Nagiging Anghel ba ang mga Namatay na Sanggol?
Walang verse sa Bible na nagtuturo na ang mga sanggol ay magiging angels sa heaven. Although may nabanggit si Jesus sa araw ng resurrection na magiging katulad tayo ng angels sa heaven (Matt 22:30)--"katulad" in the sense na ang angels ay walang kasarian, pero hindi tayo magiging angel.
In fact, sa 1Cor 6:3 ay believers ang hahatol sa angels. Meaning, ang tao ay higher spiritual order kaysa mga angels. Ang angels ay nilikha ng Dios bilang kanyang servants at ng kanyang mga hinirang (Heb 1:14). In contrast, ang tao ay nilikha ng Dios sa kanyang image and likeness (Gen 1:26-27).
So, sanggol man o may sapat na gulang na, ay pareho silang tao na hindi magiging anghel after death kungdi parang angels na walang kasarian sa ikalawang buhay.
Ipinakita ng Bible ang mangyayari sa tao after death:
- Judgment (Heb 9:27).
- Pupunta sa langit ang kaluluwa ng believers (2Cor 5:8; Ac 7:59).
- Ang katawang-lupa ay naghihintay ng muling pagkabuhay sa huling araw (1Thes 4:15-16; Rev 20:5-10)--ang believers sa first resurrection at iba pa ay sa second resurrection para sa final judgment.
Comments
Post a Comment