFICATION: ANG PAGPAPAWALANG-SALA NG DIOS SA ATIN.

(Romans 5:9 TPV) At ngayong napawalang-sala (justified) na tayo sa pamamagitan ng kanyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya.

Praise God! Ang dugo ni Jesus na nabuhos sa krus ang naghuhugas ng ating mga kasalanan. Dahil sa grace ng Dios at sa ating faith kay Jesus bilang Messiah ay pinawalang-sala tayo ng Dios–justified!


Parang katulad ito ng judge sa isang court ruling na ang hatol sa atin ng Dios ay “not guilty!” Kaya confidently ay sinabi ni Paul na ligtas tayo sa wrath o poot ng Dios (Rom 5:9). Iniligtas tayo ng Dios sa lake of fire sa pamamagitan dugo ni Kristo na ibinuhos sa krus para sa ating kapatawaran! Praise God!

Next sa justification ay...

4. SANCTIFICATION: ANG PATULOY NA PAGPAPABANAL NG DIOS SA ATIN.

Bago mangyari ang glorification, ay kumikilos ang Holy Spirit para sa ating sanctification

(Romans 6:22 TAB) Datapuwa't ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal (sanctification), at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan.

Ang sanctification ay work ng Holy Spirit para linisin tayo at patuloy na maging malinis at submissive sa will ng Dios. Alam mo ba kung paano ito ginagawa ng Dios sa atin?

  • Tinutukso tayo ng diablo (directly o inderectly) para magkasala, hindi ba? Dito ay kino-convict tayo ng Holy Spirit sa sin and righteousness (Jn 16:8). Nangungusap sa atin ang Holy Spirit para tanggihan natin at layuan ang tukso. 
  • Kapag nagkasala tayo ay gracious pa din ang Dios. Nililinis Niya tayo at pinapatawad basta i-confess natin ang sins natin sa Kanya (1Jn 1:9). 
  • Nili-lead din tayo ng Dios sa ating desire na gawin ang Kanyang kalooban (Phil 2:13).
  • Tatapusin ng Dios ang good work na sinimulan Niya sa atin (Phil 1:6) hanggang dumating si Jesus. 

Praise God! So, laging tandaan na ang Holy Spirit ay nasa iyo (1Cor 6:19) para i-guide ka in all truth. Importante dito ang cooperation and submission natin sa Kanyang leading. At hindi tayo pwedeng lituhin ng kaaway sa kung ano ang tama at mali dahil ang leading ng Holy Spirit ay laging in line sa Word of Truth na nasa Scripture!

Next sa sanctification ay...

5. GLORIFICATION: ANG MALUWALHATING KATAWAN NA IBIBIGAY NG DIOS SA ATIN.

Now, i-discuss natin ang last, but not the least--ang glorification.

(Philippians 3:21 TPV) Pagdating ng araw na yaon, babaguhin niya ang ating katawang-lupa at gagawing maluwalhati, tulad ng kanyang katawan, sa pamamagitan ng kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng bagay.

(1 Corinthians 15:51-53 TPV)  Pakinggan ninyo ang hiwagang ito: hindi mamamatay ang lahat, ngunit lahat tayo’y babaguhin  (52)  sa isang sandali, sa isang kisap-mata, kasabay ng huling tunog ng trompeta. Pagtunog ng trompeta, ang mga patay ay muling bubuhayin at di na mamamatay. Babaguhin tayong lahat,  (53)  sapagkat itong katawang nabubulok ay dapat mapalitan ng di nabubulok at ang katawang namamatay, ng di namamatay.

Do you see kung ano ang mangyayari sa ating physical body sa second coming ni Jesus? Pagkatapos buhaying muli ang mga namatay na naka’y Kristo, tayo na mga buhay pa ay ita-transform ng Dios into glorified body! Bibigyan Niya tayo ng katawang pang-langit na hindi na mamamatay (see also, 1Cor. 15:51-53; 1Thes. 4:13-18). Praise God! 

So, dapat ipag-pray natin na dumating na si Jesus para makita na natin Siya ng face to face at makasama sa Kanyang Kingdom forever!


Closing: So, ano ang natutunan natin ngayon? Dahil sa grace ng Dios at sa ating faith sa Kanyang Anak na si Jesus Christ, ay ipinagkaloob sa atin ng Dios ang kaligtasan sa isang orderly and progressive manner:

  • (Predestined) Pinili tayo ng Dios para mamuhay sa kabanalan
  • (Called) Tinawag ka ng Dios sa pamamagitan ng Gospel
  • (Justified) Pinawalang-sala ka ng Dios through the blood of Jesus 
  • (Being Sanctified) Pinapanatili kang banal ng Holy Spirit hanggang sa huling araw
  • (Will be glorified) Bibigyan ka ng Dios ng glorified body

Mapapansin natin dito ang work ng Trinity sa ating salvation. (See also 1 Pe 1:1-2)

  • The Father chooses and calls (pumipili at tumatawag)
  • The Son forgives through His blood (nagpapatawad)
  • The Holy Spirit sanctifies (nagpapaging-banal)

So, ang nagligtas at nagliligtas sa atin ay ang Triune God—One God in three Persons—Father, Son, and the Spirit!

Mapapansin din natin dito kung kailan tayo iniligtas ng Dios. 


  • Sa PAST: pinili tayo ng Dios at iniligtas sa penalty of sin (Justified).  
  • Sa PRESENT: nililinis tayo ng Dios at inililigtas sa power of sin (Sanctification). 
  • Sa FUTURE: babaguhin tayo ng Dios at ililigtas sa presence of sin (Glorification). 

So, tayo ay saved, being saved, and will be saved! 

Note: “Saved” na ang pinili ng Dios na maging katulad ng Kanyang Anak dahil sa promise at gift ng eternal life na ngayon din ay ipinagkaloob na ng Dios by grace through faith in Jesus Christ [i.e., Jn 3:16-18; Eph 2:8-9]. “Being saved” dahil sa work ng Spirit sa pag-sanctify o paglilinis at pagpapabanal sa atin continually until Jesus comes. Kaya importante dito ang confession ng sins sa Dios [1Jn 1:9]. “Will be saved” dahil ang glorification ay mangyayari pa lang sa pagdating ni Christ para, finally, ay isama na Niya tayo sa Kanyang Kingdom forever.

Ganito siya kung isasalarawan:


Application: Since hindi lang Savior ang Dios kungdi Siya din ay ating King, ang tamang response natin sa Kanyang Kingship o Lordship ay ito: 

  1. WORSHIP (pagsamba). Pasalamatan mo at purihin ang Dios sa pagliligtas Niya sa iyo. Attend our face to face worship every Sunday at i-worship mo Siya everyday!
  2. LOYALTY (pagiging tapat). Siya lang ang dapat mong sambahin at paglingkuran. Wala ng iba!
  3. SUBMISSION (pagpapasakop). Willing ka na i-surrender ang ating will sa will Niya. 


Comments

Popular posts from this blog

Church Resources

Bible Study Materials for Adults

L1 Lesson 1: The Good News of Salvation in Christ